San Roque

Kristiyanong santo, patron ng mga may sakit, salot, at mga manlalakbay

Si San Roque (Ingles: Saint Roch o Rocco; namuhay noong mga 1348 – Agosto 15/16, 1376/79 (tradisyonal na mga 1295 – Agosto 16, 1327[2]) ay isang santong Katoliko, isang tagapagpaamin na ginugunita sa Agosto 16 ang kaniyang kamatayan at Setyembre 9 sa Italya; katangi-tanging sinusumamo siya hinggil sa salot. Maaring tawagin siyang Rock sa Ingles, at may katawagang siyang St Rollox sa Glasgow, Eskosya, na sinasabing isang pag-iiba ng St Roch's Loch, na tumukoy sa isang maliit na lawa (loch) na malapit dati sa isang kapilyang inilaan kay San Roque noong 1506.[3][4]

San Roque
Saint Roch ni Francesco Francia
Tagapagpaamin
Kapanganakanc. 1348 (trad. 1295)
Montpellier, Kaharian ng Majorca
KamatayanAgosto 15/16 1376/79
Voghera, Kondado ng Savoy (trad. 1327, Montpellier)
Pinipintuho saSimbahang Katolika Romana
Komunyong Anglikano
Iglesia Filipina Independiente
Kanonisasyonsa pamamagitan ng popular na matinding alab; idinagdag sa Roman Martyrology ni Papa Gregorio XIV
Pangunahing dambanaSan Rocco, Venice, Italya
KapistahanAgosto 16
Agosto 17 (Ikatlong Orden ni San Francisco)
KatangianSugat sa hita, asong naghahandog ng tinapay, Pilgrim's hat, Pilgrim's staff
PatronatoSarmato, Altare at Girifalco, Italya. Nilalapitan hinggil sa: kolera, epidemya, suliranin sa tuhod, salot, mga sakit sa balat. Santo na patron ng: mga binata, bakang maysakit, aso, taong inakusahan nang may kabulaanan, imbalido, Istanbul, siruhano, gumagawa ng tisa,[1] sepulturero, mga merkader ng mga bagay na segunda-mano, peregrinahe, apotekaryo, Lungsod ng Cavite, Asturias, Cebu, Cordova, Cebu, Diyosesis ng Kalookan

Siya ay pintakasi ng mga aso, baldado, taong inakusahan nang may kabulaanan, batsilyer, at ilan pang ibang mga bagay. Siya ay patrong santo ng mga komuna (lungsod) ng Dolo (malapit sa Venice) at Parma. Patron din siya ng mga komuna ng Casamassima, Cisterna di Latina at Palagiano sa Italya.[5]

Kilala si San Roque bilang "São Roque" sa Portuges. "San Roque" rin ang pangalan niya sa Kastila pati na rin sa maraming mga lugar na gumagamit na ngayon ng wikang Ingles.

EtimolohiyaBaguhin

Narito ang pangalan ni San Roque sa iba't-ibang mga wika:

PagsisipiBaguhin

  1. "Patron Saints Index: Saint Roch". Saints.sqpn.com. Tinago mula sa orihinal noong 2013-11-05. Nakuha noong 2012-02-22.
  2. Ang petsa ay binigay ni Francesco Diedo sa kaniyang Vita Sancti Rochi noong 1478.
  3. "Garngad & Royston". Royston Road. Nakuha noong 2016-06-01.
  4. ""Our History", St. Rollox Church of Scotland, Glasgow". Tinago mula sa orihinal noong 2018-01-19. Nakuha noong 2020-06-19.
  5. "The Church of Santa Croce, what to see a Casamassima". Borghi magazine. Tinago mula sa orihinal noong 18 Abril 2018. Nakuha noong 17 April 2018.

General referencesBaguhin

Mga kawing panlabasBaguhin