Turon (lutuing Pilipino)
- Para sa dulseng Valenciano, tingnan ang Turon (lutuing Kastila).
Ang turon[1], na kilala rin bilang lumpiyang saging o sagimis, ay isang Pilipinong pangmeryenda na gawa sa mga saging (mas angkop kung saba o kardaba) na hiniwa nang manipis, binalutan ng pambalot ng lumpiya, at pinirito hanggang malutong ang balat at pinahiran ng kinaramelisadong asukal na pula.[2] Maaari rin itong palamanan ng ibang pagkain. Pinakaraniwan ang langka, ngunit may mga resipi na nagsasahog ng kamote, mangga, kesong cheddar at buko.
Ibang tawag | lumpiyang saging, sagimis, turrón de banana, turrón de plátano, |
---|---|
Uri | Minandal |
Lugar | Pilipinas |
Pangunahing Sangkap | Saging, pulang asukal |
|
Kahit nagmula ang salitang turon sa wikang Kastila, wala itong pagkakatulad sa kending Kastila na turrón (isang konpeksiyong gawa sa nugat na almendras).[3]
Karaniwang kinakain itong malutong at mangunguyang pagkaing tuwing meryenda o panghimagas.[4] Patok din ito bilang pagkaing kalye,[5] kadalasang ibinebenta kasama ng bananakyu,[6] kamotekyu, at maruya.[7]
Kasaysayan
baguhinIpinapalagay na nagsimula ang paggawa ng turon sa mga komunidad sa Pilipinas na malapit sa mga puno ng saging at sagingan. Ibinagay ang mga ekstra sa mga tagaroon kapag may sobra mula sa ani, at kalaunang ibinebenta sa mga kalye.[8]
Sa Malabon, tumutukoy naman ang salitang turrón o turon sa pinritong panghimagas na binalutan sa pambalot-lumpiya at pinalamanan ng matamis na monggo, habang tumutukoy ang valencia sa baryante na may saging sa loob. Karaniwang ibinebenta ang turon na saging ng Malabon sa pangalang valencia trianggulo na may natatanging hugis na tatsulok.[9][10]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Turon". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How to Make Turon (Filipino fried banana rolls)" [Paano Gumawa ng Turon (lumpiyang saging ng mga Pilipino)]. Serious Eats (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 21, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Filipino Snack: Turon" [Pilipinong Meryenda: Turon]. ABOUT FILIPINO FOOD (sa wikang Ingles). Abril 25, 2019. Nakuha noong Nobyembre 21, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Turon, cues - Manila, the Philippines - Local Food Guide" [Turon, mga kyu - Maynila, Pilipinas - Gabay sa Lokal na Pagkain]. eatyourworld.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 21, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Home Cooking Rocks Naka-arkibo 2010-11-23 sa Wayback Machine. [Astig ang Lutong Bahay] (sa wikang Ingles) nakuha noong Nobyembre 16, 2010
- ↑ Resipi ng turon
- ↑ "Manila" [Maynila], Wikipedia (sa wikang Ingles), Nobyembre 18, 2021, nakuha noong Nobyembre 21, 2021
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ho, Julee. "History of Fried Bananas (Turon)" [Kasaysayan ng Pritong Saging (Turon)]. Julee Ho Media (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 21, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Recipe #43: BANANA TURON (Valencia)" [Resipi #43: TURON NA SAGING (Valencia)]. Luto Ni Lola (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2019. Nakuha noong 10 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Aspiras, Reggie. "Valencia 'triangulo,' sacred cookies and 'leche flan' cheesecake–more reasons to celebrate the season" [Valencia ‘triangulo,’ banal na kukis at 'letseplan' cheesecake–mas maraming dahilan para ipagdiwang ang panahon]. Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Abril 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)