Oav2010
Isa akong Pinoy, tubong Bulacan, na nakatira sa Geneva, Switzerland. Noong nag-aaral pa ako sa UP (University of the Philippines), natunghayan ko nang simulan ng ilang mga magigiting at makabayang guro sa National Institute of Physics (NIP) ang pagtuturo ng physics sa wikang Tagalog mahigit 30 taon na ang nakararaan (noong 1989). Kakaiba ito sapagkat wala pang gumagawa nito sa Pilipinas. Sa kasamaang palad, hindi ito itinuloy pagkatapos ng ilang taon.
Naniniwala ako na kung pinag-patuloy sana ang pagtuturo sa Pilipinas ng physics (kasama ng iba pang mga sangay ng syensa) sa wikang malawak na nauunawaan ng mga pangkaraniwang Pilipino, at ito ay hinayaang lumawak, lumago at umunlad sa loob ng 30 taon, mayamang bansa na tayo ngayon. Nguni't hindi lamang Tagalog ang tinutukoy ko rito. Kasama rin ang Cebuano, Bikolano, Ilokano at iba-iba pang mga wika sa bansa.