Wikang Gitnang Bikol
Ang Gitnang Bikol na karaniwang tinatawag ding Bikol Naga ay ang pinakasinasalitang wika sa Rehiyon ng Bikol sa timog ng Luzon. Ginagamit ito sa hilaga at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Camarines Sur, sa ikalawang distrito pangkinatawan ng Camarines Norte, silangang bahagi ng Albay, hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon, sa bayan ng San Pascual sa Masbate, at timog-kanlurang bahagi ng Catanduanes. Nakabatay ang pamantayan nito sa diyalektong sinasalita sa bayan ng Canaman.
Bikol | |
---|---|
Central Bikol bicolano central | |
Sinasalitang katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Bicol |
Mga katutubong tagapagsalita | (2.5 milyon cited 1990 census) Ika-7 pinakasinasalitang katutubong wika sa Pilipinas[1] |
Pamilyang wika | Awstronesyano
|
Sistema ng pagsulat | Latin; sinaunang sinusulat sa pamamagitan ng Baybayin |
Opisyal na katayuan | |
Opisyal na wika sa | Kabikulan |
Pinangangasiwaan (regulado) ng | Komisyon ng Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | bcl |
Sa Gitnang Bikol, mayroong mga bokabularyo na hindi mahahanap sa ibang wikang Bikol ni sa ibang miyembro ng Gitnang Pilipinong pamilya ng wika tulad ng Tagalog at Sebwano. Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga salitang matua at bitis na salitang Kapampangan din na may kahulugang mas matanda at paa/mga paa ayon sa pagkabanggit. Halimbawa rin ang salitang banggi (gabi) na kakaiba mula sa karaniwang salitang Bikol na "gab-i" ngunit mas malapit sa bengi ng Kapampangan. Walang pormal na pagsusuri tungkol sa kaugnayan ng Gitnang Pilipinong wika sa Gitnang Bikol ngunit ang ikalawa ay may ilang salita na mahahanap sa makalumang anyo ng Tagalog na sinasalita sa mga probinsyang Rizal at Quezon na pinaniniwalaang tahanan ng mga Gitnang Pilipinong wika tulad ng Kapampangan sa Pampanga at Timugang Tarlac, at wikang Sambaliko sa probinsyang Zambales.
Mga diyalektoBaguhin
Ang Bikol-Naga, isang diyalekto sa Coastal Bikol na nakabatay sa Canaman, Camarines Sur at ang pundasyon ng Pamantayang Bikol, kasama ng Bikol-Legazpi, na nakabatay sa Lungsod ng Legazpi, ay nauunawaan ng halos lahat ng mananalita ng Bikolano. Sinasalita ito sa una at ikalawang distrito ng Camarines Sur (maliban sa bayan ng Del Gallego, kung saan ang mga naninirahan dito ay mananalita ng wikang Tagalog) at sa bayan ng San Pascual sa lalawigan ng Masbate.
Ang Bikol-Legazpi ay sinasalita sa silangang bahagi ng Albay at sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Sorsogon
Ang iba pang mga diyalekto ay kinabibilangan ng Bikol-Daet, na sinasalita sa Daet at sa mga kalapit na bayan sa Camarines Norte, at ang Bikol-Partido, na sinasalita sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur at sa Virac, San Andres at sa katimugang bahagi ng Caramoran sa Catanduanes.
Mga paghahambing sa iba pang wikang BikolanoBaguhin
Coastal Bikol | Diyalektong Bikol-Naga | Diyalektong Bikol-Partido | Diyalektong Bikol-Legazpi | Diyalektong Bikol-Virac | Diyalektong Bikol-Daet | Wikang Riŋkonāda (Inland Bikol) |
Wikang Sorsoganon (Bisakol) |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Tâdaw ta dae luminayog an bayong ni Pedro dawà na dae nin kandado su hawla? | Tanô daw ta dai naglayog an gamgam ni Pedro dawà na mayò nin kandado si hawla? | Hadaw ta `e naglayog an gamgam ni Pedro maski `e nin kandado su hawla? | Natà dai naglayog an bayong ni Pedro maski daing kandado su hawla? | Ngata ta dai naglayog an gamgam ni Pedro maski dai nin kandado an hawla? | Bakin dai naglayog an gamgam ni Pedro maski mayong kandado si hawla? | Ta'onō / Ta ŋātâ ta dirî naglayog adtoŋ bayoŋ ni Pedro dāwâ ədâ kandādo su laə̄man? | Nakay daw kay dire naglayog an tamsi ni Pedro maski wara kandado an hawla? |
Katulad ng mga ibang wikang Pilipino, may mga hiram na salita ang Bikol, karamihan sa Kastila dahil sa 333 taon ng pananakop ng Kastila sa Pilipinos. Kasama rito ang suerte (suwerte), karne (karne, ulam), imbestigador (tagapagsiyasat), litro, pero (ngunit), at krimen (pagkakasala). Isa pang pinagmulan ng mga hiram na salita ang Sanskrit, na may salita tulad ng hade (hari) at karma.
PalatunuganBaguhin
May 16 katinig sa wikang Bikol: /p, b, d, t, k, ɡ, s, h, m, n, ŋ, l, ɾ, j~ʝ, w~ʋ, ʔ/. Hiniram ang walong tunog mula sa mga hiram na salita: /f, v, tʃ, dʒ, ʃ, ʒ, ʎ, ɲ/. Itinala ang tatlong patinig bilang /a, i, u/. Ginagamit ang mga patinig na /e, o/ mula sa Kastila.
BararilaBaguhin
Absolutibo | Ergatibo | Oblik | |
---|---|---|---|
Pang-isahang ika-1 tao | ako | ko | sakuya, sako, saako |
Pang-isahang ika-2 tao | ika, ka | mo | saimo, si-mo, kanimo |
Pang-isahang ika-3 tao | siya, iya | niya | saiya, kaniya |
Pangmaramihang kabilang ang ika-1 tao | kita | nyato, ta | satuya, sato, saato |
Pangmaramihang di-kabilang ang ika-2 tao | kami | nyamo, mi | samuya, samo, kanamo, saamo |
Pangmaramihang ika-2 tao | kamo | nindo | saindo, kaninyo, saiyo |
Pammaramihang ika-3 tao | sinda | ninda | sainda, kanira |
Mga katagaBaguhin
- bagá – nagpapahayag ng pagdududa o pag-aatubili
- bayâ – pagbibigay ng pagkakataon sa isang tao; magalang pagpilit
- daa – (Tagalog: daw) pagsipi ng impormasyon mula sa isang pangalawang sanggunian
- daw – (Tagalog: ba/kaya) katagang patanong
- garo – (Tagalog: mukhang, parang) pagkakahawig o pagkakatulad
- gáyo – "sakto"
- daing gáyo – "hindi eksakto, hindi talaga"
- gayód / nanggayod – (Tagalog: bakâ) "marahil, maaaring magaing"
- giráray / liwát – [m]uli
- kutá-na / kutâ – "sana nangyari / hindi nangyari"; "Kung sana lang ..." (kondisyonalidad ng mga nakaraang pangyayari)
- lang / lámang / saná – lang
- lugód – umaasa na may mangyayari, o pagpapahayag ng pagsuko
- man – din, rin (tulad ng ano man 'anuman' at siisay man 'sinuman')
- mú-na / ngó-na – Tagalog: muna
- na – na
- naman – naman
- nanggad / mananggad – talaga, nga (nagdaragdag ng katiyakan)
- nyako – "sinabi ko"
- ngani – nagpapahayag ng kapalaran ("Walang magagawa") o pakiusap sa iba na huwag ipilit
- ngantig – nag-uulat ang isang bagay na sinabi sa isang ikatlong tao
- ngapit – "pagkatapos," "kung sakaling," "sa panahon / habang" (tagal ng panahon)
- ngaya – paggalang sa paghingi ng impormasyon ("kaya," "tingnan natin")
- pa – pa
- palán – pala
- po – po; "tabí" sa ibang diyalekto ng Bikol
- túlos / túlos-túlos – agad-agad
PagbilangBaguhin
Mga bilangBaguhin
May tig-dalawang pangalan para sa mga bilang sa Bikol – ang mga pangalan mula sa katutubong Bikol at Kastila. Karaniwang ginagamit ng mga Bikolano ang mga salitang Kastila kapag pinag-uusapan ang oras tulad ng Alas singko (5:00). Gayunpaman, mababasa ang mga katutubong bersyon sa mga pampanitikang aklat. Makakasalubong din ang mga salitang Kastila sa pagpepresyo.
- Isang kalahati.
- Kabangâ
- Isa.
- Sarô
- Dalawa.
- Duwá/Dos
- Tatlo.
- Toló/Tres
- Apat.
- Apát/Quatró
- Lima.
- Limá/Sincó
- Anim.
- Anóm/Sais
- Pito.
- Pitó/Siyeté
- Walo.
- Waló/Otsó
- Siyam.
- Siyam/Nuevé
- Sampu.
- Sampólô/Diez
- Labinlima.
- Kaglimá/Kinsé
- Dalawampu.
- Duwampólô/Baynté
- Dalawampu't lima.
- Duwampólô may lima/Baynté sinkó
- Tatlumpu.
- Tolompólô/Traintá
- Tatlumpu't lima.
- Tolompólô may lima/Traintá sincó
- Apatnapu.
- Apát na pólô/Quarentá
- Apatnapu't lima.
- Apát na pólô may lima/Quarentá sincó
- Limampu.
- Limampólô/Sinkwentá
- Limampu't lima.
- Limampólô may lima/Sinkwentá sincó
- Animnapu.
- Anóm na pólô/Sisentá
- Animnapu't lima.
- Anóm na pólô may lima/Sisentá sinco
- Pitumpu.
- Pitómpólô/Sitentá
- Pitumpu't lima.
- Pitompólô may lima/Sitentá sincó
- Walumpu.
- Walompólô/Ochenta
- Walumpu't lima.
- Walompólô may lima/Ochenta sincó
- Siyamnapu.
- Siyam na pólô/Noventá
- Siyamnapu't lima.
- Siyam na pólô may lima/Noventá sincó
- Isang daan.
- San gatós
Tingnan dinBaguhin
Ang Edisyon ng Wikang Gitnang Bikol ng Wikipedia, ang malayang ensiklopedya. |
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ Philippine Census, 2000. Table 11. Household Population by Ethnicity, Sex and Region: 2000
- Lobel, Jason William, Wilmer Joseph S Tria, and Jose Maria Z Carpio. 2000. An satuyang tataramon / A study of the Bikol language. Naga City, Philippines: Lobel & Tria Partnership, Co.: Holy Rosary Minor Seminary.