Tagagamit:Aghamsatagalog2011/Panukalang batas ng kapulungan Bilang 4244
This is a workpage, a collection of material and work in progress that may or may not be incorporated into an article. It should not necessarily be considered factual or authoritative. |
Seksiyon 1 Pamagat
baguhinAng Aktong ito ay makikilala bilang "Responsableng Pagiging Magulang, Reproduktibong Kalusugan at Populasyon at Pag-unlad na Akto ng 2011".
Seksiyon 2 Deklarasyon ng Patakaran
baguhinAng estado ay kumikilala at gumagarantiya sa pagsasanay ng pangkalahatang pangunahing karapatang pantao sa kalusugang pang reproduktibo ng lahat ng mga tao, partikular ng mga magular, mga mag-asawa at kababaihan na umaayon sa mga relihoysong paniniwala nito, mga paniniwalang kultura at mga hinihingi ng responsableng pagiging magulan. Sa pananaw na ito, walang magiging diskriminasyon laban sa sinumang tao ayon sa kasarian, edad, relihiyon, seksuwal na orientasyon, mga kapansanan, pampolitika na kinaaaniban at lahi.
Sa karagdagan, ang estado ay kumikilala ng promosyon(pagpapalaganap) ng pagiging pantay sa kasarian, ekwidad at pagbibigay na kapangyarihan sa mga kababaihan bilang isang pananagutang pangkalusugan at pangkarapatang pantao. Ang pagpapasulong at proteksiyon ng karapatang pantao ng mga kababaihan ay magiging sentral na pagsisikap ng estado na tugunan ang pangangalaga ng kalusugang reproduktibo. Bilang walang katulad at hindi mawawalay na panukalang batas(measure) sa pagga-garantiya ng mga karapatan ng kababaihan, ang estado ay kumikila at gumagarantiya sa pagapapalaganap ng kabutihan at mga karapatan ng mga anak.
Gayundin, ang estado ay gumagarantiya sa pangkalahatang kakayahang lumapit(access) sa ligtas sa medikal, legal, maaabot-kaya, epektibo at de kalidad na mga serbisyong pangangalaga ng kalusugang reproduktibo, mga paraan, mga kasangkapan, mga suplay at may kaugnayang impormasyon at edukasyon dito kung paanong inuuna nito ang pangangailangan ng mga kababaihan at mga anak kasama sa iba pang mga sektor na hindi nabigyan ng pribilehiyo.
Ang pupuksain ng estado ang mga kasanayang diskriminatoryo, mga batas, at patakarang lumalabag sa pagsanay ng isang tao ng mga karapatang kalusugang reproduktibo.
Seksiyon 3 Mga gumagabay na prinsipyo
baguhinAng mga sumusunod na prinsipyo ay bumubuo ng balangkas kung ang Aktong ito ay nakakapit:
- Kalayaan ng pagpili na isang sentral na pagsasanay ng karapatan ay dapat buong igarantiya ng estado;
- Ang paggalang para sa, proteksiyon, at pagtupad ng kalusugang reproduktibo ay naghahangad ng pagtataguyod ng mga karapatan at kabutihan ng mga mag-asawa, mga indibidwal na matanda, mga kababaihan at mga adolesente;
- Dahil sa ang pinagkukunang pantao ay kabilang sa mga pangunahing ari-arian ng bansa, ang kalusugang pang-ina, ligtas na pagpapaanak ng malulusog na anak at ang kabuuang pag-unlad ng mga ito at ang responsableng pagiging magulang ay dapat masiguarado sa pamamagitan ng epektibong pangangalagang kalusugang reproduktibo;
- Ang probisyon ng ligtas sa medikal, legal, malalapitan, maaabot kaya at epektibong mga serbisyong pangangalaga ng kalusugang reproduktibo at mga suplay ay mahalaga sa pagtataguyod ng karapatan ng mga tao sa kalusugan lalo na ng mga mahihirap at mga nasa mababang antas ng lipunan.
- Ang estado ay magtataguyod ng walang kinikilingan ng lahat ng epektibong natural at makabagong mga paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas sa medikal at legal;
- Ang estado ay magtataguyod ng mga programa na: (1) magbibigay ng kakayahan sa mga mag-asawa, mga indibidwal at mga kabababaihan na magkaroon ng bilang at pagitan ng mga anak at pagitang reproduktibong kanilang ninanais na may karapatdapat na pagsasalang alang sa kalusugan ng mga babae at mga mapagkukunang makukuha ng mga ito. (2) magkamit ng pantay na pagtatalag ng mga mapagkukunan; (3) siguraduhin ang epektibong pakikipagugnayan sa pagitan ng pambansang pamahalaan, mga unit ng lokal na pamahalaan at pribadong sekto sa paglikha, pagpapatupad, pakikipagtulungan, pakikisa, pagmomonitor at ebalwasyon ng nakasentro sa mga taong programa upang mapalago ang kalidad ng buhay at pag-iingat sa kalikasan; (4) magsagawa ng mga pag-aaral upang suriin ang demograpikong kagawian(trends) tungo sa mapapanatiling pag-unlad na pantao at (5) magsagawa ng mga siyentipikong pag-aaral upang matukoy ang pagiging ligtas at epektibo ng mga alternatibong medisina at mga paraan para sa pag-unlad ng pangangalalang kalusugang reproduktibo;
- Ang probisyon ng impormasyon ng kalusugang reproduktibo, pangangalaga at mga suplay ay magiging magkasamang responsibilidad ng pambansang pamahalaan at mga unit ng lokal na pamahalaan;
- Aktibong pakikilahok ng hindi-paamhalaan, kababaihan, mga tao, at mga organisasyong sibil ng lipunan at mga komunidad ay mahalaga upang masiguro na ang kalusugang reproduktibo at populasyon at pag-unlad na mga patakaran, mga plano at mga programa ay tutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mahihirap lalo na ng mga kababaihan;
- Bagaman ang Aktong ito ay kumikila na ang aborsiyon ay ilegal ang mapaparusahan ng batas, ang pamahalaan ay sisiguro na ang lahat ng mga kababaihan na ngangangailangan ng pangangala sa pagkatapos ng aborsiyong mga komplikasyon ay magagamot at mapapayuhan sa isang makatao, hindi mapanghatol at mahabaging paraan;
- Hindi magkakaroon ng demograpiko o populasyong inaasinta at ang pagpapagaan ng bilis ng paglago ng populasyon ay insidental(kasama) sa pagtataguyod ng kalusugang reproduktibo at mapapanatiling pag-unlad pantao;
- Ang pagigign pantay sa kasarian at pagbibigay kapangyarihan sa mga kababaihan ang mga sentral na elemento ng kalusugang reproduktibo at populasyon at pag-unlad;
- Ang mga limitadong mapagkukunan ng isang bansa ay hindi dapat payagan na kumalat ng manipis upang pagsilbihan ang lumolobong kinapal ng tao na gumagawa sa pagtatalaga na malubhang hindi sapat at epektibong walang saysay;
- Ang pag-unlad ay isang maraming mukhang proseso na tumatawag sa pakikipagtulungan at pagsasanib ng mga patakaran, plano, programa at mga proyekto na naghahangad na itaas ang kalidad ng buhay ng mga tao na ang pinakapartikular ang mga mahihirap, mga nangangailangan at mga nasa mababang antas ng lipunan; at
- Na ang isang komprehensibong programang kalusugang reproduktibo ay tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tao sa kabuuan ng siklo ng kanilang mga buhay.
Seksiyon 4 Depinisyon ng mga termino
baguhinPara sa mga layunin ng Aktong ito, ang mga sumusunod na termino ay ilalarawan ng mga sumusunod:
- Adolesensiya ay tumutukoy sa yugto ng pisikal at pisiolohikal na pag-unlad ng indibidwal mula sa pasimula ng pubertad upang makumpleto ang paglago at maturidad na karaniwang ay nagsisimula sa pagitan ng onse(11) hanggang trese(13) taon at nagtatapos sa disiotso(18) hanggang bente(20) anyos ng edad;
- Ang seksuwalidad ng adolesente ay tumutkoy na kabilang sa iba pa ang sistemang reproduktibo, identidad ng kasarian, mga halaga at paniniwala, mga emosyon, mga ugnayan at pag-aasal na seksuwal sa adolensensiya;
- Ang AIDS(Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay tumutukoy sa kondisyong mailalarawan ng kombinasyon ng mga tanda at sintomas na sanhi ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) na umaatake at nagpapahina ng sistemang immuno ng katawan na gumagawa sa indibidwal na suseptible(madaling maapektuhan) ng iba pang mga nagbabanta sa buhay na mga inpeksiyon;
- Ang Medisinang Anti-Retroviral(ARVs) ay tumutukoy sa mga medikasyon para sa paggamot ng inpeksiyon sanhi ng mga retrovirus na ang pangunahin ay HIV;
- Ang basikong emerhensiyang obstetrikong pangangalaga ay tumutukoy sa nakaliligtas ng buhay na mga serbisyo para sa mga pang-inang komplikasyon na ibinibigay ng isang pasilidad pangkalusugan o propesyonal na dapat kabilangan ng sumusunod na mga hudyat na tungkulin: administrasyon ng parenteral na antibiotikol administrasyon ng parenteral na oxytoci na mga droga; administrasyon ng parenteral antikonbulsant para sa pre-eclampsia at eclampsia; manwal na pagtanggal ng placenta; pagtanggal ng mga natirang mga produkto; at ginagabayang pagpapaanak na vaginal;
- Ang Komprehensibong Emerhensiyang Obstetrikong Pangangalaga ay tumutuko sa basikong emerhensiyang obstetrikong pangangalaga kabilang ang pagpapaank sa pamamagitan ng pamamaraang surhikal(seksiyong caesarian) at pagsasalin ng dugo;
- Ang employer ay tumutukoy sa anumang natural o huridikal na taong umuupa ng mga serbisyon ng isang manggagawa. Ang terminong ito ay hindi magsasama ng anumang organisasyong paggawa o anumang mga opiser o ahente malibang kung ito ay umaasal bilang employer;
- Ang pagpaplano ng pamilya ay tumutukoy sa mga programa na nagbibigay kakayahan sa mga mag-asawa, indibidwal at mga kababaihan na magpasya ng malaya at responsable ang bilang at pagitan ng mga anak, magkamit ng kaugnay na impormasyon sa pangangalagang kalusugang reproduktibo, mga serbisyo at mga suplay at magkaroon ng kakayahang makalapit sa buong saklaw ng ligtas, legal, maaabot kaya, epektibong natural at mga makabagong paraan ng paglilimita at pagpapagitan ng pagbubuntis;
- Ang Kapantayan ng Kasarian ay tumutukoy sa kawalan ng diskriminasyon sa basehan ng kasarian ng tao, seksuwal na orientasyon, at identidad ng kasarian sa mga oportunidad, pagtatalaga ng mga mapagkukunan o mga benepisyo at paglapit sa mga serbisyo;
- Ang Ekwidad ng Kasarian ay tumutukoy sa pagiging pantay at hustisya sa pamamahagi ng mga benepisyo at responsibilidad sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan at kalimitan ay nangangailangan ng mga spesipiko sa babaeng mga proyekto at mga programa upang wakasan ang mga umiiral na hindi pagiging pantay;
- Ang Nagbibigay ng Serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan ay tumutukoy sa (1) institusyong pangangalaga ng kalusugan na angkop na lisensiyado at akreditado at pangunahing nakatuon sa pagpapanatili at operasyon mga pasilidad para sa pagtataguyod ng kalusugan, pag-iwas sa sakit, diagnosis, paggamot at pangangalaga ng mga indibidwal na dumadanas mula sa sa karamdaman, sakit, kapinsalaan, kapansanan o depormidad(pisikal na kapinsalaan) o nangangailangan ng obstetrikal o iba pang medial o pangangalaga ng nursing. (2) isang propesyonal ng pangangalaga ng kalusugan na isang doktor ng medisina, nurse o komadrona(midwife);(3) pampublikong manggagawa ng kalusugan na nagsasagawa ng paghahatid ng mga serbisyong pangangalaga ng kalusugan; at (4) manggagawa ng kalusugan ng barangay na sumailalim sa mga programang pagsasanay(training) sa ilalim ng anumang akredito gng pamahalaan at hindi pamahaalang organisasyon at boluntaryong nagbibigay na pangunahing pangangalaga ng kalusugang mga serbisyo sa komunidad pagkatapos ma-akredito upang magsilbi bilang gayon ng lokal na lupon ng kalusugan ayon sa mga patnubay(guidelines) na ipinalaganap ng Kagawaran ng Kalusugan(DOH);
- Ang HIV (Human Immunodeficiency Virus) ay tumutukoy sa virus na nagsasanhi ng AIDS;
- Ang Responsibilidad ng Lalake ay tumutukoy sa pakikilahok, pagtupad, pananagot at responsibilidad ng mga kalalakihan na may kinalaman sa mga kababaihan sa lahat ng sakop ng seksuwal at kalusugang reproduktibo gayundin sa proteksiyon at pagtataguyod ng mga pagkabahalang kalusugang reproduktibong spesipiko sa mga kalalakihan;
- Ang Pang-inang Kamatayan na Pagsisiyasat(Maternal Death Review) ay tumutukoy sa kwalitatibo at malalim na pag-aaral ng mga sanhi ng kamatayang pang-ina na may pangunahing layunin ng pag-iwas ng mga panghinaharap na kamatayan sa pamamagitan ng mga pagbabago o pagdaragdag ng mga programa, mga plano at mga patakaran;
- Ang mga Makabagong Paraan ng Pagpapalano ng Pamilya ay tumutukoy sa ligtas, epektibo at mga legal na paraan, kahit pa ito ay natural o artipisyal na rehistrado sa Food and Drug Administrasyon(FDA) ng DOH upang maiwasan ang pagbubuntis;
- Ang mga Taong Nabubuhay na may HIV(People Living with HIV o PLWH) ay tumutukoy sa mga indibidwal na nasubok(tested) at natuklasan inpektado ng HIV;
- Ang Mahihirap ay tumtukoy sa mga kasapi ng mga sambahayang natutukoy na mahirap sa pamamagitan ng Pambansang Sambahayang Umaasintang Sistema para sa Pagbabawas ng Kahirapan(National Household Targeting System for Poverty Reduction) ng Social Welfare and Development (DSWD) o ano pa mang kalaunang sistemang ginagmit ng pambansang pamahalaan sa pagtukoy ng mahirap. t
- Ang Populasyon at Pag-unlad ay tumutukoy sa isang programang naglalayon na: (1) tulungan ang mga mag-asawa at mga magulan na magkamit ng ninanais na sukat ng pamilya; (2) pabutihin ang kalusugang reproduktibo ng mga indibidwal sa pamamagitan ng pagtugon ng mga problema ng kalusugang reproduktibo; (3) mag-ambag sa mababawasang pang-ina at pangsanggol na kamatayan at simulang batang kamatayan;(4) bawat ang insidensiya ng pagbubuntis ng mga tinedyer; at (5) kilalain ang kaugnayan sa pagitan ng populasyon at mapapanatiling pag-unlad na pantao;
- Ang Reproduktibong Kalusugan ay tumutukoy sa katayuan ng kompletong pisikal, mental at panlipunang kapakanan at hindi lamang ang kawalan ng sakit o karamdaman sa lahat mga bagay na may kaugnayan sa sistemang reproduktibo at sa mga tungkulin at proseso nito;
- Ang Pangangalaga ng Reproduktibong Kalusugan ay tumutukoy sa paglapit(access) sa buong saklaw ng mga paraan, pasilidad, mga serbisyo at mga suplay na nag-aambag sa kalusugang reproduktibo at kaigihan ng tao sa pamamagitan ng pag-iwas at paglutas ng mga problemang may kaugnayan sa kalusugang reproduktibo. Ito ay kinabibilangan rin ng kalusugang seksuwal na ang layunin ay ang pagpapalago ng buhay at mga ugnayang personal. Ang mga elemento ng Pangangalagang Kalusugang Reproduktibo ay kinabibilangan ng sumusunod:
(a) Impormasyon sa pagpaplano ng pamilya at mga serbisyo;
(b) pang-ina, pangsanggol at pangbatang kalusugan at nutrisyon kabilang ang pagpapasuso;
(c) pagbabawa ng aborsiyon at pangangaiswa ng mga komplikasyon ng aborsiyon;
(d) kalusugang reproduktibo ng mga adolesente at kabataan; (e) pag-iwas at pangangasiwa ng inpeksiyon ng reproduktibong trakto, HIV at AID at iba pang mga naipapasa sa pakikipagtalik na mga inpeksiyon(STI).
(f) pagtanggal ng karahasan sa mga kababaihan; e
(g) edukasyon at pagpapayo sa seksuwalidad at kalusugang reproduktibo; (h) paggamot ng kanser ng suso at kanser ng reproduktibong trakto at iba pang mga gynecolohikal na mga kondisyon at diperensiya; (i) responsibilidad ng kalalakihan at pakikilahok sa kalusugang reproduktibo;
(j) pag-iwas at paggamot ng pagkabaog at hindi pagganang seksuwal;
(k) edukasyon ng kalusugang reproduktibo para sa mga adolesente; at r
(l) aspetong kalusugan ng pag-iisip ng pangangalagang kalusugang reproduktibo;
- Ang Programa ng Pangangalaga ng Kalusugang Reproduktibo ay tumutukoy sa sistematiko at pinagsamang probisyon ng pangangalaga ng kalusugang reproduktibo sa lahat ng mga mamamayan lalo na sa mahihirap, mga nasa mababang antas ng lipunan at sa mga marurupok at mga krisis na sitwasyon;
- Ang mga Karapatan ng Kalusugang Reproduktibo ay tumtukoy sa karapaan ng mga mag-asawa, mga indibidwal at mga kababaihan na magpasya ng malaya at responsable kung magkakaroon o hindi magkakaroon ng mga anak; upang matukoy ang bilang, pagitan at panahon ng mga anak nila; upang magpasya tungkol sa reproduksiyon(pagpaparami) ng malaya sa diskriminasyon, pagpipilit at karahasan; upang magkaroon ng kaugnay na mga impormasyon; at upang makamit ang pinakamataas na kondisyon ng seksuwal at kalusugang reproduktibo;
- Ang Reproduktibong Kalusugan at Edukasyon ng Seksuwalidad ay tumutukoy sa panghabang buhay na proseso ng pagkatuto ng pagbibigay at pagkakamit ng kompleto, tama at nauugnay na impormasyon at edukasyon ng kalusugang reproduktibo at seksuwalidad sa pamamagitan ng edukasyon ng mga kakayahan sa buhay at iba pang mga paraan;
- Ang Inpeksiyon ng Reproduktibong Trakto ay tumutukoy sa mga napapsa sa pakikipagtalik na mga inpeksiyon at iba pang mga uri ng inpeksiyon na umaapekto sa sistemang reproduktibo;
- Ang Responsableng Pagiging Magulang ay tumutukoy sa kaloob, kakayahan at pagtupad ng mga magulang na sapat tumugon sa mga pangangailangan at paghahangad ng pamilya at mga anak sa pamamagitan ng responsable at malayang pagsasanay ng kanilang mga karapatan sa kalusugang reproduktibo;
- Ang Inpeksiyong Napapasa sa Pakikipagtalik ay tumutukoy sa anumang inpeksiyon na maaaring makuha o maipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik;
- Ang May Kakayahang Naglilingkod ay tumutukoy sa isang akreditadong propesyonal gaya ng komadrona(midwife), doktor o nurse na nag-aral at sinanay sa mga kakayahan na kailangan sa pamamahala ng normal(hindi komplikado) pagbubuntis, panganganak at mabilisang yugto pagkatapos ng panganganak, at sa pagtukoy, pangangasiwa at reperal(referral) ng mga komplikasyon sa mga kababaihan at mga bagong panganak na sanggol na hindi isama ang tradisyonal na dumadalo sa panganganak o komadrona(hilto) kahit ito ay sinanay o hindi;
- Ang May kasanayang Pagdalo ng Panganganak ay tumutukoy sa panganganak na pinangasiwaan ng isang may kasanayang tagadalo kabilang ang nagbibigay kakayahang mga kondisyong ng mga kailangang kasangkapan at suporta ng gumaganang sistema ng kalusugan at sa paglipat at mga referral na mga pasilidad para mga emerhensiyang obstetrikpong pangangalaga; at
- Ang Mapapanatiling Pag-unlad Pantao ay tumutukoy sa pagdadala ng mga tao partikular na ang mga mahirap at marurupok sa mga sentro ng proseso ng pag-unlad na ang sentral na layunin ang paglikha ng nagbibigay ng kakayahang kapaligiran kung saan ang lahat ay magtamasa ng mahaba, malusog at produktibong mga buhay at ginagawa sa paraang nagtataguyod ng kanilang mga karapatan at pumoprotekta sa mga oportunidad ng buhay ng mga hinaharap na henerasyon at ng natural na ekosistema kung saan ang lahat ng buhay nakadepende.
Seksiyon 5 Mga Komadrona(Midwives) para sa may Kasanayang Pagdalo
baguhinAng Lokal na mga Unit ng Pamahalaaan(Local Government Units o LGU) sa tulong ng DOH ay uupa ng sapat na bilang mga komadrona sa pamamagitan ng regular na pagpapatrabaho(employement) o pagko-kontrata ng serbisyo na sumasailalim sa mga probisyon na (1) buong panahong(fulltime) pagtratrabahong mga may kakayahang dumalo sa panganganak(attendant) sa bawat isang daang at singkwentang (150) pagpapaanak kada taon, na ibabatay sa taunang bilang ng mga aktwal na pagpapaanak o mga buhay ng pag-aanak sa nakaraang dalawang (2) taon; Sa kondisyong ang mga taong nasa liblib(isolated) at mga nasa mga lugar na may kahirapan ay bibigyan ng parehong lebel ng kakayahang paglapit.
Seksiyon 6 Emerhensiyang Obstetrikong Pangangalaga
baguhinAng bawat probinsiya at siyudad sa tulong ng DOH ay magtatag at magtataas(upgrade o magpapabuti) ng mga hospital na may sapat at kwalipikadong mga personel, kasangakapan at mga suplay upang makapagbigay ng emerhensiyang obstetriko at bagong panganak na pangangalag. Sa bawat 500,000 ng populasyon, magkaroon ng hindi baba sa isang (1) hospital na may komprehensibong emerhensiyang obstetriko at bagong panganganak at apat (4) na mga hospital o iba pang mga pasilidad pang kalusugan na may mga pangunahing mga emerhensiyang obstetriko at baong panganak na pangangala; Sa kondisyong ang mga taong nasa liblib(isolated) at mga nasa mga lugar na may kahirapan ay bibigyan ng parehong lebel ng kakayahang paglapit.
Seksiyon 7 Paglapit sa Pagpaplano ng Pamilya
baguhinAng lahat ng mga akreditadong pasilidad pangkalusugan ay magbibigay ng buong saklaw ng mga makabagong paraan ng pagpaplano ng pamilya maliba sa mga espesyalidad na hospital na maaaring magbigay ng gayong mga serbisyo sa basehang opsiyonal. Para sa mga mahihirap na pasyente, ang gayong mga serbisyo ay buong sasagutin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at/o tulong pinansiyal ng pamahalaan sa walang balanseng kabayaran(billing).
Pagkatapos ng paggamit ng benepisyong PhilHealth na sumasangkot sa panganganak at lahat ng iba pang mga kaugnay sa pagbubuntis na mga serbisyo, kung ang benepisyaryo ay nagnanais na bigyan ng pagitan o iwasan ang kasunod na pagbubuntis, ang PhilHealth ay magbabayad ng kabuuang gastusin ng pagpaplano ng pamilya.
Seksiyon 8 Pang-ina at Bagong Panganak na Pangangalagang Pangkulusugan sa mga Sitwasyong Krisis
baguhinAng LGU at ang DOH ay sisiguro na ang Mababang Inisyal na Serbisyong Package (Minimum Initial Service Package o MISP) para sa kalusugang reproduktibo, kabilang ang pang-ina at bagong panganak na mga kit sa pangangalaga ng kalusugan at mga serbisyo gaya ng inilarawang DOH, ay bibigayan ng angkop ng atensiyon sa mga sitwasyon krisis gaya ng mga sakuna at mga krisis pang-tao. Ang MISP ay magiging bahagi ng lahat ng mga tugon ng mga pambansang ahensiya sa simula ng krisis at mga emerhensiya.
Ang mga temporaryong pasilidad gaya ng sentrong paglilikasan at mga kampo ng mga tumakas(refugee) ay pagkakalooban ng mga kailangan upang makatugon sa mga espesyal na pangangailanga sa mga sumusunod na mga sitwasyon: normal at kompilikadong panganganak, mga komplikasyon ng pagbubuntis, pagkakuha(miscarriage) at mga pagkatapos ng aborsiyong mga komplikasyon, pagkalat ng HIV/AIDS at STI at mga karahasang nakabatay sa seksuwal at kasarian.
Seksiyon 9 Repaso(Review) ng Kamatayang Pang-ina
baguhinAng lahat ng mga LGU, pambansa at panglokal na mga pamahalaang hospital at iba pang mga mga unit ng publikong kalusugan ay magsasagawa ng taunang repaso(review) na ayon sa mga alituntunin(guidelines) na itinakda ng DOH.
Seksiyon 10 Mga Suplay ng Pagpaplano ng Pamilya bilang Mahalagang mga Medisina
baguhinAng mga produkto at mga suplay para sa moderno(makabagong) paraan ng pagpaplano ng pamilya ay magiging bahagi ng Pambansang Pormularyo ng Droga(Gamot) at ang parehogn ito ay isasama sa regular na pagbili ng mga mahalagang gamot at suplay ng lahat ng pambansa at lokal na mga hospital at iba pang mga unit ng pampamahalaang kalusugan.
Seksiyon 11 Pagkakamit at Pamamahagi ng mga Suplay ng Pagpaplano ng Pamilya
baguhinAng DOH ay mamumuno ng mahusay na pagkakamit, pamamahagi sa mga LGU at pagmomonitor ng paggamit ng mga suplay ng pagpaplano ng pamilya sa buong bansa. Ang DOH ay makikipagtulungan sa lahat ng mga angkop na LGU na planuhin at ipatupad ang programang pagkakamit(procurement) at pamamahagi. Ang suplay at pagtatalaga ng badyet ay ibabatay kasama ng iba pa sa kasalukuyang mga lebel at proheksiyon ng mga sumusunod:
(a) ang bilang mga kababaihan sa edad na reproduktibo at mga mag-asawang nagnanais na maglagay ng pagitan o maglimita ng kanilang mga anak;
(b) rate ng pagiging laganap ng kontraseptibo sa uri ng paraang ginamit; at
(c) gastos ng mga suplay ng pagpaplano ng pamilya.
Seksiyon 12 Integrasyon(Pagsasama) ng Responsableng Pagiging magulang at Bahaging Pagpapaplano ng Pamilya sa mga Programang Laban sa kahirapan
baguhinAng multidimensiyonal(maraming dimensiyon) na pakikitungo(approach) ay kukunin sa pagpapatupad ng mga patakaran at mga programa sa paglaban ng kahirapan. Tungo dito, ang DOH ay magsisikap ana isama ang responsableng pagiging magulan at bahaging pagpaplano ng pamilya sa lahat ng laban sa kahirap at iba pang mapapanatiling mga programa ng kaunlarang pantao ng pamahalaan na may kaakibat na suporta ng pondo. Ang DOH ay magbibigay sa mga gayong programa ng teknikal na suporta kabilang ang pagtatayo ng kakayahan at pagmomonitor.
Seksiyon 13 Mga tungkulin ng Lokal na Pamahalaan sa Mga Programa ng Pagpaplano ng Pamilya
baguhinSisiguruhin ng LGU na ang mga mahihirap na pamilya ay tatanggap ng preperensiyal na paglapit sa mga serbisyo, komoditad at mga programa para sa pagpaplano ng pamilya. Ang tungkulin ng mga Opiser ng Populasyon sa munisipal, pang-siyudad at pang barangay na mga lebel sa pagsisikap sa pagpaplano ng pamilya ay palalakasin. Ang mga manggagawa ng kalusugan ng Barangay at mga nagboboluntaryo ay bibigyan ng kakayahan na magbigay ng prayoridad sa gawaing pagpaplano ng pamilya.
Seksiyon 14 Mga Benepisyo Para sa mga Seryoso at Nagbabanta sa Buhay na mga Kondisyong Pangkalusugang Reproduktibo
baguhinAng lahat ng seryoso at nagbabanta sa buhay na mga kondisyong pangkalusugang reproduktibo gaya ng HIV at AID, mga kanser sa suso at mga kanser sa reproduktibong trakto, mga komplikasyogn obstetriko, mga kondisyong menopausal at pagkatapos ng menopause ay bibigyan ng pinakataas na benepisyo gaya ibinibigay ng mga programang PhilHealth.
Seksiyon 15 Serbisyong Mobile na Pangangalagang Pangkalusugan
baguhinAng bawat distritong kongresyonal ay maaaring bigyan ng hindi bababa sa isang(1) serbisyong pangangalagang pangkalusugan(Mobile Health Care Service o MHCS) sa anyo ng van o iba pang paraan ng transportasyon na angkop sa mga baybayin(coast) o mga mabundok na lugar. Ang MHCS ay maghahatid ng mga suplay at serbisyo ng pangangalagang pangkalusugan sa kanilang mga nasasakupan mas partikular sa mga mahihirap at nangangailangan at ito ay gagamitin upang magpakalat ng kaalaman at impormasyon sa kalusugang reproduktibo. Ang pagbili ng MHCS ay maaaring pondohan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng bawat distritong kongresyonal. Ang operasyon at pagpapanatili ng MHCS ay isasagawa ng mga may kasanayang mga tagabigay ng pangangalagang pangkalusugan at sapat na pagkakalooban ng malawak na saklaw ng mga materyal sa pangangalaga ng kalusugang reproduktibo at mga kasangakapan at kagamitang pampalangap ng impormasyon, na ang huli ang kinabibilangan ngunti hindi limitado sa isang set ng telebisyon para sa mga presentasyong audiobiswal. Ang lahat ng mga MCHS ay papatakbuhin ng isang pokal(focal) na siyudad o munisipalidad sa loob ng isang distritong kongresyonal.
Seksiyon 16 Mandatoryong angkop sa edad na Edukasyong kalusugang Reproduktibo at Seksuwalidad
baguhinAng angkop sa edad na edukasyon ng kalusugang reproduktibo at seksuwalidad ay ituturo ng mga sapat na sinanay na mga guro pormal at hindi pormal na sistemang edukasyonal mula grade 5 hanggang ika-apat na tao ng Hayskul gamit ang mga kasanayang pangbuhay at iba pang mga pakikitungo(approaches). Ang edukasyon ng kalusugang reproduktibo at seksuwalidad ay magsisimula sa simla ng taong ng paaralan na agaran pagkatapos ng isang(1) taong mula sa pagiging epektibo ng Aktong ito upang masanay ang mga kinauukulang guro. Ang Kagawaran ng Edukasyon(DepED), the Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), DSWD, at ang DOH ay isasapormula ang kurikulum ng edukasyon ng kalusugang reproduktibo at seksuwalidad. Ang gayong kurikulum ay magiging karaniwan sa parehong mga publiko at pribadong mga paaralan, mga wala sa eskwelang kabataan at mga nakatala(enrollees) sa Sistema ng Alternatibong Pagkatuto(Alternative Learning System o ALS) batay sa, ngunit hindi limitado sa sikososyal at pisikal na kagalingan ng pagkatao(well being), demograpiya at kalusugang reproduktibo at mga legal na aspeto ng kalusugang reproduktibo.
Ang angkop sa edad na edukasyon ng kalusugang reproduktibo at seksuwalidad ay isasama sa lahat ng mga may kaugnayan mga paksa(subject) at kabibilangan ngunit hindi limitado sa sumusunod na mga paksa:
(a) Pagbuo ng mga Kagalagahan(Values formation);
(b) Mga kaalaman at kakayahan sa pagpoprotekta ng sarili laban sa diskriminasyon, seksuwal na karahasan at pang-aabuso at pagbubuntis ng tinedyer;
(c) Mga pisikal, sosyal(panlipunan) at mga emosyonal na pagbabago sa mga adolesente;
(d) Mga karapatan ng mga bata at mga kababaihan;
(e) Kamalayan sa pertilidad;
(g) Populasyon at Pag-unlad;
(h) Responsableng pakikipag-ugnayan;
(i) Mga paraan ng pagpaplano ng Pamilya;
(j) Pagbabawal(Proscription) at panganib ng aborsiyon;
(k) Kasarian at pag-unlad;
(l) Responsableng pagiging magulang
Ang DepEd, CHED, DSWD, TESDA at DOH ay magbibigay sa mga nababahalang magulang ng sapat at may kaugnayan mga materyal siyentipiko sa mga angkop sa edad na paksa at paraan ng pagtuturo ng edukasyon ng kalusugang reproduktibo at seksuwalidad sa kanilang mga anak.
Seksiyon 17 Mga Karagdagang Tungkulin ng Lokal na opiser ng Populasyon
baguhinAng bawat lokal na opiser ng populasyon ng bawat siyudad at munisipalidad ay magkakaloob ng libreng mga instruksiyon at impormasyon sa responsableng pagiging magulang, pagpaplano ng pamilya, pagpapasuso, nutrisyon ng sanggot at iba pang mga may kaugnayang mga akto ng Aktong ito sa lahat ng mga aplikante ng lisensiya ng kasal. Sa kawalan ng lokal na opiser ng populasyon, ang isang opiser ng pagpaplano ng pamilya sa ilalim ng Lokal na Opisina ng Kalusugan ay mag-aalis(discharge) ng karagdagang tungkulin ng opiser ng populasyon.
Seksiyon 18 Sertipiko ng Pagtalima
baguhinWalang lisensiya ng kasal ang iisyu ng isang lokal na sibil na rehistrar malibang ang mga aplikanta ay magpakita ng sertipiko ng patalima(compliance o pagsunod) na inisyu ng libre ng lokal na opisina ng pagpaplano ng pamilya na nagpapatunay na kanilang angkop na natanggap ang mga sapat na instruksiyon at impormasyon sa responsableng pagiging magulang, pagpaplano ng pamilya, pagpapasuso at nutrisyon ng sanggol.
Seksiyon 19 Kakayahang Pagtatayo ng mga Manggagawa ng Kalusugan ng Barangay
baguhinAng mga Manggagawa ng Kalusugan ng Barangay at iba pang mga nakabase sa komunidad na mga manggagawa ay sasailalim sa pagsasanay sa pagtataguyod ng kalusugang reproduktibo at tatanggap ng hindi baba sa 10% dagdag sa honoraria sa pagtatagumpay na pagkumpleto ng pagsasanay.
Seksiyon 20 Kanais nais na sukat ng Pamilya
baguhinAng estado ay tutulong sa mga mag-asawa, mga magulang at mga indibidwal na makamit ang kanilang ninanais na sukat ng pamilya sa konteksto ng responsableng pagiging magulang para sa mapapanatiling kaunlaran at hikayatin sila na magkaroon ng dalawang anak bilang kanais nais na sukat ng pamilya. Ang pagkakamit ng kanais nais na sukat ng pamilya ay hindi mandatoryo o sapilitan. Walang nagpaparusang aksiyon ay iaatas sa mga magulang na may higit sa dalawang anak.
Seksiyon 20 Kanais nais na sukat ng Pamilya
baguhinAng estado ay tutulong sa mga mag-asawa, mga magulang at mga indibidwal na makamit ang kanilang ninanais na sukat ng pamilya sa konteksto ng responsableng pagiging magulang para sa mapapanatiling kaunlaran at hikayatin sila na magkaroon ng dalawang anak bilang kanais nais na sukat ng pamilya. Ang pagkakamit ng kanais nais na sukat ng pamilya ay hindi mandatoryo o sapilitan. Walang nagpaparusang aksiyon ay iaatas sa mga magulang na may higit sa dalawang anak.
Seksiyon 21 Mga Responsibilidad ng mga Amo
baguhinAng Department of Labor and Employment (DOLE) ay sisiguro na ang mga amo(employer) ay rumirespeto sa mga karapatang reproduktibo ng kanilang mga manggagawa. Umaayon sa layuin ng Artikulo 134 ng Kodigo ng Paggawa, ang mga amo na may higit sa dalawang daang (200) mga empleyado(manggagawa) ay magbibigay ng mga serbisyong kalusugang reproduktibo sa lahat ng mga manggagawa nito sa kanilang mga respektibong mga pasilidad ng kalusugan. Ang mga among may bababa sa dalawang daang (200) manggagawa ay papasok sa isang pakikisosyo sa mga hospita, mga pasilidad ng kalusugan o mga propesyonal ng kalusugan sa kanilang mga sakop ng paghahatid ng mga serbisyong kalusugang reproduktibo.
Ang mga amo ay magkakaloob sa pamamagitan ng pagsulat ang sumusunod na impormasyon sa lahat ng mga empleyado at mga aplikante:
(a) Ang mga benepisyong medial at kalusugan na nararapat sa mga empleyado kabilang ang paglisang(leave) pang-ina o pang-ina o pag-iral ng mga mga serbisyon ng pagpaplano ng pamilya;
(b) Ang mga panganib sa kalusugang reproduktibo na kaugnay ng trabaho kabilang ang mga panganbi na maaaring makaapekto sa kanilang mga tungkuling reproduktibo lalo na ang mga buntis na babae; at
(c) Ang pag-iral(availability)ng mga pasilidad ng kalusugan para sa mga empleyado.
Ang mga amo ay obligadong i-monitor ang mga bunti na nagtratrabahong empleyado sa kanilang mga manggagawa at siguruhin na ang mga ito ay bibigyan ng binayarang kalahating araw na bago ang panganganak na paglisang medikal sa bawat buwan ng yugto ng pagbubuntis na ang buntis na empleyado ay nagtatrabaho sa kompanya o organisasyon. Ang mga bago ang pagbubuntis na mga paglisang medikal na ito ay maisasauli ang kabayaran(reimbursable) mula sa Social Security System (SSS) o the Government Service Insurance System (GSIS) kung ito ang kaso.
Seksiyon 22 Mga Serbisyong Pro Bono(libre) sa mga Dukhang Kababaihan
baguhinAng mga pribado at hindi pampamahalaang mga tagabigay ng serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan, kabilang ngunit hindi limitado sa mga hinekolohista(gyncologist) at obstetrisyan ay inaatasan magbigay ng hindi baba sa apatnapu't walong (48) mga oras sa bawat taon ng mga serbisyo ng kalusugang reproduktibo, na sumasaklaw mula sa pagbibigay ng impormasyon at edukasyon hanggang sa pagsasagawa ng mga serbisyong medikal na libre sa bayad sa mga dukha at may mababang kitang mga pasyente lalo na sa mga buntis na adolesente. Ang apatnapu't walong (48) na mga oras na ito kada tao ng mga serbisyong pro bono(libre) ay kabibilangan bilang paunang hinihingi sa akreditasyon sa ilalim ng PhilHealth.
Seksiyon 23 Mga Programa ng Kalusugang Seksuwal at Reproduktibo para sa mga Taong May Kapansanan(PWD)
baguhinAng mga siyudad at munisipalidad ay dapat sumiguro na ang mga harang sa mga serbisyo ng kalusugang reproduktibo para sa mga may kapansanan ay mawawala sa pamamagitan ng sumusunod:
(a) pagbibigay ng pisikal na paglapit at paglutas ng transportasyon(sasakyan) at mga isyu ng pagiging malapit sa mga klinika, hospital at mga lugar kung saan ang pampublikong edukasyon ng kalusugan ay ibinibigay, ang mga kontraseptibo ay binibenta o ipinamamahagi ibang mga lugar kung saan ang mga serbisyo ng kalusugang reproduktibo ay ibibigay.
(b) pag-aangkop ng mga mesang pangsuri at iba pang mga pamamaraang laboratoryo sa mga pangangailangan at mga kondisyon ng mga taong may kapansanan;
(c) pagdaragdag ng paglapit sa impormasyon at mga material ng komunikasyon sa kalusugang seksuwal at reproduktibo sa braille, malaking mga letra, simpleng wika at mga larawan;
(d) pagbibigay ng patuloy na edukasyon at pagsasama ng mga karapatan ng taong may kapansanan sa mga tagabigay ng pangangalagang kalusugan; at
(e) pagsasagawa ng mga gawain na magtataas ng kamalayan at tugunan ang mga maling paniniwala sa pangkalahatang publiko sa stigma at kawalan ng kaalaman sa pangkalahatang publiko sa stigma at ang kanilang kawalan ng kaalaan sa mga pangangailangan ng kalusugang reproduktibo at mga karapatan ng mga taong may kapansanan.
Seksiyon 24 Karapatan sa Impormasyon ng Pangangalaga ng Kalusugang Reproduktibo
baguhinAng pamahalaan ay gagarantiya ng karapatan ng sinumang tao sa pamamagitan ng pagbibigay o pagtanggap ng walang dayang impormasyon sa pagiging makukuha(availability) ng mga serbisyong pangangalaga ng kalusugang reproduktibo kabilang ang pagpaplano ng pamilya at pangangalaga ng pagbubuntis o bago ang kapanganakan.
Ang DOH at Philippine Information Agency (PIA) ay magpapasimula at magpapanatili ng pinataas na pambansang multi-media na pangangampanya upang itaas ang lebel ng kamalayan ng publiko sa proteksiyon at promosyon ng kalusugang reproduktibo at mga karapatan kabilang ang pagpaplano ng pamilya at populasyon at kaunlaran.
Seksiyon 25 Mga Mekanismong Nagpapatupad
baguhinAyon sa binabanggit ditong patakaran, ang DOH at ang Lokal na Mga Unit ng Kalusugan sa mga siyudad at munisipilidad ay magsisilbi bilang pangunahing mga ahensiya para sa pagpapatupad ng Aktong ito at isasama sa kanilang mga regular na operasyon ang mga sumusunod na tungkulin:
(a) Siguruhin ang buo at maiging pagpapatupad ng Programang Pangangalag ng Kalusugang Reproduktibo; (b) Siguruhin ang paglapit ng mga tao sa medikal na ligtas, legal, epektibo, de kalidad at maaabot kayang mga suplay ng kalusugang reproduktibo at mga serbisyo;
(c) Siguruhin na ang mga serbisyon ng kalusugang reproduktibo ay maihahatid ng may buong saklaw ng mga suplay, pasilidad,at kasangkapan at ang mga tagabigay ng mga serbisyong pangangalaga ng kalusugan are sapat na sinanay para sa paghahatid ng pangangalagang kalusugang reproduktibo;
(d) Kumuha ng mga aktibong hakbang upang palawakin ang sakop(coverage) ng National Health Insurance Program (NHIP) lalo na sa mga mahihirap at nasa mababang antas ng lipunan na kababaihan upang isama ang buong saklaw ng mga serbisyong kalusugang reproduktibo at mga suplly bilang mga benepisyo ng kasiguruhan ng kalusuan(health insurance).
(e) Palakasin ang mga kakakyahan ng mga ahensiyang regulatoryo(kumokontrol) sa kalusugan upang siguruhin ang ligats, legal, epekto, de kalidad, malalapitan at maaabot kayang mga serbisyon ng kalusugang reproduktibo at mga komoditad sa sabay sabay na pagpapalakas ng pagpapatupad ng mga mandatong regulatoryo at mga mekanismo; (f) Magpalaganap ng isang hanay ng minium(pinakamababang) mga pamantayan ng kalusugang reproduktibo na kabibilangan sa criteria ng akreditasyon. Ang mga minium na pamantayang ito ng kalusugang reproduktibo ay magbibigay ng pagmomonitor ng mga buntis na ina, at isang minimum na package ng mga programang kalusugang reproduktibo na magiging magagamit(available) at maaabot kaya sa lahat ng mga lebel ng sistemang kalusugan ng publiko maliban sa mga espesyalidad na mga hospital kung saan ang mga gayong serbisyo ay binibigay sa isang opsiyonal na basehan;
(g) Tumulong sa pagsangkot at pakikilahok ng mga NGO(Hindi pamahalaang ahensiya) at pribadong sektor sa paghahatid ng pangangalaga ng kalusugang reproduktibo at sa produksiyon, pamamahagi, at paghahatid ng de kalidad na kalusugang reproduktibo at mga suplay ng pagpaplano ng pamilya at mga komoditad upang gawin itong malalapitan at maaabot kaya sa mga ordinaryong mamamayan;
(h) Pagkaloob ang LGU ng angkop na impormasyon at mga mapagkukunan upang mapanatili silang bago(updated) o hindi nahuhuli sa mga kasalukuyang pag-aaral at mga pagsasaliksik na umuugnay sa responsableng pagiging magulan, pagpaplano ng pamilya, pagpapasuso at nutrisyon ng sanggol; at
(i) Magsagawa ng iba pang mga tungkuling kinakailangan upang makamit ang mga layunin ng aktong ito.
Ang Komisyon ng Populasyon(POPCOM) bilang isang nakakabit na ahensiya ng DOH ay magsisilbi bilang isang tagatulong na katawan sa pagpapatupad ng Aktong ito at magkakaroon ng sumusunod na mga tungkulin:
(a) Pagsasama sa patuloy na basehan ang magkakaugnay na agend na kalusugang reproduktibo at populasyon na ayon sa sinasaad ditong pambansang patakaran na isaalang alan ang rehiyonal at mga lokal na pagkabahala.
(b) Magbigay ng mekanismo upang masiguro ang aktibo at buong pakikilahok ng pribadong sektor at mga mamamayan sa pamamagitan ng kanilang mga organisasyon sa pagpaplano at pagpapatupad ng kalusugang reproduktibo at populasyon at mga programang kaunlaran at mga proyekto; at
(c) Magsagawa ng pinapanatili at epektibong impormasyon na pagtutulak(drives o kampanya) sa mapapanatiling kaunlarang pantao at sa lahat ng mga paraan ng pagpaplano ng pamilya upang maiwasan ang hindi nilalayon, hindi pinaplano at wala sa panahong pagbubuntis.
Seksiyon 26 Mga Inaatas na Pag-uulat
baguhinBago ang wakas ng Abril sa bawat taon, ang DOH ay magpapasa ng taunang ulat sa Pangulo ng Pilipinas, Pangulo ng Senado at Tagapagsalita(speaker) ng Kapulungan ng mga kinatawan. Ang ulat ay magbibigay ng isang depinitibo at komprehensibong pagtataya(assessment) ng pagpapatupad ng mga programa nito at ng ibang mga ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalitad, mga lipunang sibil at pribadong sektor at magrekomiyenda ng angkop na mga priyoridad para sa ehekutibo at lehislatibong mga aksiyon. Ang ulat ay ililimbag at ipamamahagi sa lahat ng mga pambansang ahensiya, LGU, mga lipunang sibil at mga organisasyon ng pribadong sektor na sangkot sa mga nasabing programa.
Ang taunang ulat ay susuri(evaluate) sa nilalaman, pagpapatupad at epekto ng lahat ng mga patakaran na kaugnay ng kalusugang reproduktibo at pagpaplano ng pamilya upang masiguro na ang mga gayong patakaran ay nagtataguyod, pumoprotekta at tumutupad ng kalusugang reproduktibo at mga karapatan, partikular na ng mga magulang, mag-asawa at mga kababaihan. There is hereby created a Congressional Oversight Committee composed of five (5) members each from the Senate and the HOR. The members from the Senate and the HOR shall be appointed by the Senate President and the Speaker, respectively, based on proportional representation of the parties or coalition therein with at least one (1) member representing the Minority.
Seksiyon 27 Congressional Oversight Committee, COC(Kongresyonal na Nangangasiwang Komite)
baguhinAng COC ay pamumunuan ng mga respektibong pinuno(Chairs) ng Komite ng Kabataan, Kababaihan at Mga Ugnayan ng Pamilya ng Senado at Komite ng Populasyon at Mga Ugnayang Pamilya ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang Secretariat ng COC ay magmumula sa umiiral na Secretariat personnel ng mga nauukol na komite ng Senado at kapulungan.
Ang COC ay magmomonitor at sisiguro ng epektibong pagpapatupad ng Aktong ito, tutukoy ng likas na mga kahinaan at butas sa batas, magrekomiyendad ng kinakailangang lunas na pang lehislatura o mga administritabong batas(measures) at magsagawa ng ibang pang mga tungkulin at katungkulan na maaaring kailangan upang makamit ang mga layunin ng Aktong ito.
Seksiyon 28 Mga Pinagbabawal na Gawain
baguhinAng mga sumusunod na gawain ay pinagbabawal:
(a) Sinumang tagabigay ng serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan kahit pa ito nasa publiko o pribabdo na: (1) alam na nagpipigil ng impormasyon o naghihigpit ng pagpapakalat nito o intensiyonal na nagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa mga programa at mga serbisyo sa kalusugang reproduktibo kabilang ang karapatan sa maalam na pagpili at paglapit sa buong saklawa ng mga legal, medikal na ligtas at epektibong mga paraan ng pagpaplano ng pamilya;
(2) Tumangging magsagawa ng legal at medikal na ligtas na mga pamamaraan ng kalusugang reproduktibo sa sinumang tao na nasa legal na edad sa dahilan ng kawalang pagpayag o pagbibigay kapangyarihan ng ikatlong partido. Sa kaso ng mga kasal na to, ang mutual(parehong inaayunang) pagpayag ng mga mag-asawa ay mas nanaisin. Gayunpaman, sa kaso ng hindi pagkakasundo, ang pagpapasya ng sumasailalim sa operasyon ay mananaig. Sa kaso ng mga inabusong mga menor de edad kung saan ang mga magulan o ibang mga kamag-anak ang isinasakdal, akusado o mga nahatulang(convicted) may sala gaya ng pinagtibay ng mga angkop na lumilitis na opisina o korte, walang naunang pagpayag ng magulang ang kakailanganin; at
(3) Pagtanggi sa pagpapalawig ng mga serbisyong pangangalaga ng kalusugan at impormasyon sa dahilan ng katayuang pag-aasawa, kasarian, orientasyong seksuwal, edad, relihiyon, mga sirkunstansiyang personal o kalikasan ng trabaho ng isang tao; Sa kondisyong ang naayon sa konsiyensiyang pagtutol ng isang tagabigay ng serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan batay sa kanyang etikal o reliyosong mga paniniwala ay igagalang; gayunpaman, ang mga tumututol ayon sa konsiyensiya ay agad na ihahatid(refer) ang taong naghahangad ng gayong pangangalag at mga serbisyo sa iba pang tagabigay ng pangangalaga ng kalusugan sa parehong pasilidad o sa konbinyenteng malalapitan na handang magbigay ng mga kinakailangang impormasyon at mga sebrisyo; sa karagdagang kondisyon na ang taong walang kondisyong nangangailangan ng emerhensiya o kasong seryosos gaya ng inilalarawan sa RA 8344 na mas kilal abilang "An Act Penalizing the Refusal of Hospitals and Medical Clinics to Administer Appropriate Initial Medical Treatment and Support in Emergency and Serious Cases"(Akto ng Pagpaparusa sa Pagtanggi ng mga Hospirtal at mga Klinikang Medikal na maglapat ng Karapatdapat na Simulang Paggamot Medikal at Suporta sa Emerhensiya at mga Kasong Seryoso).
(b)Sinumang opisyal ng publiko na personal o sa pamamagitan ng nasasakupan ay nagbabawal o naghihigpit ng paghahatid ng legal at medikal na ligtas na mga serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan kabilang ang pagpaplano ng pamilya; o pumupwersa, pumipilit o humihikayat sa sinumang tao na gumamit ng gayong mga serbisyo.
(c)Sinumang amo o kinatawan nito na mag-aatas sa empleyado o aplikante bilang kondisyon sa pagtanggap sa trabaho o patuloy na pagpapatrabaho na sumailalim sa pagkakapon o gumamit o hindi gumamit ng anumang paraan ng pagpaplano ng pamilya; kahit ang pagbubuntis ay hindi dahilan sa hindi pagtanggap sa trabaho o pagpapaalis sa trabaho. (d)Sinumang tao na magpapamali(falsify) ng isang sertipiko ng pagtalima gaya ng inaatas ng Seksiyong 15 ng Aktong ito; at (e)Sinumang tao na malisyosong lumalahok sa pagliligaw ng impormasyon(disinformation) tungkol sa layunin o mga probisyon ng Aktong ito.
Seksiyon 29 Mga Parusa
baguhinAnumang paglabag sa Aktong ito o pagsasagawa ng naunang(sa itaas) na mga ipinagbabawal na gawain ay parurusahan ng pagkabilanggo mula isa(1) hanggang anim(6) na buwan o multa ng sampung libo piso(P 10,000.00) hanggang singkwenta mil peso (P 50,000.00) o parehong gayong mga multo at pagkakabilanggo sa diskresyon ng may kakayahang korte; sa kondisyong kung ang nagkakasala ay isang publikong opisyal o empleyado, siya ay magdaranas ng aksesoryang(katulong) na parusa ng pagpapatalsik sa serbisyong pampamahalaan at pagsuko ng mga benepisyo ng pagreretiro. Kung ang nagkakasala ay isang huridikal, ang parusa ay itatakda sa pangulo o anumang responsableng opiser. Ang isang nagkakasala na dayuhan ay pagkatapos ng pagsisilbi ng sentensiya ay ipapatapon agad ng walang karagdagang mga legal na aksiyon ng Bureau of Immigration.
Seksiyon 30 Mga Pagtatalaga
baguhinAng mga halaga na itinatatalag sa kasalukuyang taunang Pangkalahat Akto ng Pagtatalaga(GAA) para sa Kalusugang Pamilya at Responsableng Pagiging Magulang sa ilalim ng DOH at POP ay itatalaga at gagamitin para sa simulang pagpapatupad ng Aktong ito. Ang mga karagdagang halagang kailangan sa pagpapatupad ng Aktong ito; ay nagbibigay para sa pagbabago(upgrading) ng mga pasilidad na kailangan upang masalubong ang Pangunahing Emerhensiyang Pangangalang Obstetriko at Komprehensibong Emerhensiyang Obstetrikong Pangangalang Mga Pamantayan; Sanayin at ilagay ang mga may kasanayang mga tagabigay ng kalusugan; magkamit ng mga suplay ng pagpaplano ng pamilya at mga komoditad gaya ng ibinibigay sa Seksiyon 6; at magpatupad ng ibang mga serbisyo ng kalusugang reproduktibo, ay isasama sa kalaunang GAA.
Seksiyon 31 Pagpapatupad ng mga Patakaran at Regulasyon
baguhinSa loob ng animnapu`t(60) araw mula sa pagiging epektibo ng Aktong ito, ang Kalihim ng DOH ay magpopormula at kukuha ng mga amiyenda sa mga umiiral na patakaran at regulasyon upang ipatupad ang mga layunin ng Aktong ito sa pagkokonsulta sa mga Kalihim ng DepED, Department of Interior and Local Government (DILG), the DOLE, the DSWD, the Director General of the National Economic and Development Authority (NEDA), and the Commissioner of CHED, the Philippine Commission on Women (PCW), at dalawang NGOs or Peoples’ Organizations (POs) para sa mga kababaihan. Ang kabuuang pagpapakalat ng IRR sa publiko ay sisiguruhin.
Seksiyon 32–34 Sugnay na Separabilidad, Sugnay na Pagpapawalang Bisa, Pagiging Epektibo
baguhinSEK. 32. Sugnay na Separabilidad(Paghihiwalay)
Kung ano mang bahagi o probisyon ng Aktong ito ay napatunayang hindi balido o hindi konstitusyonal, ang ibang mga probisyon na hindi apektado ay mananatiling may pwersa at epekto.
SEK. 33. Sugnay na Nagpapawalang Bisa
Ang lahat ng mga batas, atas, kautusan, mga inisyu, patakaran at regulasyon na hindi umaayon sa mga probisyon ng Aktong ito ay pinapawalang bisa, inaamiyendahan o binabago.
SEK. 34. Pagiging Epektibo
Ang Aktong ito ay magiging epektibo sa labinlimang(15) araw pagkatapos ng paglilimbag nito sa hindi bababa sa dalawang(2) mga diyaryo ng pangkalahatang sirkulasyon.