Araw (panahon)
Ang isang araw ay ang panahon ng oras ng buong pag-ikot ng Daigdig sa Araw. Sa katamtaman, ito ay 24 oras (86,400 segundo). Habang dumadaan ang araw sa isang binigay na lokasyon, nakakaranas ito ng umaga, tanghali, hapon, dilim at gabi. Pinapaandar araw-araw ang siklo ito ng mga ritmong sirkadiyano sa maraming mga organismo, na napakahalaga sa maraming proseso ng buhay.
Naka-ayos ang isang koleksyon ng mga sunod-sunod na mga araw sa mga kalendaryo bilang mga petsa, halos palagi sa mga linggo, buwan at taon. Inaayos ng kalendaryong solar ang mga petsa batay sa taunang siklo ng Araw, na nagbibigay ng konsistenteng simulang petsa para sa mga pana-panahon taon-taon. Inaayos naman ng kalendaryong lunar ang mga petsa batay sa yugtong lunar ng Buwan.
Mga kahulugan
baguhinBituing araw
baguhinAng isang bituing araw (Ingles: sidereal day o stellar day) ay ang haba ng panahon para makagawa ang Daidigdig ng buong pag-inog[1] ayon sa iniikutan nitong bagay selestiyal o malayong bituin (pinalagay na nakapirmi).[2] Ginagamit ang pagsukat ng araw tulad nito sa astronomiya.[2] Ang bituing araw ay mga 4 minutong mas kaunti sa isang araw solar na 24 oras (23 oras 56 minuto at 4.09 segundo), o 0.99726968 ng araw solar ng 24 oras.[3] Mayroon mga 366.2422 bituing araw sa isang katamtamang taong tropikal (isang bituing araw na mas marami sa bilang ng mga araw solar).[4]
Bukod sa isang bituing araw sa Daigdig, mayroon mga oras ng araw ang ibang bagay sa Sistemang Solar, ang tagal ng mga ito ay:[5][6]
Pangalan | Tagal ng oras |
---|---|
Merkuryo | 4222.6 |
Benus | 2802 |
Buwan ng Daigdig | 708.7 |
Marte | 24.7 |
Seres | 9[7]–9.1[8] |
Hupiter | 9.9 |
Saturno | 10.7 |
Urano | 17.2 |
Neptuno | 16.1 |
Pluto | 153.3 |
Mga ibang kahulugan
baguhinMaaring tumukoy ang salita sa iba't ibang parehong mga ideya na binigyang kahulugan, tulad ng:
- Buong araw
- 24 oras (eksakto) (isang nuchthémeron)
- Isang araw na binibilang ang pagtaya, halimbawa, "Kita tayo sa loob ng tatlong araw." o "ang sumunod na araw"
- Isang buong araw na sinasakop ang parehong panahong madilim at maliwanag, simula sa pagsapit ng dilim o mula sa isang punto malapit sa gitna ng panahong madilim
- Isang buong panahong madilim at maliwanag, tinatawag minsan bilang nuchthémeron, salitang Griyego na nangangahulugang "tumagal ng isang araw at gabi;[9] o mas kolokyal ang katawagang 24 oras. Sa ibang mga wika, kadalasang ginagamit ang 24 oras. May hiwalay na salita para sa buong araw ang ibang mga wika.
- Bahagi ng isang petsa: ang araw ng taon sa mga petsang ordinal, araw ng buwan sa mga petsang kalendaryo, o araw ng linggo sa mga petsa ng linggo.
- Ang regular na oras na ginugol sa trabahong binayaran sa isang araw ng paggawa, cf. man-day (trabahong nagawa sa isang araw) at workweek (araw na may trabaho sa isang linggo) sa katawagang Ingles.
- Maaring karaniwang tumukoy din ang katagang "maghapon" sa buong araw, bagaman, maaring tumukoy din ito sa buong hapon sa hindi madalas na gamit.
- Araw na may liwanag
- Ang panahon ng liwanag nang ang Araw ay nasa ibabaw ng lokal na horisonte (alalaong baga, ang oras mula sa pasikat ng araw hanggang sa paglubog nito)
- Ang oras mula 06:00–18:00 (6:00 am – 6:00 pm) o 21:00 (9:00 pm) o ibang nakapirming panahon sa orasan na pumapatong o bumabalanse mula sa ibang mga panahon ng oras tulad ng "umaga", "hapon", o "gabi".
- Ang panahon mula unang-liwanag na "madaling araw" hanggang sa huling-liwanag na "takipsilim".
- Iba
- Isang partikular na panahon ng araw, na maaring naiiba sa konteksto, tulad ng "araw ng pasok sa eskuwela" o "araw ng pasok sa trabaho".
Mga bahagi
baguhinHinati ng mga tao ang araw sa mga panahong di-pantay, na maaring may mga implikasyon pangkalinangan, at ibang mga epekto sa mga prosesong pambiyolohiya ng tao. Walang tinakdang oras sa mga bahagi ng araw; maaring iba't iba ito ayon sa pamumuhay o mga oras ng liwanang ng araw sa isang binigay n lugar.[10]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ May ilang may-akda ang nababala laban sa pagtukoy sa "araw" sa panahong pag-inog. Halimbawa: Seligman, Courtney. "Rotation Period and Day Length" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-29. Nakuha noong 2011-06-03.
A Cautionary Note: Because the rotation period of the Earth is almost the same as the length of its day, we sometimes get a bit sloppy in discussing the rotation of the sky, and say that the stars rotate around us once each day. In a similar way, it is not unusual for careless people to mix up the rotation period of a planet with the length of its day, or vice versa.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "sidereal day". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-09-26. Nakuha noong 2022-08-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Allen, Clabon Walter & Cox, Arthur N. (2000). Allen's Astrophysical Quantities (sa wikang Ingles). Springer. p. 296. ISBN 0-387-98746-0. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-12-09. Nakuha noong 2022-08-17.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Komhyr, Walter Dmyro (Hunyo 1980). "Operations Handbook – Ozone Observations with a Dobson Spectrophotometer". gml.noaa.gov (sa wikang Ingles). p. 122. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-12. Nakuha noong 2022-08-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Planetary Fact Sheet – Metric". nssdc.gsfc.nasa.gov NASA (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Hulyo 2012. Nakuha noong Mayo 29, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Griggs, Mary Beth (18 Enero 2019). "Shaky rings help scientists measure Saturn's days – Speedy planet". The Verge. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Enero 2019. Nakuha noong 18 Enero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "planets/dwarf-planets/ceres/in-depth". nasa.gov (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 2, 2021. Nakuha noong Mayo 30, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tate, Karl (21 Nobyembre 2012). "Dwarf Planets of Our Solar System (Infographic)". www.space.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-18. Nakuha noong Mayo 30, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Definition of NYCHTHEMERON". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-02. Nakuha noong 2017-02-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Parts of the Day: Early morning, late morning, etc". Britannica Dictionary (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-08-22. Nakuha noong 2022-08-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)