Kipot ng San Juanico
Ang Kipot ng San Juanico ay isang makitid na kipot sa Pilipinas.[1] Pinaghihiwalay nito ang mga pulo ng Samar at Leyte, at ang nag-uugnay sa Look ng Carigara (Dagat Samar) sa Look ng San Pedro sa Golpo ng Leyte. Mayroon itong tinatayang haba na 38 kilometro (24 mi), at sa pinakamakitid na bahagi nito, ay mayroon lamang itong lawak na 2 kilometro (1.2 mi).
Ang kipot ay tinatawiran ng Tulay ng San Juanico. Tumatawid din ang linya ng kuryente na HVDC Leyte–Luzon sa pamamagitan ng isang linya sa itaas sa 11°23′36″N 124°59′04″E / 11.39333°N 124.98444°E, gamit ng isang tore sa isang hindi tinitirhan na pulo sa kipot. Ang pantalan ng Lungsod ng Tacloban, ang pangunahing daungan ng Silangang Kabisayaan, ay nasa Look ng Cancabato sa katimugang pasukan ng kipot.[2]
Kasaysayan
baguhinAng mga Espanyol ang nagpangalan sa kipot na ito. Ang unang pagsangguni sa mga Espanyol at sa Kipot ng San Bernardino ay noong panahon ng ekspedisyon noong 1543-45 ni Ruy López de Villalobos, na ipinadala ni Antonio de Mendoza —ang unang birey ng Bagong Espanya, sa ilalim ng utos ni Emperador Carlos V— upang magtatag ng isang kolonya ng Espanya, malapit sa mga isla ng Moluccas na sinakop na ng mga Portuges.[3]
Sa loob ng paglalakbay, isang barkong maliit na nagngangalang San Juan de Letrán, na may humigit-kumulang na 20 mga tauhan lamang, ang nakatuklas sa higit sa 5,000 na kilometro na mga katubigan ng kapuluan ng Pilipinas, kabilang ang mga kipot sa San Bernardino- sa pagitan ng Luzón at Leyte - at ang kipot ng San Juanico.[3]
Ang barkong San Juan ay nakapag-ikot din sa isla ng Mindanao, at pagkatapos ay sinubukang mapuntahan ang Mexico, ngunit napadpad ito sa mga Isla ng Mariana dahil sa isang bagyo sa Hilagang Pasipiko. Bumalik ito sa Pilipinas (na pinangalanan ang mga isla na "Villalobos", at kalaunan ay pinangalanan din ang mga isla nang paisa-isa na Samar at Leyte) at noong Enero 3, 1544, ay nakapunta sa kipot ng San Bernardino "na gagawin din tulad ng dose-dosenang mga barkong Espanyol sa susunod na tatlong siglo ".[4]
Mga larawan
baguhin-
Tanawin ng Tulay ng San Juanico
-
Mapa ng kipot noong 1900
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "San Juanico Strait: Philippines". Geographical Names. Geographic.org. Nakuha noong 28 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Port Mananagement Office of Tacloban". Philippine Ports Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hulyo 2016. Nakuha noong 28 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Wiliam Henry Scott (1985) Cracks in the Parchment Curtain, pag. 49. ISBN 971-10-0074-1.
- ↑ "just as dozens of Spanish vessels were to do for the next three centuries", op. cit. Scott, pahina. 52.