Tagagamit:Thickwallsph/burador
Paloyon Matikling Nabua, Camarines Sur | |
---|---|
Paloyon | |
Bansag: Kisi-kisi Para Diri Mauri! | |
Country | Pilipinas |
Region | Rehiyon ng Bicol |
Province | Camarines Sur |
District | 5th district |
Town | Nabua, Camarines Sur |
Pamahalaan | |
• Punong Barangay | Archibald S. Escuro |
Populasyon (2015) | |
• Kabuuan | 2,964 |
Sona ng oras | UTC+8 PST |
ZIP | 4434 |
Kodigo ng lugar | 054 |
Kodigo ng ISO 3166 | PHL |
Ang Paloyon ay isa sa mga barangay na sakop ng bayan ng Nabua, lalawigan ng Camarines Sur. Ito ay inangkop sa nga unang-uri na binubuo ng walong mga purok. Kinabibilangangan ito ng Purok 1 (Centro), Purok 2-A (Roadside A), Purok 2-B (Roadside B), Purok 3 (Sempeterno), Purok 4 (Camalignon-Nalilidong), Purok 5-A (Bagasacan), Purok 5-B (Maogma) at Purok 6 (Bagong Sikat). Ang pangalang "Paloyon" ay mula sa salitang dialektong Rinconada Bikol na paroyan na nangangahulugang palayan.
Lugar
baguhinAng Paloyon ay nasa timog-silangan ng Nabua, na may hangganan ng mga barangay ng La Opinion (timog-kanluran), Santiago Young (hilaga-kanluran), Lourdes Young (hilaga), Paloyon Oriental (silangan )sa bayan ng Nabua, at mga barangay ng San Vicente (timog) at Masoli (timog-silangan) sa kalapit-bayan ng Bato.
Heograpiya
baguhinAng Paloyon isa sa mga barangay na nasasakop ng gulod ng Bundok Iriga.
Klima
baguhinAng barangay na ito ay nasa ika-apat na uring kilma na kung saan makakaranas ng mga pag-ulan na higit pa sa katamtaman ang antas nito.
Pananampalataya
baguhinKaramihan sa mga mamamayang ito ay laki sa pananampalatayang Katolisismo. Ngunit may iba't iba ring sekta ng pananampalataya ang mayroon dito. Ito ay ang Iglesia ni Cristo, Mga Saksi ni Jehova, Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus: Haligi at Saligan ng Katotohanan, at iba't iba pang mga maliliit na sekta.
Wika
baguhinAng kadalasang wikambibig ng mga tagarito at ang dialektong Rinconada Bikol. Marunong din sila sa wikang gamit sa pangkalahatan, ang Wikang Gitnang Bikol.
Ugnayan
baguhinAgrikultura
baguhinNaging kilala ang pook na ito na sakahan ng mga pananim tulad ng mais, kamote at kamoteng kahoy, gabi at bigas. Kadalasan dito ang mga bagsakan ng mga binilad na maga palay para sa paggigiik nito.
Ang pook na ito ay may industriya ng manukan at babuyan. Ang mga produktong ito ay kadalasang itinitinda sa kabiserang pamilihan sa Nabua at sa mga karatig-pook nito. Minsa'y iniluluwas pa ito sa Maynila ang mga laman ng mga manok.
Nagkaroon din ng pagkilala ang pook na ito dahil sa mga kakaning sa pook lamang matatagpuan. Ito'y tulad ng Puto Bugas , Puto Seco, tuyong katnga, turones at amrian.
Gawang-bakal
baguhinNarito din ang mga kilalang dalubhasa sa paggawa ng mga gawang-bakal tulad mga sundang, kutsilyo at mga pantabas ng mga damo. Ito ay matatagpuan sa purok ng Sempeterno.
Turismo
baguhinKilala rin pook na ito bilang pook-bakasyunan. Dahil ito sa ito ay may bahay-panuluyan dito. Tulad ito ng NB Buena Travellers' Inn and Resort, Big M Hotel and Resort at ang Europa Star Hotel.
Kinagisnang Gawi at Kaugalian
baguhinMayroon silang kaugalian at kinaginang gawi na kanilang ginagawa tuwing mayroong iba't ibang pagdiriwang.
Enero
baguhin- Vesperas.
- Kapistahan
- Pabayle
- Cantora
- Segunda Dia
Pebrero
baguhin- Valentines' Ball
Marso at Abril
baguhin- Estacion quin Cuaresma
- Pasion
- Procession quin Miercoles / Viernes Santo
- Soledad
- Pagbalo-balo
- Pagtonton
Sa Tag-init
baguhin- Paliga sa Barangay .
Hulyo
- Pintakasi sa Katipanan
Agosto
- Parish Day
Nobyembre
- Inter-Barangay Basketball Tournament
Disyembre
- Misa de Gallo
- Novena ag Dotoc
- Masquerade Ball
Pagtuturo
baguhinMay tatlong pangunahing paaralan ang pook na ito. Ito ay ang Nabua Christian School Foundation, Inc., Paloyon Day Care Center at ang Mababang Paaralan ng Paloyon
Mga Samahan
baguhinMayroon ditong mga samahan sa pook na ito.
- Sangguniang Barangay
- Sangguniang Kabataan
- Paloyon Youth Organization (PYO)
- Highway-Paloyon Tricycle Operators and Drivers Association (HIPALTODA)
- Mr. and Mrs. Club
- Paloyon Senior Citizens Association (PASCA)
- Paloyon Elementary School Alumni Association (PESAO)
- Triangle Married Set Association (TMSA, barangay Paloyon, La Opinion at Santiago Young)
- Lakas ng Kababaihan
- Rabus Officials
- Bagasacan Youth Organization (BYO, kasama ng barangay Lourdes Young)
Senso
baguhinTaon ng Senso | Populasyon | Antas ng Paglago (%) |
1990 | 2,197 | - |
1995 | 2,392 | 1.61 % |
2000 | 2,721 | 2.80 |
2007 | 2,735 | 0.07 |
2010 | 2,932 | 2.56 |
2015 | 2,964 | 0.21 |
Noong 2015, ang mamamayan ng Paloyon ay maroong 2,964 katao.
Pagkalas ng Paloyon Oriental bilang bagong Barangay
baguhinAng sitio Paloyon Oriental ay tuluyan ng kumalas mula sa kanyang inang-barangay, na kinilala na bilang barangay ng Paloyon Oriental batay sa Batas Pambansa Blg. 128 noong ika-28 ng Abril, 1981 at isinakatuparan ito sa bisa ng paglagda ng Presidential Proclamation No. 2102, s. 1981 ng noo'y Pangulong Ferdinand Marcos.