Ikalawang Rebolusyon sa EDSA

Rebolusyon noong 2001 na nagpatalsik kay Joseph Estrada bilang Pangulo ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Second EDSA Revolution)

Ang Rebolusyon sa EDSA ng 2001, o tinatawag na EDSA II (Edsa Dos), ay isang apatang-araw na pangyayaring pampolitika na naganap noong Enero 17-20, 2001, na nagpatalsik sa Pangulo ng Pilipinas na si Joseph Estrada at nagluklok kay Gloria Macapagal-Arroyo, na siyang Bise-Pangulo, bilang maging Pangulo ng bansa. Ayon sa mga tagasuporta, ang EDSA II ay "popular", ngunit binansagan ito ng mga kritiko bilang isang sabwatan sa pagitan ng mga elitistang mga pulitiko at mga negosyante, mga matataas na puno ng militar at ni Jaime Cardinal Sin.[1]

Joseph Estrada
Gloria Macapagal-Arroyo

Ang humalili kay Estrada ay si Gloria Macapagal-Arroyo, na nanumpa kay Punong Mahistrado Hilario Davide, Jr, bandang katanghalian ng Enero 20, ilang oras bago ang paglisan ni Estrada sa Palasyo ng Malacañang. Ang EDSA ay ang daglat sa ingles ng Epifanio de los Santos Avenue (Abenida Epifanio delos Santos), na siyang isang pangunahing daanan na nagkokonekta sa limang lungsod sa Kalakhang Maynila: ang Pasay, Makati, Mandaluyong, Lungsod Quezon at Caloocan. Naganap ang rebolusyon sa distritong pangkalakalan sa Ortigas Center.

Hati ang reaksiyon ng mundo sa pangyayaring ito. Bagama't agad na kinilala ng Estados Unidos ang pagkalehitimo ng pagkapangulo ni Arroyo, binansagan ito ng ibang bansa bilang "pagkatalo ng due process of law", "mob rule" at "de facto coup d'etat".[2]

Ang tangi lamang na nagpalehitimo ng pangyayaring ito ay ang paglalabas ng kapasiyahan ng Korte Suprema sa mga huling saglit na "ang patakaran ng tao ay ang katas-taasang batas."[3] Nauna nang kumalas sa suporta ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa pangulo, na sinasabi ng ilang mga tagasuri bilang hindi ayon sa saligang-batas, at siyang sinang-ayunan ng mga dayuhan na tagasuring pampolitika.

Noong Oktubre 4, 2000, nilantad ni Luis "Chavit" Singson, gobernador ng Ilocos Sur, na nakatanggap si Estrada, ang kaniyang pamilya, at maging ng kaniyang mga kaibigan, ng milyun-milyong halaga ng salapi mula sa operasyon ng ilegal na jueteng.[4] Matagal nang magkaibigan dati si Estrada at si Singson bago ang pangyayaring ito.

Marami ang nagalit sa paglalantad na ito. Noong sumunod na araw, maalab na nagtalumpati ang Lider ng Minorya ng Senado na si Teofisto Guingona, Jr. na siyang nag-aakusa kay Estrada ng pagtanggap ng P220 milyong salapi galing sa jueteng mula kay Gobernador Singson mula Nobyembre 1998 hanggang Agosto 2000, at ang pagkuha ng PhP70 milyong buwis mula sa sigarilyo na nakalaan sana para sa Ilocos Sur. Sinangguni ng Pangulo ng Senado na si Franklin Drilon ang talumpating ito sa Blue Ribbon Committee at sa Komite ng Hustisya para sa magkasanib na pagsisiyasat. Isa pang komite sa Kamara de Representantes ang nagpasiya na siyasatin ang nasabing pagbubunyag, habang ang ilang mga kasapi ng Kamara ang humakbang para ma-impeach ang Pangulo.[4]

Dumami ang panawagan para sa pagbibitiw ni Estrada. Ang ilan sa mga ito ay galing kay Jime Cardinal Sin, arsobispo ng Maynila, ang Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (Catholic Bishops Conference of the Philippines, CBCP), ang mga dating pangulong si Corazon Aquino at Fidel Ramos, at ang bise pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo. Pinahayag ni Cardinal Sin ang pahayag na "Sa ilalim ng iskandalong nagbahid ng dungis sa imahe ng pagkapangulo, sa nakalipas na dalawang taon, kami ay naninindigan na nawala sa kaniya ang moral na otoridad na mamuno" (In the light of the scandals that besmirched the image of presidency, in the last two years, we stand by our conviction that he has lost the moral authority to govern).[5] Dumami pa ang panawagan para sa pagbibitiw ni Estrada, mula sa kaniyang gabinete hanggang sa mga tagapayo sa ekonomiya, at may mga kasapi ng Kongreso na tumiwalag mula sa kaniyang partido.[4]

Noong Nobyembre 13, 2000, sa pamumuno ni Ispiker Manuel Villar, ipinadala ng Kamara de Representantes ang Articles of Impeachment, na nilagdaan ng 115 kongresista, patungong Senado. Pormal nang binuksan ang paglilitis para sa impeachment noong Nobyembre 20, kung saan nanumpa ang dalawampu't isang senador para maging hukom, at pinamunuan ito ng Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Hilario Davide Jr. Nagsimula ang paglilitis noong Disyembre 7.[4]

Tinutukan ng midya ang araw-araw na paglilitis na ito, at maraming mga tao ang sumubaybay dito. Ang ilan sa mga tampok na eksena ay ang testimonya ni Clarissa Ocampo, na mataas na bise pangulo ng Equitable PCI Bank, kung saan pinatotoo niya na isang talampakan ang layo niya mula kay Estrada noong nilagdaan niya ang pangalang "Jose Velarde" sa mga dokumentong naglalaman ng mga P500 milyong kasunduang pamumuhunan (investment agreement) sa kanilang bangko noong Pebrero 2000.[4]

Ang panimula

baguhin

Ang ikalawang sobre

baguhin

Noong Enero 16, 2001, humakbang ang impeachment trial laban kay Pangulong Estrada sa pagsisiyasat sa mga sobre na naglalaman ng ebidensya na maaaring magpatunay ng mga gawaing katiwalian ni Estrada. Umaksiyon ang mga senador na kaalyado ni Estrada para harangin ang nasabing ebidensya. Naging malalim tuloy ang naging alitan sa pagitan ng mga senador-hukom at ng prosekusyon, kaya pinakiusapan ng pinuno ng Mayorya na si Francisco Tatad sa korte na pagbotohan ang pagbubukas ng ikalawang sobre. Ang naging resulta ng boto ay 10 senator na pabor sa pagsusuri sa ebidensya, habang 11 ang tumutol. Ang mga listahan ng mga senador na bumoto ukol sa nasabing sobre ay ang mga sumusunod:

Bumoto para sa pagsusuri Bumoto laban sa pagsusuri
  1. Rodolfo Biazon
  2. Renato Cayetano
  3. Franklin Drilon
  4. Juan Flavier
  5. Teofisto Guingona, Jr.
  6. Loren Legarda
  7. Ramon Magsaysay, Jr.
  8. Sergio Osmeña III
  9. Aquilino Pimentel, Jr.
  10. Raul Roco
  1. Robert Jaworski, Sr.
  2. Blas Ople
  3. Juan Ponce-Enrile
  4. Vicente "Tito" Sotto III
  5. Anna Dominique "Nikki" Coseteng
  6. John Henry Osmeña
  7. Gregorio "Gringo" Honasan
  8. Teresa "Tessie" Aquino-Oreta
  9. Ramon Revilla, Sr.
  10. Francisco "Kit" Tatad
  11. Miriam Defensor Santiago

Matapos ang nasabing botohan, nagbitiw si Sen. Aquilino Pimentel, Jr. bilang Pangulo ng Senado at nag-walk-out mula sa paglilitis, kasama ang 9 na mga senador sa oposisyon at 11 na prosekutor sa paglilitis kay Estrada. Naiwan ang 11 senador ng administrasyon na bumoto laban sa pagbubukas ng ikalawang sobre sa Session Hall ng Senado, kasama ang mga kasapi ng depensa. Daliang lumitaw ang mga salitang "JOE'S COHORTS" bilang kataga upang madaling matandaan ang kanilang mga pangalan: si Jaworski, Oreta, Enrile, Santiago, Coseteng, Osmena, Honasan, Ople, Revilla, Tatad at Sotto. .[6] Ngunit, noong Pebrero 2001, sa pagkukusa ng Pangulo ng Senado na si Aquilino Pimentel, Jr., binuksan ang ikalawang sobre sa harap ng mga lokal at dayuhang mamamahayag, at naglalaman ito ng mga dokumento na si Jaime Dichavez, at hindi si Estrada, ang may-ari ng "Jose Velarde Account"..[7][8]

Talaarawan ng Rebolusyon

baguhin

Unang Araw: Miyerkules, Enero 17, 2001

baguhin

Nagbitiw ang lahat ng 11 prosekutor sa paglilitis kay Estrada. Napakita sa pambansang telebisyon si Sen. Tessie Aquino-Oreta, isa sa mga tatlong senador na bumoto laban sa pagbubukas ng sobre (ang botong "NO" o "HINDI"), na maligayang sumasayaw habang nagwo-walk-out ang mga oposisyon. Lalo itong nagpainit sa mga damdaming kontra-Erap sa mga taong nagtipon-tipon sa Dambana ng EDSA, at siya ang pinaka-kinamuhian sa 11 senador. Binansagan siyang "patutot" at "kabit" ni Erap dahil sa kaniyang pagsasayaw, habang binansagan at nilait ng mga tao si Sen. Santiago bilang isang "baliw".

Ikalawang Araw: Huwebes, Enero 18, 2001

baguhin
 
Panulukan ng EDSA at Abenida Ortigas

Mas lalong dumami ang mga tao na nagtipon sa EDSA. Sa dami ng tao ay hindi na madaanan ang panulukan ng EDSA at ng Abenida Ortigas. Maraming mga grupo ng estudyante mula sa mga pribadong paaralan at mga grupong makakaliwa ang lumahok. Sumanib din sa protesta ang mga aktibisang Bayan at Akbayan, at maging ang mga abogado na kasapi ng Integrated Bar of the Philippines at iba pang samahan ng mga abogado.

Ikatlong Araw: Biyernes, Enero 19, 2001

baguhin

Tumiwalag mula sa pagsuporta sa Pangulo ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas at ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, at sumali sila sa mga tao sa Dambana ng EDSA.

Bandang 2:00 ng hapon, lumabas si Joseph Estrada sa pambansang telebisyon sa unang pagkakataon simula ng pagsisimula ng protesta, at iginiit na hindi siya magbibitw. Pinahayag niya ang kaniyang nais na magpatuloy ang impeachment trial, at tanging ang hatol ng pagkakasala (guilty) ay ang tanging magpapaalis sa kaniya sa katungkulan.

Bandang 6:15 ng gabi, lumabas ulit si Estrada sa telebisyon, na nananawagan ng biglaang halalan, na isasabay sa nakatakdang halalan para sa kongreso at sa lokal na posisyon sa Mayo 14, 2001. Idinagdag niya na hindi siya tatakbo sa halalan.

Ikaapat na Araw: Sabado, Enero 20, 2001

baguhin

Bandang tanghali, nanumpa si Gloria Macapagal-Arroyo bilang ika-14 na pangulo ng Pilipinas, sa harapan ng mga tao sa EDSA.

Bandang 2:00 ng hapon, naglabas ng liham si Estrada, na nagpapahayag ng kaniyang "malakas at seryosong pag-aalinlangan sa legalidad at pagka-konstitusyonal ng kaniyang proklamasyon bilang pangulo." [9] Sa nasabi ding liham, pinahayag din niya na magbibitiw siya sa tungkulin para sa pambansang pagkakasundo.

Kinalaunan, lumisan si Estrada at ang kaniyang Pamilya mula sa Palasyo ng Malacañang sa pagitan ng bangka, at tumawid sa Ilog Pasig. Nakangiti sila at kumakaway sa mga mamamahayag at nakikipagkamay sa mga natitirang miyembro ng Gabinete at empleyado ng palasyo. Sa pasimula ay nilagay siya sa ilalim ng house arrest sa San Juan, ngunit kinalaunan ay nilipat siya sa kaniyang bahay pampahingahan (rest house) sa Sampaloc, isang maliit na baryo sa Tanay, Rizal.

Kritisismo

baguhin

Hati ang reaksiyon ng mundo sa administrasyon. Bagaman agad ng kinilala ng mga dayuhang bansa, kabilang ang Estados Unidos, ang pagka-lehitimo ng pagkapangulo ni Arroyo, pinahayag ng mga dayuhang komentarista ang rebolusyong ito bilang "pagkatalo ng due process of law," "mob rule," at isang "de facto coup".[2]

Noong Enero 18, 2008, naglabas ang Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni Joseph Estrada ng isang paanunsyo (advertisement) sa mga pahayagan sa Metro Manila, na isinisisi ang EDSA 2 sa "pagkakaroon ng yupi sa demokrasya sa Pilipinas." Isinama din dito ang mga guping ng lathalain , na nag-uusisa sa konstitusyonalidad ng rebolusyon. Ang mga guping ay kinuha mula sa mga pahayagang Time Magazine, The New York Times, The Straits Times, Los Angeles Times, The Washington Post, Asia Times Online, The Economist at International Herald Tribune. Ipinalagay ng mahistrado ng Korte Suprema na si Cecilia Muñoz Palma na lumabag sa Saligang Batas 1987 ang EDSA 2.[10]

Noong Pebrero 2008, humingi ng kapatawaran ang bahagi ng Simbahang Katoliko na nakilahok sa EDSA II. Nagpahayag ang Pangulo ng CBCP at Arsobispo ng Iloilo na si Angel Lagdameo ng matinding pagkabigo kay Gng. Arroyo, na sinasabi na sa isang pangyayari na ngayo'y kilala bilang EDSA II, ay nakapagluklok ng isang pangulo na siyang pinahayag noong Pebrero 2008 sa isang pahayagang Pilipino na The Daily Tribune, na hinuhusgahan sa mga survey bilang pinaka-tiwaling lider ng bansa.[11]

Noong Marso 13, 2008, pinangalan ni Joseph Estrada si Lucio Tan, Jaime Sin, Fidel Ramos, Luis Singson, at ang mga angkan ng Ayala at Lopez (na siyang parehong may kinalaman sa negosyo sa tubig) bilang mga kasabwat sa Rebolusyong EDSA ng 2001.[12]

Mga Panlabas na Kawing

baguhin
  1. Bowring, Philip. Filipino Democracy Needs Stronger Institutions. International Herald Tribune website. 2001, January 22. Retrieved January 27, 2009.
  2. 2.0 2.1 Mydans, Seth. 'People Power II' Doesn't Give Filipinos the Same Glow. February 5, 2001. The New York Times.
  3. "SC: People's welfare is the supreme law". The Philippine Star. Enero 21, 2001. Nakuha noong Pebrero 18, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 "Estrada vs Desierto: 146710-15 : March 2, 2001 : J. Puno : En Banc". Supreme Court of the Philippines. Marso 2, 2001. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 24, 2010. Nakuha noong Pebrero 18, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Amando Doronila, The Fall of Joseph Estrada, 2001, p 83
  6. Armageddon Averted: People Power 2001 Naka-arkibo 2015-09-23 sa Wayback Machine. (January 2001), Asian Business Strategy and Street Intelligence Ezine.
  7. "Dichavez owned bank account, says Pimentel". Asia Africa Intelligence Wire. Mayo 31, 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 18, 2012. Nakuha noong Pebrero 21, 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Erap Plunder Trial - BIR wants Erap to pay P2.9B tax; Estrada cries harassment". GMANews.TV. 2008-10-16. Nakuha noong 2013-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Dirk J. Barreveld (2001). Philippine President Estada Impeached!: How the President of the World's 13th Most Populous Country Stumbles Over His Mistresses, a Chinese Conspiracy and the Garbage of His Capital. iUniverse. pp. 476. ISBN 978-0-595-18437-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "GMA NEWS.TV, Erap's PMP questions EDSA 2 constitutionality". Gmanews.tv. 2008-01-18. Nakuha noong 2013-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Ayen Infante (Pebrero 20, 2008). "Edsa II a mistake, says CBCP head". Philippines: The Daily Tribune. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 23, 2008. Nakuha noong 2008-06-18 {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)
  12. "GMA NEWS.TV, 7 years after ouster, Erap bares 5 conspirators". Gmanews.tv. 2008-03-12. Nakuha noong 2013-08-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)