Unibersidad ng Adelaide

Ang Unbersidad ng Adelaide (Ingles: University of Adelaide, impormal na Adelaide University ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa Adelaide, Timog Australia. Itinatag noong 1874, ito ay ang ikatlong pinakamatandang unibersidad sa Australia. Ang university main campus ay matatagpuan sa North Terrace sa Adelaide city centre, katabi ng Art Gallery of South Australia, South Australian Museum at ng Aklatan ng Estado ng South Australia. Ang unibersidad ay may limang mga kampus sa buong estado; North Terrace; Roseworthy College sa Roseworthy; The Waite Institute sa Urrbrae; Thebarton; at National Wine Centre sa Adelaide Park Landsn. Meron din itong pang-anim na campus, ang Ngee Ann – Adelaide Education Centre (NAAEC), sa Singapore. Ang unibersidad ay nagpapatakbo ng ilang mga kaugnay at independiyenteng mga institusyon at grupo sa pananaliksik. Kasama sa mga ito ang South Australian Center for Economic Studies, Institute for Medical Research, at South Australian Health and Medical Research Institute (SAHMRI).

Mitchell Building

Ang unibersidad ay konektado sa limang nanalo ng Nobel Prize, na siyang bumubuo sa isang-katlo kabuuang Nobel laureates ng Australia, at 109 Rhodes scholars. Marami sa mga nangungunang negosyante, abogado, propesyonal sa kalusugan, at pulitiko ng estado ng Timog Australia ay pumasok sa unibersidad. Ang unibersidad ay nauugnay sa mga pagtuklas, tulad ng pagtuklas at pag-unlad ng penisilin, ang pag-unlad ng paggalugad sa kalawakan, sunscreen, tangke ng militar, Wi-Fi, polymer banknotes, at X-ray crystallography, maging ang pag-aaral ng pagtatanim ng ubas (viticulture) at oenology.

Kilalang mga nag-aral at mga propesor

baguhin
baguhin

34°55′14″S 138°36′19″E / 34.92067°S 138.60536°E / -34.92067; 138.60536   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.