Shariff Kabunsuan

dating lalawigan ng Pilipinas

Ang Shariff Kabunsuan ay dating lalawigan ng Pilipinas na nabuo mula sa sampung bayan na dating bumubuo sa unang distrito ng lalawigan ng Maguindanao. Ito ang ika-80 lalawigan ng bansa at ikaanim sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ito ang unang lalawigan na hindi binuo ng Kongreso dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kapangyarian ng Batas Republika 9054 o ang Pinalawig na Batas ARMM.

Shariff Kabunsuan
Lalawigan ng Shariff Kabunsuan
Opisyal na sagisag ng Shariff Kabunsuan
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Shariff Kabunsuan
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Shariff Kabunsuan
Map
Mga koordinado: 7°8'N, 124°18'E
Bansa Pilipinas
RehiyonRehiyong Awtonomo sa Muslim na Mindanao
Pagkakatatag28 Oktubre 2006

Inaprubahan sa isang plebisito ng mga botante ng 29 bayan ng Maguindano ang pagtatag ng lalawigan. Sa higit na 500,000 rehistradong botante ng Maguindanao, 285,372 rito ang sumang-ayon habang 8,802 lamang ang tumutol dito.

Noong 17 Hulyo 2008, nagpahayag ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na ang pagkabuo ng probinsiya ay labag sa Saligang Batas. Ito ngayo'y ibinalik sa pagiging bahagi ng unang distrito ng Maguindanao.

Mga Bayan

baguhin

Ang Shariff Kabunsuan ay binuo ng 11 bayan ayon sa dalawang distrito ng Sanggunian:

Unang Distrito

baguhin
bayan Mga
Barangay
Populasyon
(2000)
Laki
(km²)
Densidad
(per km²)
Barira
14
18,296
380.0
48.1
Buldon
15
26,903
357.20
75.3
Matanog
  8
19,006
53.39
356.0
Parang
23
60,935
234.59
Sultan Mastura
13
15,910
114.36
139.1
Sultan Kudarat (Nuling)
39
78,951
611.51

Ikalawang Distrito

baguhin
bayan Mga
Barangay
Populasyon
(2000)
Laki
(km²)
Densidad
(per km²)
Datu Blah T. Sinsuat
12
12,916
Datu Odin Sinsuat (Dinaig)
34
71,569
503.20
142.2
Hilagang Kabuntalan
11
  9,673
Kabuntalan (Tumbao)
17
13,464
219.34
Upi
23
38,225
896.10


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.