Ranggo
|
Lungsod
|
Populasyon (2015 Senso)
|
Kondado
|
Kasabihan
|
Retrato
|
Paglalarawan
|
1
|
Philadelphia
|
1,567,448
|
Philadelphia
|
"Philadelphia maneto" ("Let brotherly love endure")
|
|
Ang pinakamalaking lungsod sa Komonwelt ng Pennsylvania, itinatag ni William Penn ang Philadelphia noong Oktubre 27, 1682. Kilala ito bilang "Lungsod ng Kapatirang Pagmamahal" ("City of Brotherly Love") sapagkat ang "Philadelphia" ay salitang Griyego sa "kapatirang pagmamahal". Tahanan ito ng mga pangunahing ligang koponan ng palakasan tulad ng 76ers (sa basketbol), Phillies (sa beysbal), Flyers (sa haking pangyelo), at Eagles (sa putbol). Tahanan din ito ng tanyag na Liberty Bell.
|
2
|
Pittsburgh
|
304,391
|
Allegheny
|
"Benigno Numine" ("With the Benevolent Deity" isinalin din bilang "By the favor of heaven")
|
|
Kilala bilang bakal na lungsod dahil sa mga paggawaan ng bakal ng huling bahagi ng ika-19 na dantaon at ang simula ng ika-20 dantaon. Ang Pittsburgh ay isnag malaking tagapagambag ng bakal noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na nakakagawa ng 95 milyong tonelada ng bakal. Matatagpuan ang lungsod sa tagpuan ng mga Ilog ng Allegheny at Monongahela, kung saang magtatagpo ito upang mabuo ang Ilog Ohio. Bagaman kilala ang lungsod sa kanyang industriya ng bakal, nakabatay na ito nang malakihan ngayon sa pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, at teknolohiya. Tahanan din ito ng Pittsburgh Steelers ng putbol, Pittsburgh Pirates ng beysbol at Pittsburgh Penguins ng haking pangyelo.
|
3
|
Allentown
|
120,207
|
Lehigh
|
"Sic Semper Tyrannis"
|
|
Matatagpuan sa Ilog Lehigh, ang Allentown ay pinakamalaking sa tatlong magkakatabing lungsod na bumubuo sa isang rehiyon sa silangang Pennsylvania at kanlurang New Jersey na tinaguriang Lambak ng Lehigh, kasama ang mga kalapit na lungsod ng Bethlehem at Easton. Matatagpuan ang Allentown 97 kilometro (60 milya) hilaga ng Philadelphia, 130 kilometro (80 milya) silangan ng kabiserang estado na Harrisburg, at 140 kilometro (90 milya) kanluran ng Lungsod ng New York.
|
4
|
Erie
|
99,475
|
Erie
|
n/a
|
|
Hango ang pangalan sa isa sa mga lawa ng Mga Malalaking Lawa, kilala ang Erie bilang punong-barko na lungsod dahil sa pagkakaroon of punong barkong Niagara ni Oliver Hazard Perry. Kilala rin ang Erie bilang "Gem City" dahil sa kumikislap na lawa. Tahanan ang Erie ng koponang beysbol na Erie SeaWolves ng Double A Eastern League. Isang kasaping Double A ng Detroit Tigers ang SeaWolves.
|
5
|
Reading
|
87,879
|
Berks
|
n/a
|
|
Hinango ang pangalan ng lungsod sa dating Daambakal ng Reading na nagdala ng antrasitang karbon mula sa Rehiyong Karbon ng Pennsylvania sa mga lungsod sa Ilog Schuylkill. Noong pangkaraniwang pagbaba ng mabigat na paggawa, isa ang Reading sa mga unang pamayanan na kung saang naging industriyang panturismo ang outlet shopping. Kilala ito bilang "The Pretzel City" dahil sa madaming mga lokal na panaderyá ng pretzel. Kilala rin ito bilang "Baseballtown," pagkaraang tinatak ng Reading Phillies ang pangalang ito upang paunlarin ang mayamang kasaysayan ng beysbol ng Reading.
|
6
|
Upper Darby
|
82,795
|
Delaware
|
|
|
Ang Upper Darby Township ay isang home rule township[1] na matatagpuan timog-kanluran ng Philadelphia sa Delaware County, timog-silangang Pennsylvania. Iba-iba ang populasyon ng Upper Darby na kumakatawan sa higit 100 kulturang etniko. Ito ang pang-anim na pinakamataong munisipalidad ng Pennsylvania.
|
7
|
Scranton
|
77,118
|
Lackawanna
|
"Embracing Our People, Our Traditions, and Our Future"
|
|
Ang Scranton ay ang sentrong pangheograpiya at pangkultura ng lambak ng Ilog Lackawanna sa hilaga-silangang Pennsylvania. Ito ay ang pinakamalaking lungsod na matatagpuan sa tuluy-tuloy na kalambatan ng mga pamayanan na dating nagmimina ng antrasitang karbon (anthracite coal) kabilang na ang mas-maliit na mga lungsod ng Wilkes-Barre, Pittston, at Carbondale. Nasapi bilang isang boro ang Scranton noong Pebrero 14, 1856 at bilang isang lungsod noong Abril 23, 1866.
|
8
|
Bethlehem
|
74,892
|
Lehigh & Northampton
|
n/a
|
|
Matatagpuan ang Bethlehem sa gitna ng Lambak ng Lehigh, isang rehiyon sa silangang Pennsylvania na may lawak na 1,893 km² (731 square miles) at populasyon na higit 750,000 katao. Sinasaklaw ng lambak ang tatlong mga lungsod (Bethlehem, Allentown at Easton) sa loob ng dalawang mga kondado (Lehigh at Northampton). Mas-maliit sa Allentown ngunit mas-malaki sa Easton, ang Bethlehem ay ang pangalawang pinakamahalagang lungsod ng Lambak ng Lehigh.
|
9
|
Bensalem
|
61,500
|
Bucks
|
|
|
Ang Bensalem Township ay isang township sa Kondado ng Bucks, Pennsylvania, na humahangganan sa hilaga-silangang bahagi ng Philadelphia. Binubuo ito ng maraming mga komunidad kasama ang Bensalem, Trevose, Oakford, Cornwells Heights, Eddington, at Andalusia. Ayon sa senso noong 2010, may kabuuang 60,427 katao ang Bensalem Township. Dahil dito, ito ang pinakamalaking munisipalidad sa Kondado ng Bucks. Ang township na itinatag noong 1692 ay kasing-tanda ng mismong estado ng Pennsylvania, na itinatag noong 1682.
|
10
|
Lancaster
|
59,339
|
Lancaster
|
n/a
|
|
Unang tinawag na Hickory Town, binago ang pangalan ng lungsod kasunod sa lungsod ng Lancaster ng Inglatera ng katutubong si John Wright. Ang simbolo na pulang rosas, ay mula sa Kabahayan ng Lancaster. Bahagi ang Lancaster ng Penn's Woods Charter ni William Penn noong 1681, at inilatag ito ni James Hamilton noong 1734. Isinapi ito bilang isang boro (o bayan) noong 1742 at isinapi bilang lungsod noong 1818. Noong panahon ng Rebolusyong Amerikano, dagliang kabisera ito ng mga kolonya noong Setyembre 27, 1777, nang nilisan ng Kongresong Kontinental ang Philadelphia na kinuha ng mga Briton. Pagkaraang nagpulong sa isang araw, lumipat sila patungong York. Ang Lancaster ay kabisera ng Pennsylvania mula 1799 hanggang 1812, nang inilipat ang kabisera sa Harrisburg.
|
11
|
Lower Merion Township
|
57,825
|
Montgomery
|
|
|
Ang Lower Merion Township ay isang township sa Kondado ng Montgomery, Pennsylvania at bahagi ng Pennsylvania Main Line. Ayon sa senso noong 2010, ang township ay may kabuuang populasyon na 57,825 katao. Ang Lower Merion ay may panglimang pinakamalaking kita ng bawat tao at pang-labindalawang pinakamataas na panggitnang kitang pansambahayan sa bansa na may populasyong hindi bababa sa 50,000.[2]
|
12
|
Abington Township
|
55,310
|
Montgomery
|
|
|
Ang Abington Township ay isang township sa Kondado ng Montgomery, Pennsylvania, katabi ng hilagang fringe o panlabas ng Philadelphia.[3] Ayon sa senso noong 2010, ang populasyon nito ay 55,310, kung kaya ito ang pangalawang pinakamataong township sa Kondado ng Montgomery (kasunod ng Lower Merion Township). Ang kapal ng populasyon nito ay 3603.3 kada milya kuwadrado, kung kaya ito ang pangalawang pinakamakapal na densidad na township sa Kondado ng Montgomery (kasunod ng Cheltenham Township).
|
13
|
Bristol Township
|
54,582
|
Bucks
|
n/a
|
|
Ang Bristol Township ay isang township sa Kondado ng Bucks, na may 54,582 katao nang senso noong 2010, kung kaya ito ang panlabintatlong pinakamalaking munisipalidad sa estado. Kasama ang boro o bayan ng Bristol, ang Bristol Township ay isang sentro ng kultura para sa ibabang Kondado ng Bucks. May ginaganap na mga pagdiriwang ng pamanang Aprikano at Latino. Ang mga bahagi ng township ay binubuo ng mga katabing komunidad ng Fairless Hills at Levittown.
|
14
|
Levittown
|
52,983
|
Bucks
|
n/a
|
|
Ang Levittown ay isang census-designated place (CDP) at planadong komunidad sa Kondado ng Bucks, Pennsylvania, sa loob ng kalakhang lugar ng Philadelphia. Nang senso noong 2010, ang populasyon ay 52,983.[4] Ito ay 12 metro (40 talampakan) sa itaas ng lebel ng dagat. Bagaman hindi ito isang munisipalidad, kinikilala ito nang minsan bilang pinakamalaking arabal (suburb) ng Philadelphia[5] (habang ang Upper Darby Township, Lower Merion Township, Bensalem Township, Abington Township at Bristol Township ay mga munisipalidad na mas-malaki ang laki sa tatlong mga pumapalibot na kondado ng Pennsylvania). Simula sa biniling lupain noong 1951, ipinanukala at itinayo ito ng Levitt & Sons. Ang magkapatid na sina Bill Levitt at arkitekto Alfred Levitt ay nagdisensyo sa anim na kumakatawang mga bahay.
|
15
|
Harrisburg
|
49,081
|
Dauphin
|
n/a
|
|
Ang kabisera ng Pennsylvania, ginampanan ng Harrisburg ang mahalagang gampanin sa kasaysayan ng Estados Unidos noong Pakanlurang Pandarayuhan, ang Digmaang Sibil ng Amerika, at ang Rebolusyong Industriyal. Noong bahagi ng ika-19 na dantaon, ang pagtatayo ng Kanal ng Pennsylvania at kalaunan ang Daambakal ng Pennsylvania ay nagbigay sa Harrisburg na maging isa sa mga pinaka-industriyalisadong lungsod sa Hilaga-silangang Estados Unidos.
|
16
|
Haverford Township
|
48,491
|
Delaware
|
n/a
|
|
Ang Haverford Township (na ipinangalan mula sa bayan ng Haverfordwest sa Wales, UK) ay isang home rule township[6] sa Kondado ng Delaware—isang malapit at panloob na arabal na nananakay (inner commuting suburb) ng lungsod, matatagpuan ito sa mismong kanluran ng Philadelphia, sa timog-silangang Pennsylvania. Kilala ito nang opisyal bilang Township of Haverford. Bagaman nasa ilalim ng kartang home rule mula pa noong 1977, patuloy na tumatakbo ito sa ilalim ng Lupon ng mga Komisyonado na nahahati sa mga ward (katumbas ng isang distrito).[1] Ganoon din ang mga unang klaseng township ng estado na nasa ilalim pa rin ng Kodigong Township ng Pennsylvania. Itinatag ang Haverford Township noong 1682 at nasapi (o nainkorporada) ito noong 1911.
|
17
|
Altoona
|
45,344
|
Blair
|
n/a
|
|
Umunlad dahil sa industriyang daambakal, ang Altoona ay kasalukuyang gumagawa ng mga hakbang upang mapanumbalik ito mula sa paghina ng industriya at de-sentralisasyon ng pusod ng urbano sa mga nakalipas na dekada. Tahanan ang lungsod ng koponang beysbol na Altoona Curve ng Double A Eastern League, na isang kasaping Double A ng Pittsburgh Pirates.
|
18
|
York
|
43,992
|
York
|
n/a
|
|
Itinatag ang York ng mga nakatira sa rehiyon ng Philadelphia noong 1741. Ipinangalan ito mula sa kaparehong-pangalan na lungsod sa Inglatera. Pagsapit ng 1777, karamihan sa mga residente ay maaaring buhat sa lahing Aleman o Eskoses-Irlandes. Nasapi ang York bilang isang boro (bayan) noong Setyembre 24, 1787, at bilang isang lungsod noong Enero 11, 1887. Noong Himagsikang Amerikano (1775–1783), nagsilbi ang York bilang pansamantalang kabisera ng Continental Congress. Sa lungsod binalangkas at pormal nang sinag-ayon ang mga Artikulo ng Konpederasyon, bagaman ipinagtibay lamang ang mga ito noong Marso 1781.
|
19
|
State College
|
42,161
|
Centre
|
n/a
|
|
Ang State College ay isang boro o bayan na ang ekonomiya at demograpiya ay dinodomina ng pagkakaroon ng pangunahing kampus ng Pennsylvania State University, na kadalasang tinutukoy bilang "Penn State". Ang Happy Valley ay isang madalas-gamiting katagan upang itukoy ang lugar ng State College, kasama ang boro at mga township ng College, Harris, Patton, at Ferguson. Mapapansin din na tuwing karamihan sa mga Sabadong may putbol, ang mismong Estasyo ng Beaver ay nagpapasama sa State College bilang pang-apat na pinakamalaking pamayanan sa Pennsylvania na may opisyal na kakayahan ng 106,572 katao, at pinakamataas na bilang ng pagdalo na 110,753 katao, na hindi pa hinihigitan hanggang sa ngayon.
|
20
|
Wilkes-Barre
|
40,780
|
Luzerne
|
"Pattern After Us"
|
|
Itinatag noong 1769, ang Wilkes-Barre ay ang punong-lungsod ng Kondado ng Luzerne at ang sentro ng Lambak ng Wyoming. Napapaligiran ito ng mga Bulubundukin ng Pocono sa silangan, ang Lambak ng Lehigh sa timog, at ang mga Bulubundukin ng Endless sa kanluran. Dumadaloy ang Ilog Susquehanna sa hilaga-kanlurang bahagi ng lungsod.
|