San Mauro Pascoli
Ang San Mauro Pascoli (Romañol: San Mevar) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Forlì-Cesena sa Italyanong rehiyon ng Emilia-Romaña, na matatagpuan mga 100 kilometro (62 mi) timog-silangan ng Bolonia at mga 35 kilometro (22 mi) timog-silangan ng Forlì. Ito ay nasa 7.5 kilometro (4.7 mi) mula sa dagat, ang frazione ng San Mauro Mare na nakaharap dito.
San Mauro Pascoli | |
---|---|
Comune di San Mauro Pascoli | |
Villa Torlonia. | |
Mga koordinado: 44°6′N 12°25′E / 44.100°N 12.417°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Emilia-Romaña |
Lalawigan | Forlì-Cesena (FC) |
Mga frazione | Alberazzo, La Torre, San Mauro Mare |
Pamahalaan | |
• Mayor | Luciana Garbuglia |
Lawak | |
• Kabuuan | 17.29 km2 (6.68 milya kuwadrado) |
Taas | 27 m (89 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 11,929 |
• Kapal | 690/km2 (1,800/milya kuwadrado) |
Demonym | Sammauresi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 47030 |
Kodigo sa pagpihit | 0541 |
Santong Patron | San Crispin |
Saint day | Oktubre 25 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang comune ay tinawag na San Mauro di Romagna hanggang 1932, nang binago ang pangalan nito bilang parangal sa makata na si Giovanni Pascoli at sa kaniyang minamahal na kapatid na si Maria, na ipinanganak dito. Ang mga sikat na Italyanong tagadisenyo ng sapataos na sina Giuseppe Zanotti at Sergio Rossi ay ipinanganak din doon.
Mga pangunahing tanawin
baguhin- Toreng Torlonia
- Mga hurnong Romano
- Bahay ni Giovanni Pascoli
Kultura
baguhinAklatan
baguhinAng aklatan ay itinatag noong unang bahagi ng dekada '70 bilang sentro ng pagbabasa, mayroong humigit-kumulang 14,000 tomo sa mga bukas na estante, kung saan 3000 sa seksiyong pambata at 1700 sa seksiyon ng mga pangunahing gawa, at isang seksiyon para sa mga magasin at pahayagan. Mayroon din itong maliit na potograpikong sinupan ng mga larawan ng bayan at ang dalampasigang nayon nito.
Mga kakambal na bayan
baguhin- Moena, Italya
- Teggiano, Italya, simula 1971
- Cluj-Napoca, Rumania, simula 1996
- Naumburg, Alemanya, simula 2001
- Pinsk, Biyelorusya, simula 2002
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.