Sriracha
Ang sriracha ( /sɪˈrætʃə/ sih-RATCH-ə o /sɪˈrɑːtʃə/ sih-RAH-chə; Thai: ศรีราชา, binibigkas [sǐː.rāː.tɕʰāː] ( pakinggan)) ay isang uri ng hot sauce o chili sauce na gawa sa masa ng sili, dalisay na suka, bawang, asukal, at asin.[2]
Sriracha | |
---|---|
Kaanghangan | Katamtaman |
Sukatang Scoville | 1,000–2,500[1] SHU |
Paggamit
baguhinSa Thailand, kadalasang ginagamit ang sriracha bilang sawsawan, lalo na para sa mga pagkaing-dagat at torta. Sa lutuing Biyetnames, makikita ang sriracha bilang pampalasa para sa phở at pritong pansit, bilang sahog para sa lumpiya (chả giò), at sa mga sarsa.[3]
Kinakain din ang sriracha sa sabaw, sa mga itlog at burger. May mga nagawang halaya, lollipop, at cocktail gamit ang sarsa,[4] at nai-market ang mga potato chips na may lasang sriracha.[5]
Pinagmulan
baguhinUnang nilikha ang sarsa ng isang babaeng Thai na pinangalanang Thanom Chakkapak sa bayan ng Si Racha (o Sriracha).[6][7]
Mga baryasyon
baguhinThailand
baguhinSa Thailand, ang sarsa ay madalas na tinatawag na sot Siracha (Thai: ซอสศรีราชา) at minsan nam phrik Siracha (Thai: น้ำพริกศรีราชา). Ang Tradisyonal na srirachang Thai ay waring mas masingid at mas malabnaw kaysa sa mga di-Thai na uri.[7]
Sa isang panayam sa Bon Appétit magazine, iginiit ng Eastland Food Corporation, isang tagapamahagi ng pagkaing Asyano sa US, na ang Sriraja Panich, isang hot sauce na tatak-Thai, ay ang orihinal na "sarsang sriracha" at nagawa ito sa Si Racha, Thailand, sa dekada 1930 mula sa resipe ng maybahay na si Thanom Chakkapak.[7]
Estados Unidos
baguhinSa Estados Unidos, ang sriracha ay nauugnay sa isang sarsang gawa ng Huy Fong Foods[4][8] at minsan tinutukoy bilang rooster sauce o cock sauce (sarsa ng tandang)[9] dahil sa larawan ng tandang sa bote.[10]
May mga ibang uri ng sriracha na lumitaw sa merkado sa US, kabilang dito ang isang sriracha na pinagulang sa bariles ng whisky.[11][12] Ang Sriracha ng Huy Fong Foods ay inilikha noong unang bahagi ng dekada 1980 para sa mga pagkaing inihan sa mga restawrang pang-phở sa Amerika.[8]
Maraming restawran sa Amerika, kagaya ng Wendy's,[13] Applebee's, P.F. Chang's,[14] Jack in the Box, McDonald's, Subway, Taco Bell, White Castle, Gordon Biersch, Chick-fil-A, Firehouse Subs, Noodles & Company, Starbucks, at Burger King, ay naglagay ng sriracha sa kani-kanilang mga putahe. Minsan hinahalo nila sa mayonesa o sa mga sawsawan.[8][15][16][17][18][19] Ang Blue Diamond, isang lider sa paggawa ng produktong almendras, ay nagma-market ng lasang sriracha kasama ng mga ibang lasa nila.[20]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Lee, Jolie (Pebrero 26, 2014). "Why do we love Sriracha? Science!" [Bakit mahilig tayo sa Sriracha? Agham!]. USA Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What is sriracha?" [Ano ang sriracha?] (sa wikang Ingles). Cookthink.com. Nakuha noong Hunyo 29, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Moncel, Bethany. "The History and Uses for Sriracha Sauce" [Ang Kasaysayan at Mga Paggamit ng Sarsang Sriracha]. The Spruce Eats (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 29, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Magazine Monitor (Disyembre 21, 2013). "Sriracha: How a sauce won over the US" [Sriracha: Kung paano napabighani ng isang sarsa ang US]. BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shyong, Frank (Abril 12, 2013). "Sriracha hot sauce purveyor turns up the heat" [Tindero ng sriracha hot sauce, nagpatindi]. Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2012. Nakuha noong Hunyo 29, 2013.
Ang Roland Foods sa New York ay gumagawa ng sarili nilang baryante, Sriracha Chili Sauce, sa loob ng isang kahugis na bote na may dilaw na takip at nagtatampok ng dalawang dragon sa halip ng tandang. Nagsusuri ang Frito-Lay ng potato chips na lasang sriracha, at nag-eeksperimento ang Subway ng creamy sriracha sauce para sa mga sanwits. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Khaleeli, Homa (Oktubre 2, 2014). "Hot right now: how Sriracha has become a must-have sauce" [Sikat ngayon: kung paano naging kanais-nais na sarsa ang Sriracha]. The Guardian (sa wikang Ingles). London. Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 Nguyen, Andrea (Marso 4, 2013). "The Original Sriracha" [Ang Orihinal na Sriracha]. Bon Appétit. Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
Ang mga Thai ay gumagawa rin ng maraming uri ng sarsang [sriracha] ... na waring mas malabnaw at maibubuhos kaysa sa gawa ni Huy Fong. Ang Sriraja Panich ay may kaakit-akit na balanse ng init ng sili, pinong tamis, sigid ng suka, at kaunting bawang. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 Edge, John T. (Mayo 19, 2009). "A Chili Sauce to Crow About" [Isang Sarsang Sili na Kailangan Nating "Uwakanin" (Kilalanin)]. The New York Times (sa wikang Ingles). p. D1. Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Usborne, Simon (Nobyembre 20, 2013). "Sriracha hot sauce: Heated dispute" [Sriracha hot sauce: Pinag-iinitang alitan]. The Independent (sa wikang Ingles). London. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-24. Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
Ngunit tulad ng karamihan sa mga nahuhumaling, lubos na tapat si Erskine sa rooster sauce na tatak na tinatawag ng ilan (sa Amerika tinatawag din itong cock sauce). (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sytsma, Alan (Pebrero 2, 2008). "A Rooster's Wake-Up Call" [Pampagising ng Tandang]. Gourmet (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 2, 2013. Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fanous, Angelina (Marso 6, 2014). "Sriracha Aged in Whiskey Barrels Is Better than the Original Sauce" [Srirachang Pinagulang sa Bariles ng Whiskey Ay Mas Lamang sa Orihinal na Sarsa]. Vice (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Birdsall, John (Marso 6, 2014). "A Woman in SF Is Barrel-Aging Sriracha, and It's Awesome". Chow. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 26, 2015. Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "BACON SRIRACHA FRIES" (sa wikang Ingles). Wendy's. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 29, 2016. Nakuha noong Nobyembre 28, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sriracha Pizza & Wings" (sa wikang Ingles). Domino's UK. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 2, 2017. Nakuha noong Enero 24, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Subway's Sriracha Sauce Goes National, and It's Good" [Naging Nasyonal Ang Sarsang Sriracha ng Subway, at Masarap Ito]. Taste. The Huffington Post (sa wikang Ingles). Nobyembre 7, 2013. Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "White Castle Introduces New Full-Flavored Sriracha Chicken Sliders" [White Castle, Nagpakilala ng Bagong Sriracha Chicken Sliders na Punong-puno ng Lasa] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). White Castle. Mayo 31, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2014. Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hannan, Caleb (Pebrero 21, 2013). "Sriracha Hot Sauce Catches Fire, Yet 'There's Only One Rooster'" [Lumiyab Ang Sriracha Hot Sauce, Ngunit 'May Isang Tandang Lamang']. Bloomberg Businessweek (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Harris, Jenn (Pebrero 25, 2015). "Taste-testing Taco Bell's new Sriracha Quesarito" [Tinitikim ang bagong Sriracha Quesarito ng Taco Bell]. Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 29, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Burger King brings the heat with Extra Long Sriracha Cheeseburger" [Burger King, tumindi dahil sa Extra Long Sriracha Cheeseburger] (sa wikang Ingles). Fox News. Oktubre 22, 2015. Nakuha noong Oktubre 27, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bold Sriracha Flavor" (sa wikang Ingles). Blue Diamond. Nakuha noong Oktubre 23, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)