Usapan:Espesye

Latest comment: 3 year ago by WayKurat in topic Protection
Alam Ba Ninyo Ang isang lahok mula sa lathalaing Espesye ay nailathala sa Unang Pahina ng Wikipedia sa hanay ng Alam ba ninyo? noong Marso 1, 2008.
Wikipedia
Wikipedia

Hinggil sa bahagi ng "Mga talasanggunian"

baguhin

Species vs. Uri

baguhin

Ayon sa dahilan ng muling pagbalik sa uri mula species: ito ang napagpasyahan ng pamayanan dati pa http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Uri&action=historysubmit&diff=983866&oldid=981781

Ayon naman dito, http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Consensus#Determining_consensus : Consensus is not unchangeable, and matters that have been discussed in the past can be raised again, especially if there are new arguments or circumstances that were not properly considered before. On the other hand, if a subject has been discussed recently, it can be disruptive to bring it up again. As a practical matter, "according to consensus" or "violates consensus" are weak reasons for rejecting a proposal; instead, the reasons for objecting should be explained, followed with discussion on the merits of the proposal.

Sana matugunan ng mga editor dito na nagpasyang gamitin ang salitang uri para sa ingles na species ang mga bagong itinaas na argumento sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Usapang_Wikipedia:Kapihan#.22Isang_uring_.22Kalaw.22

Kung meron mang dapat isalin na uri, ito ang type(biology) sa artikulong http://en.wikipedia.org/wiki/Types_in_zoology#Types_in_zoology

Ayon dito: In zoological nomenclature, the type of a species (or subspecies) is a specimen (or series of specimens), the type of a genus (or subgenus) is a species, and the type of a suprageneric taxon (e.g., family, etc.) is a genus. Names higher than superfamily rank do not have types. A "name-bearing type" "provides the objective standard of reference whereby the application of the name of a nominal taxon can be determined."

Aghamsatagalog2011 03:37, 24 Enero 2012 (UTC)Reply

Meron po ba kayong sanggunian na nagsasabi na ang type species eh kapareho ng uri?--Lenticel (usapan) 05:42, 24 Enero 2012 (UTC)Reply
Wala, dahil ang posisyon ko ay hindi ito magkapareho.Aghamsatagalog2011 05:47, 24 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung gayon po ano po ang pansuporta ninyo sa posisyon ninyo?--Lenticel (usapan) 05:48, 24 Enero 2012 (UTC)Reply
Ayon dito http://en.wikipedia.org/wiki/Types_in_zoology#Types_in_zoology: In zoological nomenclature, the type of a species (or subspecies) is a specimen (or series of specimens), the type of a genus (or subgenus) is a species, and the type of a suprageneric taxon (e.g., family, etc.) is a genus. Names higher than superfamily rank do not have types. A "name-bearing type" "provides the objective standard of reference whereby the application of the name of a nominal taxon can be determined." Kung parehas, bakit hiwalay ang artikulong en:type (biology) sa en:species. Ayon sa google translation http://translate.google.ca/?hl=en&tab=wT#auto%7Ctl%7Ctype, ang type ay uriAghamsatagalog2011 05:52, 24 Enero 2012 (UTC)Reply

(indent) magkaiba naman po talaga silang dalawa. Ang species po ay "uri". Ang type species ay isang uri ng "uri" na ginagamit parang "ID" ng magulang nitong genus o sari. Maaari po tayo gumawa ng isa pang "uri (X)" upang maliwanagan tayo sa gamit ng uri para sa "Type". Oo nga po pala, sana po ay wag tayong gumamit ng argumentong en:Etymological fallacy sa ating debate.--Lenticel (usapan) 06:02, 24 Enero 2012 (UTC)Reply

Tama,ang species ay uri ng genus pero mali na species lang ang tukuying uri. Kaya nga nga may mga paglilinaw sa wp para sa salitang may maraming kahulugan o konteksto.Aghamsatagalog2011 06:04, 24 Enero 2012 (UTC)Reply
Gumawa na lang tayo ng uri (paglilinaw) upang hindi ikalito ng ating mambabasa. --Lenticel (usapan) 06:19, 24 Enero 2012 (UTC)Reply
Ano ang mungkahi mo para sa pamagat ng species kung hindi nga pwedeng gamitin ang uri?Aghamsatagalog2011 06:23, 24 Enero 2012 (UTC)Reply
uri pa rin naman ang gagamit natin sa species. Gagawa lang tayo ng paglilinaw at (hatnote) sa taas ng artikulo sa uri. Ang iniisip ko na nilalaman ng paglilinaw ay:
  • uri, miyembro ng isang sari
    • isang uri na ginagamit upang ilarawan ang magulang nitong sari, Silipin ang (Type (taksomiya)) (Note: walang sanggunian na sinasabing "uri" ang tawag sa type species kaya i-retain natin ang type na pangalan)
  • pang-uri
  • etc...

--Lenticel (usapan) 06:54, 24 Enero 2012 (UTC)Reply

Halimbawa sa artikulong ito, http://en.wikipedia.org/wiki/Types_in_zoology#Types_in_zoology In zoological nomenclature, the type of a species (or subspecies) is a specimen (or series of specimens), the type of a genus (or subgenus) is a species, and the type of a suprageneric taxon (e.g., family, etc.) is a genus. Names higher than superfamily rank do not have types. A "name-bearing type" "provides the objective standard of reference whereby the application of the name of a nominal taxon can be determined." Isasalin ba itong ang uri ng species ay specimen at ang uri ng genus ay isang uri...Kung gagamitin ang uri(species) para sa uri(type) ng ibang "uring" genus, paano makikilala ang pagkakaiba ng mga ito kung pare pareho itong gagamitin sa isang artikulo. Aghamsatagalog2011 07:15, 24 Enero 2012 (UTC)Reply
Bakit naman ninyo minove ang artikulo kaagad, wala pang consensus ha. Ikaw lang ang kausap ko dito na gustong ilipat ang artikulo, hindi ikaw ang pamayanan at hindi consensus ang iisang tao. Isa pa wala akong sinabing uri (type) ang ni-link ko ay type (taksonomiya) ayoko pong nilalagyan ako ng salita sa bibig ko.--Lenticel (usapan) 00:20, 25 Enero 2012 (UTC)Reply
Hindi lang ako, kung titignan mo dalawang editor (ako at scorpion prinz) na aktibong nakikipagtalakayan ng pabor sa paggamit ng species sa wp:kapihan. Dalawa rin kayong aktibong editor(ikaw at sky harbor) sa wp:kapihan na pabor sa paggamit ng uri pero sa ngayon, hindi pa rin nasasagot ang mga itinaas na argumento sa wp:kapihan. Eto ang isinulat ko sa wp: kapihan: Kung gagamitin lang batayan ang isang diksiyonaryong tagalog na inimbento ng isang tao, magbibigay ito ng maling impresyon na ito ay may "tiyak" na salin at ang "tiyak" na kahulugan nito ay uri pero ayon dito http://en.wikipedia.org/wiki/Species#Difficulty_of_defining_.22species.22_and_identifying_particular_species, kahit mismong sa mga biologo ay pinagdedebatehan pa rin ang "tiyak" na kahulugan ng species, kaya para hindi magbigay ng maling impresyon sa mga mambabasa dito, mas mabuting panatalihin na lang ang species sa inglesAghamsatagalog2011 02:26, 25 Enero 2012 (UTC)Reply
Sa totoo lang tatlo kami, silipin mo yung summary ni AnakngAraw nung inayos niya ang paglipat mo. Kahit na wala pa si AnakngAraw hindi majority ang 50%
Ayon dito http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Consensus#Consensus-building_in_talk_pages: In determining consensus, consider the quality of the arguments, the history of how they came about, the objections of those who disagree, and existing documentation in the project namespace. The quality of an argument is more important than whether it represents a minority or a majority view. The arguments "I just don't like it" and "I just like it" usually carry no weight whatsoever.Aghamsatagalog2011 05:19, 25 Enero 2012 (UTC)Reply
Simple lang naman ang sagot diyan, ang diksyonaryong "ginawa ng tao" na iyon ay isang sanggunian na verifiable. Mas mabigat iyon sa palagay o original research. Pangalawa, Ignoratio elenchi ang sinabi mo tungkol sa mga biyolohista. Tama na nagkakagulo sila sa depinisyon ng species, pero mayroon ka bang sanggunian na nagpapasabi na mali ang pagsasalinwika ng species?--Lenticel (usapan) 04:52, 25 Enero 2012 (UTC)Reply
Bakit naman bibigyan ng timbang ang isang sanggunian na hindi naman siyentipiko kundi isa lang diksiyonaryo. Kung eksperto sa biolohiya o zoolohiya itong gumawa ng diksiyonaryong sinasabi mo ay hindi ito magbibigay ng isang tiyak na salita para sa isang salitang siyentipiko na kahit sa ingles ay walang tiyak na kahulugan. Wala rin akong sinasabing mali ang pagsasalinwika. Ang katunayan, sinasabi ko sa wp:kapihan na ang pag-iimbento ng tinagalog na kastila ay pinapaboran ng mga nagtatalog ayon sa mga eksperto ng linguistika. Ang tinutulan ko dito ay paggamit ng salitang hindi naman angkop at hindi nabibihag ang tunay na kahulugan ng isang salitang dayuhan.Aghamsatagalog2011 05:19, 25 Enero 2012 (UTC)Reply
Kaya naman pong pagsamahin ang dalawa o higit pang ibig sabihin ng uri gamit ang paglilinaw at paglagay ng impormasyon na magtutukoy ng impormasyon. Kunwari gamitin natin yung nilagay mo sa itaas. Sa soolohikal na nomenklatura, ang [[type (taksonomiya)|type]] ng isang uri (o suburi) ay isang uliran (o serye ng mga uliran), ang type ng isang sari (o subsari)m at ang type ng iasng suprahenikong takson (e.g. pamilya, etc.) ay isang sari. Ang mga pangalan na mas mataas sa superpamilya na rango ay walang type. Ngayon saan dyan umulit ang uri? --Lenticel (usapan) 00:20, 25 Enero 2012 (UTC)Reply
Anong dahilan para gamitin ang ingles na type para sa type(biology) at hindi uri kung mas malawak ito kesa sa spesipikong uring species? Kung gagamitin rin ang iba ibang uri ng hayop para sa different animal species, paano mauunawaan ng mga nagtatagalog na ito ang dapat na kahulugan nito kung ito ay maaari ring pakahulugang different animal types. Hindi tamang magpalagay na alam agad ng mga mambabasa rito na ang uri ay tinutukoy ditong species at hindi type. Aghamsatagalog2011 02:26, 25 Enero 2012 (UTC)Reply
Dahil walang sanggunian na nagsasabi na ang type (biology) ay uri. Maglabas ka ng sanggunian at susundin ko ang payo mo.--Lenticel (usapan) 04:52, 25 Enero 2012 (UTC)Reply
Pero gaya ng pinagpipilitan mo sa taas, meron bang sanggunian na mali ang pagsasalinwika ng type(biology) sa uri?

(indent) en:Argument from ignorance po yan. Ang burden of proof ay nasa inyo.--Lenticel (usapan) 06:41, 26 Enero 2012 (UTC)Reply

Wala akong problema kung ang gusto niyong gamitin ang "type(biology)" dahil ang tinutulan ko dito ay "uri" para sa species. Kahit pa ipagpalagay na ayaw niyong gamitin ang uri para sa artikulong en:type (biology), hindi nangangahulugang ang uri ay dapat ng gamitin sa species. Nasa iyo ang sinasabi mong burden of proof na mas angkop gamitin ang uri para sa species, kesa sa artikulong type (biology). Ang type(biology) ay pamagat rin ng artikulo upang ipakita na ang konteksto ng type dito ang kontekstong ginagamit sa biology, kaya ang salitang type at hindi type(biology) ang ginagamit sa mga pangungusap sa artikulong ito. Dahil "uri" ang salin ng salitang type sa maraming mga diksiyonaryo, bukod pa sa ang uri ang "mas karaniwang" konteksto sa mga talastasang tagalog para sa type, angkop din ang uri para sa "type(biology)" dahil parehas ang konteksto nito sa biology, kaya sa opinyon ko walang masama na isalin ang pamagat na type(biology) sa uri(biology) o uri. Magpakita ka rin muna ng ebidensiya na maling isalin ang type(biology) sa uri dahil hindi uri ang kahulugan nito. Aghamsatagalog2011 19:19, 26 Enero 2012 (UTC)Reply

Alternatibong pangalan (Espesye)

baguhin

Nagsaliksik ako ng iba pang Diksyonaryo at nakita ko na sa UP Diksiyonaryong Filipino na tama din na tawaging espesye ang uri. Mababawasan ang pagkalito ng mga mambabasa at may sanggunian pa itong kasama. Eto po ang cite ng sanggunian
Virgilio S. Almario, pat. (2010). UP diksiyonaryong Filipino (ika-Binagong ed. (na) edisyon). Diliman: UP Sentro ng Wikang Filipino. ISBN 978-971-635-033-3. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
--Lenticel (usapan) 05:04, 25 Enero 2012 (UTC)Reply

Kung yan ang gusto niyo, papayag ako dahil mas mabuti na gumawa na lang ng bagong salita kesa gumamit ng maling salin.Aghamsatagalog2011 05:24, 25 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung ayos kay Scorpion prinz, Sky Harbor o AnakngAraw ay okay na ako sa paglipat dito. Ayos lang naman ako sa may sanggunian na bagong salita. Nabubuhay ang isang wika dahil sa pagimbento ng mga bagong salita.--Lenticel (usapan) 05:57, 25 Enero 2012 (UTC)Reply
O sige gawa na ako ng straw poll para mas malinaw
Parehong nakalahok sa UP Diksiyonaryong Filipino ang "espesye" at "species". Ginagamit din nito ang "sari" /sa·rì/ sa biological na pagpapakahulugan, kaya ang "biodiversity" ay "saribuhay" sa lahok nito. Mas kikiling tuloy ako sa paggamit ng "sari." --Scorpion prinz 01:34, 26 Enero 2012 (UTC)Reply
Kasalukuyang ginagamit ang "sari" para sa genus, ayon sa paggamit ng English-Tagalog Dictionary ni Padre English. --Sky Harbor (usapan) 08:54, 26 Enero 2012 (UTC)Reply
Sa UP Diksiyonaryong Filipino, ang sari ay sa pagpapakahulugan sa "species". --Scorpion prinz 17:55, 26 Enero 2012 (UTC)Reply

Espesye

Uri

Kung gagamitin rin lang ang uri (espesye) sa lahat ng artikulo upang ibukod ito sa uri(biology), bakit kailangan pang gamitin ang uri kung pwedeng gamitin na lamang ang species o espesye kung yan ang gusto niyo. Hindi rin ginagamit ang type species para tukuyin ang species sa ingles wp sa karamihan ng mga artikulo http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=Special%3ASearch&profile=default&search=species&fulltext=Search kaya walang saysay na gamitin rin ang uri (espesye) para tukuyin ang species. Kung papansinin, ang type(biology) ay sa pamagat lang ginamit dahil ang salitang type at hindi type(biology) ang ginagamit sa mga pangungusap ng artikulong ito malibang kung ang tinutukoy ang spesipikong type species o type genus, kaya wala ring saysay na gamitin ang uri(biolohiya) sa lahat ng mga artikulo maliban sa pamagat nito.Aghamsatagalog2011 19:29, 26 Enero 2012 (UTC)Reply
Tama! Kung hindi tayo tiyak sa katumbas nito sa wika natin, bakit tayo natatakot gamitin ng tuwiran ang mga salitang ito, sa ganitong paraan sigurado na tayo. --Scorpion prinz 23:48, 26 Enero 2012 (UTC)Reply
    • (palagay na lamang ng signature ninyo)
  • Di Sang-ayon

Species

Patuloy na pag-aaral at pagsasangguni

  • Sang-ayon
    • -- Alternativity 01:49, 26 Enero 2012 (UTC) Palagay ko'y kailangan pa nating pag-muni-munihan ito. Tanggap ko ang paggamit sa ngayon ng salitang "Espesye", nais kong panatiliing bukas ang usapang ito, at iminumungkahi kong maglagay din tayo ng tophat para sa mga konseptong katulad nito kung saan di natin lahat matunton ang wastong salin ng salita sa Wikang Tagalog.Reply
    • -- Lenticel (usapan) 03:23, 26 Enero 2012 (UTC) Basta ba me sanggunian ay ayos ako diyan. Kung may makikita kayong bagong info at mailalagay ninyo dito eh di mas mainam.Reply
Payag ako kung ito ay galing sa eksperto(zoolohista) ng paksa. Ayon dito http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Identifying_reliable_sources#Self-published_sources_.28online_and_paper.29: Self-published material may be acceptable when produced by an established expert on the topic of the article whose work in the relevant field has previously been published by reliable third-party publications.Aghamsatagalog2011 03:31, 26 Enero 2012 (UTC)Reply
Dito tinukoy ang "species" bilang "species" sa isang pag-aaral sa Ateneo de Naga.--Scorpion prinz 18:03, 26 Enero 2012 (UTC)Reply
Di ko po mabuksan ang pahina :( --Lenticel (usapan) 05:25, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Na-open ko na at ito lamang ang mga napansin ko
  1. nakaitalics ang mga salitang hiram sa artikulo. Kasama na dito ang species
  2. Ang hindi na italics na species na entry ay ang pagsasaingles ng "hayop" papuntang "species" hindi pagsasatagalog ng "species" papuntang "hayop".--Lenticel (usapan) 05:49, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
    • (palagay na lamang ng signature ninyo)
  • Di Sang-ayon
    • (palagay na lamang ng signature ninyo)

Phylum, Genera, etc

baguhin

Maliban po sa Uri o Espesye o Species, kailangan din po nating talakayin ang Phylum, Genera, etc... saang dako po ba tayo tutungo para pag-usapan ito? :D - Alternativity 21:43, 26 Enero 2012 (UTC)Reply

Sa akin lang kasi, kung di natin matukoy ang katumbas nito, bakit di ito gamitin sa ganitong anyo? Sa ganitong paraas tiyak na tayo. --Scorpion prinz 23:50, 26 Enero 2012 (UTC)Reply
Ayos lang sa akin ang Phylum at Genera kung walang katumbas ang mga ito sa mga sanggunian. Ang pagtutol ko ay sa Species lamang kung mayroon namang salitang "Espesye" sa mga sanggunian. Ngunit palagay ko, kailangan natin ng masusing paghahanap sa mga sanggunian ng mga salitang katumbas ng mga ito. - Alternativity 04:34, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung gusto nating maging "safe" mas mainam na gamitin ang Latin o Griyego na pangalan (halos magkapareho naman anyways sa Ingles). Katulad ng pangalang siyentipiko ng niyog na Cocos nucifera. Kahit saang parte ng mundo Cocos nucifera pa rin siya pero iba lang ang lokal na salin.--Lenticel (usapan) 05:38, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Ay. Ang ibig kong sabihin ay yung mismong salita para sa Phylum, Genera, etc. - Alternativity 09:24, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Ang Phylum naman eh talagang latin na in the first place kaya okay lang sa akin yun. Genus nga lang para sa Genera. Anyways, ang mga latin na pangalan ng mga salitang iyan ay nakasaad sa Wikipedia:Gabay sa Istilo (Taksonomiya).--Lenticel (usapan) 09:32, 27 Enero 2012 (UTC)Reply

Biodiversity

baguhin

Heto pa'ng isa. Ang biodiversity ba ay laksambuhay tulad ng nakasaad sa Biolohiya, o saribuhay tulad ng nakasaad sa UP Diksiyonaryong Filipino? - Alternativity 04:39, 27 Enero 2012 (UTC)Reply

Sabi sa diksyonaryo eh saribuhay daw.--Lenticel (usapan) 05:22, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Saribuhay (sari+buhay) ang nakalagay. Di lang ako nakasisiguro kung ito'y isa sa mga salita na kinatha ng Gregorio Araneta University Foundation (GAUF) na naghubog ng mga salitang sipnayan, dagitab, atbp. na di-likas at di-laganap kaya hindi ako panatag na gamitin. Nais ko lang malinawan sa pagtutol sa Ingles.
Sa akin, kung di-likas ang isang bagay sa wika o kultura natin kailangan natin tignan ang dayuhang salita na mas makikilala, sapagkat kung pipilitin i-Español ito, bakit ang computer at tricycle ay sa bigkas Ingles at hindi computadora at trisikleta, kahit pa ang "bicycle" ay bisekleta na sa atin? Ang alam ko dito, ay tinitignan sa dayuhang salita ay mas ginagamit. --Namayan (Scorpion prinz) 08:18, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Malabo nga pero ayon sa en:Tagalog language eh nag-evolve ang Tagalog na may mas maraming Espanyol na hiniram na salita kaya siguro sinusunod natin ang pagi-Espanol. Palagay lang ha, pero mas mainam na kumain ng salitang dayuhan ang Tagalog kesa hindi. Kung titignan mo eh lalong umuunlad ang mga Wikang Hapon at Ingles dahil sa pagkain ng mga salita galing sa labas. Kung wala iyon eh maaaring King James Version na salita pa rin ang Ingles na binibigkas natin.--Lenticel (usapan) 09:29, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Medyo dito ako tumututol na kaunti. Mainam na maghiram ang wika ng salita. Gayunpaman, kung may umiiral na salita sa leksikon (ibig sabihin, sa diksiyonaryo), hindi dapat binabaliwala iyon. Ang problema kasi sa usapang ito ay kapag may isang salita na 'di-karaniwan na nasa diksiyonaryo, agad nating sinasabi na "makaluma" ito, wala sa konteksto, atbp., at agaran tayong humihiram mula sa Ingles. Hindi dapat nating ineenganyo ang ganoon. Gayundin, dapat hindi lang tayo nakatuon sa UPDF bilang pinagmulan ng leksikon: sangkaterba ang diksiyonaryo sa Tagalog/Pilipino/Filipino, at dapat patas ang pagbibigay ng pansin dito. --Sky Harbor (usapan) 15:20, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Sang-ayon ako sa paggamit ng "likas na katutubong" salita, ngunit tutol ako sa paggamit ng nilikhang salita, dahil magbubunsod ito ng paglikha rin ng salita o konsepto dito sa Wikipediang Tagalog, na ang manunulat lamang ang pawang makakaintindi ng pakay nito. May pinanghahawakan akong natutunan ko nung nag-aaral pa ako, "You write to be understood, and not merely to impress". Hindi dapat tayo nakatuon sa isang sanggunian, kaya dapat natin ilatag kung ano ang mga ito, ngunit di-nangangahulugan lilimitahan natin ang ating sarili sa mga ito, payabungin natin ang mga ito. Di natin makakaila na ang UPDF ay mahusay na tinukoy ang mga Sinaunang Tagalog [ST] na salita, na sa aking pananaw di rin dapat natin ito ginagamit. Dahil magkakaroon naman ng limitasyon ang pagyabong ng wika natin, na isang natural na katangian na di natin dapat pinipigilan. Unawain kung ang mga pinapakitang katumbas na salita mula sa dayuhang wika ay may kahulugang eksaktong katumbas na kahulugan din sa wika natin, at di pawang "generalized" na pantukoy lamang. Dahil ibabalik ko ang tanong bakit ang "computer" at "tricycle" ay tanggap natin sa anyo/bigkas na Ingles? --Namayan (Scorpion prinz) 16:32, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Gaya ng sinasabi ko sa kapihan, dapat ang opinyon natin ay sinusuportahan ng mga eskperto ng linguistika. Ayon sa mga eksperto ng linguistika ang katutubo ay hindi pinapaboran ng mga nagtatagalog kesa sa panghihiram ng dayuhang salita. Ebidente rin sa itaas na ang uri ay katutubong salitang nasa diksiyonaryo para sa species pero karamihan ng mga editor dito ay hindi pabor sa uri kundi sa espesye. Dahil iba iba ng kuro kuro ang mga editor dito, ang dapat bigyan lamang ng timbang ayon na rin sa http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Neutral_point_of_view ang mga opinyon na sinusuportahan ng mga ebidensiya at eksperto ng linguistika upang malutas ang mga alitan at salungatang paniniwala: Neutrality requires that each article or other page in the mainspace fairly represents all significant viewpoints that have been published by reliable sources, in proportion to the prominence of each viewpoint. Giving due weight and avoiding giving undue weight means that articles should not give minority views as much of or as detailed a description as more widely held views. Generally, the views of tiny minorities should not be included at all. For example, the article on the Earth does not directly mention modern support for the Flat Earth concept, the view of a distinct minority; to do so would give "undue weight" to the Flat Earth belief.. Iba iba rin ang mga diksiyonaryong tagalog sa pagsasalin gaya ng uri at espesye kaya ang dapat rin lamang bigyan ng timbang sa mga ito ang sinusuportahan ng mga eksperto ng linguistika o eksperto ng paksa gaya ng mga zoolohista sa kaso ng talakayan dito. 17:05, 27 Enero 2012 (UTC)

Close na ang usapan at ilipat ang pangunahing diskusyon sa WP:Taksonomiya?

baguhin

Medyo stressful na usapan natin dito pero may napatunguhan naman. Okay na ba kayo sa espesye na i-move itong pahina na ito tutal majority na naman?

Gusto ko sanang simulan na natin ang pagsasaayos ng WP:Taksonomiya

Eto na simula kong mungkahi:

  1. Latin ang gamitin kung walang sanggunian matatagpuan na naglalarawan ng terminong tagalog
  2. Kung may sanggunian, dapat gawa ng eksperto sa etimolohiya gaya ng Sentro ng Wikang Filipino o eksperto sa taksonomiya o soolohiya gaya ng mungkahi ni Agham
  3. Wag gamitin ang Ingles, galing rin naman yun sa Latin so alang sense na isalin ito kung andito naman ang orihinal.--Lenticel (usapan) 06:09, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Ah! Ayun pala naman ang wastong lugar para sa usapang ito, eh. Maaari mo bang simulan ang usapan sa Usapang_Wikipedia:Gabay_sa_Istilo_(Taksonomiya), Lenticel? Hindi ako sigurado kung paano natin sisimulan ito. - Alternativity 09:27, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
ayos na :) Maglalagay din ako ng redirect sa kapihan.--Lenticel (usapan) 09:48, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Panatalihin na lamang ang latin kung ang isang salita ay ambiguous o maraming kahulugan. Halimbawa, tutol ako sa paggamit ng sari dahil ito ay maaaring pakahulugang sari sari o variety kaya panatilihin na lang ang genus. Ayon dito http://en.wikipedia.org/wiki/Genus There are no hard and fast rules that a taxonomist has to follow in deciding what does and what does not belong in a particular genus. Aghamsatagalog2011 17:18, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Ang hindi ko naiintindihan dito ay bakit nating pinipilit na ituon ang kahulugan ng isang salita sa hinihinalang "karaniwang" kahulugan lamang nito. Imposibleng magkaroon ang lahat ng mga salita sa Tagalog ng isahang pagtatambal (one-on-one correspondence) sa isang salita sa Ingles: ayon sa isang pag-aaral, mas nagiging episiyente ang isang wika kapag ito ay hindi malinaw. Posibleng magkaroon ang isang salita ng maraming kahulugan, na naging halimbawa sa mga salita tulad ng "uri", na ayon kay Padre English (isa sa mga pangunahing mananaliksik ng wikang Tagalog) ay may higit 16 na kahulugan. Hindi ako tumututol na maaari pang paglinawan ang pamagat ng artikulo, ngunit hindi ko alam kung bakit idinidiin natin ang pagtatambal ng isang salita sa Tagalog sa isang kahulugan lamang mismo sa Ingles. --Sky Harbor (usapan) 22:55, 27 Enero 2012 (UTC)Reply
Dahil ang sinusunod dito ang konbensiyong sinusunod ng mga biolohista. Kung sa ingles wp ay tinutukoy din ang species na type kahit may type(biology), wala akong problemang gamitin rin ang uri para sa species kahit may artikulong uri(biolohiya). Pero hindi ito ang kaso dahil sa maraming artikulo ay hindi tinutukoy ang species na type species at lalo namang hindi type kaya walang saysay na labagin ang konbensiyong ito ng mga biolohista. Hindi mailalapat dito ang simpleng paggamit ng uri dahil ang type ay hindi ginagamit ng mga biolohista para sa species.Aghamsatagalog2011 00:28, 28 Enero 2012 (UTC)Reply
Tama si Sky Harbor may salitang iba't-ibang kahulugan, walang kaso rito, hanggang wasto ang tinutukoy nito gaya ng buwan (moon), buwan (month), araw (sun), araw (day) at marami pang iba. --Namayan (Scorpion prinz) 00:33, 28 Enero 2012 (UTC)Reply
Hindi tayo marunong pa sa mga ekspertong biologo(biolohista) kaya't walang saysay na labagin ang konbensiyong sinusunod nila. Hindi pwedeng gamitin ang uri para sa salitang species kung ito ay babangga sa uri na type(biology). Gaya ng halimbawa ko sa taas, ang iba ibang uri ng mga hayop ay nakalilito sa mga nagtatagalog dahil ito ay maaaring mangahulugang different animal species(ayon lamang sa may-akda ng diksiyonaryong nagsalin ng uri=species) at different animal types(na mas nauunawaan ng karamihang nagtatagalog).Aghamsatagalog2011 00:56, 28 Enero 2012 (UTC)Reply

(indent) hayz, kala ko ba napagusapan na natin ang mga logical fallacies na ito last time. Ayoko nang ulitin ang sinabi ko.--Lenticel (usapan) 01:22, 28 Enero 2012 (UTC)Reply

Ang opinyon niyo o ko ay walang timbang dito kung hindi ito inaayunan ng mga biologo.Aghamsatagalog2011 01:23, 28 Enero 2012 (UTC)Reply
Tanong, ang mga linguistiko ba ay minority?--Lenticel (usapan) 01:25, 28 Enero 2012 (UTC)Reply
Ang mas matimbang dito ang eksperto ng biolohiya kesa sa sino pang linguistiko. Pupunta ka ba sa abogado o linguista kung meron kang sakit?Aghamsatagalog2011 01:27, 28 Enero 2012 (UTC)Reply
Ang biyologo ay hindi isang lingguwistiko. Paano naging mas matimbang ang opinyon ng isang biyologo sa larangan ng wika kaysa sa isang lingguwistiko, kahit kung pinag-uusapan natin ang isang aspekto ng kaniyang larangan kung saan hindi siya makata o eksperto? --Sky Harbor (usapan) 14:28, 28 Enero 2012 (UTC)Reply
Dahil ito ang nasa patakaran ng http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Identifying_reliable_sources#Scholarship: When available, academic and peer-reviewed publications, scholarly monographs, and textbooks are usually the most reliable sources.. Ang mga nasa diksiyonaryo ay hindi rin naglalaman ng mga detalye para maunawaan ang buong konteksto ng paksa. Hindi ka rin pwedeng sumalig lang sa isang diksiyonaryo kung gusto mong maging biologo o doktor o inheryeryo. Aghamsatagalog2011 18:55, 28 Enero 2012 (UTC)Reply
Hindi ako aayon sa "uri". Hindi likas ang pagtalakay ng "species" sa kulturang Pilipino, kaya dayuhan ang konsepto ng "species" sa atin. Maaaring itinumbas ito sa "species", at tama kung gagamitin sa pangungusap kapag ipapalit ang "uri" sa species ngunit ang "uri" ay walang sapat at tugmang kahulugan na maglalarawan sa "species". Sa kadahilanang ito kailangan manghiram, sa panghihiram, bakit natatakot manghiram sa Ingles, kung alam naman natin lahat kung ano ang "species", dahil ang katotohanan ay itinuturo sa atin ang paksang ito sa Ingles. Dahil ibabalik ko lang ang tanong, bakit natin hiniram ang "tricycle" at "computer" sa anyong Ingles? Mababaw na dahilan ang sabihin na nagkataon ito, ang nakikita kong rationale dito, ay ang mga konseptong naipakilala (generally) sa Ingles na anyo.
Hindi makakaila na ang diksiyonaryo ay talaan ng mga salita, ang mga lingguwistiko rin ay hindi nagkakaisa kaya ang mga lahok dito ay may sa anyong Español at anyong Ingles. The truth of the matter is, ang mga alagad ng siyensiya ay gumagamit rin ng diksiyonaryo, lalo na sa pagsasalin nito. At gaya ng mga nasa UP Manila-PGH na nagsisimulang maglathala sa Filipino, hindi sila gumagamit ng mga salita o katagang walang sapat na kahulugan kapag isinalin kaya direkta silang humihiram sa Ingles, lalo't hindi laganap ang isina-Tagalog na Español na katumbas nito. Ipagpaumanhin ninyo wala akong permiso upang ilabas ang nilalaman nito dahil hindi pa nila naikukuha ng karapatang-ari ito. --Namayan (Scorpion prinz) 01:00, 29 Enero 2012 (UTC)Reply
Saan ang ebidensiya na hindi laganap ang tinagalog na kastila? Ayon sa mga linguista, mas maraming hiram na kastilang tinagalog kesa sa malay at lalo namang sa ingles. http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Tagalog_loanwords.Aghamsatagalog2011 01:55, 29 Enero 2012 (UTC)Reply
Maraming hiniram sa Español, pero hindi lahat, lalo na ang karamihan sa mga bagong salita. Ebidensiya? It's the truth of the matter. Sorry to say, pero hindi lahat ng lingguwistiko ay nagkakaisa rin naman, kahit pa ang mga komisyoner sa KWF. --Namayan (Scorpion prinz) 05:31, 29 Enero 2012 (UTC)Reply
Pakibasang mabuti ang http://en.wikipedia.org/wiki/Wikipedia:Neutral_point_of_view para maunawaan na ang mga opinyon ay hindi katotohanan(facts).Aghamsatagalog2011 18:05, 29 Enero 2012 (UTC)Reply
Alam ko na yan 2003 pa. --Namayan (Scorpion prinz) 23:39, 29 Enero 2012 (UTC)Reply
Para sa akin, ang nagiging problema sa inyong dalawa ay nakakalimutan niyo na hindi lamang yumayaman ang wika sa deretsahang paghihiram (loanwords), at pawang nagiging usapan lang ito sa kung mas mahalaga ang mga hiram na salita mula sa Espanyol o Ingles. Umiiral din ang mga paraan tulad ng pagka-calque (hiram na pagsasalin o loan translations), semantikong paghihiram (semantic loans), atbp, na may kaniya-kaniyang marka hindi lamang sa ating wika, kundi rin sa anumang wika. Kaya dito mahigpit kong idinidiin ang halaga ng sanggunian (lalo na ang diksiyonaryo kapag salita ang pinag-uusapan) sa talakayang ito: dahil konsistensi man o wala (at ang diksiyonaryo, kahit kung anong wika pa iyan nakasulat, ay hindi magkakapareho), iyan pa rin ang tinataguriang pinagmulan ng ating leksikon, at iyan ang nagsisilbing kalipunan ng lahat ng mga salitang umiiral sa wikang Tagalog. Maaaring punto ito ng Wiktionary: na maging kalipunan ng lahat ng mga salita sa Tagalog kahit kung saan pa ito nagmumula. Ngunit hindi na ako tumutuon sa paksa ng usapang ito.
Uulitin ko ulit ang punto ni Lenticel: mahalaga ang sanggunian (at hindi lamang ang pagsasangguni ng mga patakaran ng Wikipedia). Paumanhin, ngunit hindi sapat ang patakaran upang kumbinsihin ang mga iba kung maaari pa iyon sa ganitong uri ng usapan. Gayundin, tandaan po natin na ang Wikipedia ay isang ensiklopedya: may tungkulin tayo sa ating mga mambabasa, ngunit may tungkulin din tayo na bigyan ng hustisya ang ating wika: pormal ang wika ng isang ensiklopedya, at dapat umaayon din sa iyon ang Wikipedia. Huwag po sana tayo maging WikiFilipino.
At para masagot ko na ang tanong na umiiral: tandaan na naging konsepto ang traysikel at dyipni dahil nagmula ito sa impluwensiya ng mga Amerikano at, sa talakayang iyon, naging dominante ang ingles. Gayunpaman, hindi ibig sabihin iyon na dahil lamang naging laganap ang impluwensiya ng Ingles, dapat babaliwalain natin ang mga salitang nagmula sa Espanyol, o kaya rin ang mga hiram na salin o semantikong pagsasalin sa mga katutubong wika ng Pilipinas. Hindi ako naniniwala na ang paghihiram ng salita lamang mismo ang nag-iisang katanggap-tanggap na paraan ng pagyabong ng mga wika, at hindi lahat ng mga likhang salita ay mula sa Pamantasang De La Salle Araneta (ang pag-uuri ng lahat ng mga calque at semantic translation bilang mga saling nagmumula sa GAUF ay isang 'di-katanggap-tanggap na heneralisasyon kung saan inaalipusta natin ang kakayahan ng ating wika na yumaman nang hindi total ang pag-aasa nito sa Ingles o anumang wika). And this is one of the central faults of the so-called "universal approach" of Filipino in my opinion: that it unduly gives sole preference to loanwords as a means of enriching a language without giving any consideration to other means of language development and enrichment, and also gives undue preference to tying words to having a so-called "native" concept as if words cannot be calqued to have new meanings which can be attached to native words or even loanwords (halimbawa: ang tiheras ng Espanyol ay hindi "gunting"). --Sky Harbor (usapan) 15:14, 30 Enero 2012 (UTC)Reply
Ang problema sa paggamit lamang ng mga diksiyonaryo ay kahit ang mga diksiyonaryong ito ay hindi magkakasundo sa pagsasalin ng mga salita gaya nga ng uri vs. espesye. Ang tanong ko sa inyo, bakit napagpasyahan niyong uri ang dapat gamitin(bago ang nangyaring usapan dito) kung makikita rin sa ibang diksiyonaryo ang espesye para sa species. Anong dahilan para mas bigyan ng prioridad ang isang diksiyonaryo kesa sa iba? Tingnan rin ang punto ko sa Usapan:Agham na porensiko na inulit ko lang mula sa kapihan.Aghamsatagalog2011 18:58, 30 Enero 2012 (UTC)Reply
Walang diksiyonaryo ang pinapaboran dito: patas ang tingin sa lahat ng mga diksiyonaryo, Tagalog, Pilipino o Filipino man, sa Wikipediang Tagalog. Gayundin, walang saysay ang argumento na "hindi magkakasundo sa pagsasalin" ang mga diksiyonaryo: likas ang kawalan ng pagkakasundo sa anumang diksiyonaryo sa anumang wika: hindi ito isang pangyayari na natatangi lamang sa Tagalog. Sumusunod din kami sa WP:SALIN at Wikipedia:Pamantayang pangwika, na sinang-ayunan ng pamayanan: kung may katutubong katumbas (na matatagpuan sa diksiyonaryo) ang isang salita, iyan ang ginagamit, lalo na kapag ito ay mga salitang iniisip natin na walang katumbas, ngunit iyon pala, mayroon. --Sky Harbor (usapan) 19:46, 30 Enero 2012 (UTC)Reply
Kung ipagpipilitan niyong ang dapat gamitin ay mas katutubo, maraming mga salitang gaya ng salumpuwit, salipawpaw, bathala na mga katutubo pero hindi ginagamit sa mga artikulo dito. Bakit hindi niyo pinalitan ang upuan ng salumpuwit o eroplano ng salipawpaw o bathala ang diyos. Gaya ng sabi ko, ang pagbibigay prioridad sa katutubong salita na hindi na ginagamit ay labag sa pagsasaliksik ng mga eksperto ng linguistika(na ayon sa mga eksperto, ang katutubo ay hindi dapat bigyan ng prioridad kesa sa karaniwan at hiram na dayuhang salita) at patakaran ng wikimedia na paggamit ng mga karaniwan at natural na salita.
Sabi mo sa itaas: Uulitin ko ulit ang punto ni Lenticel: mahalaga ang sanggunian (at hindi lamang ang pagsasangguni ng mga patakaran ng Wikipedia). Paumanhin, ngunit hindi sapat ang patakaran upang kumbinsihin ang mga iba kung maaari pa iyon sa ganitong uri ng usapan.,
pero pagkatapos lang ng ilang minuto, eto naman ang sinabi mo:
Sumusunod din kami sa WP:SALIN at Wikipedia:Pamantayang pangwika, na sinang-ayunan ng pamayanan:. Gaya ng sinasabi ko, ang consensus ay hindi hindi mababago kaya isang sirkular na pangangatwiran ang pagtukoy rito ng patakaran sa wp tagalog kung ito ay tinutulan nga ng ibang mga editor. Kahit papaano, ang patakaran sa wp ingles ay magagamit dahil ito ay pinagpasyahan ng mas maraming mga editor sa paglipas ng matagal na panahon hindi gaya ng wp tagalog na ilang mga editor lang(o sa kaso ng ibang patakaran ay isang tao lang) ang gumawa ng mga ito. Sinasabi niyo wala akong sanggunian para sa opinyon ko pero nagbigay ako ng dalawang sanggunian sa Usapan:Kapihan na ang mga katutubo ay hindi dapat bigyan ng prioridad ayon sa mga eksperto ng linguistika. Ngayon saan naman ang mga ebidensiya niyo ng mga linguistiko na dapat mas bigyan ng prioridad ang katutubo kesa sa karaniwang tagalog o dayuhang salita? Paulit ulit kong hinihingi ito sa kapihan pero hanggang ngayon ay wala pa rin kayong maipakitang sanggunian para sa opinyon niyong ito. Eto ang mga sanggunian ko: 1. Studies in Philippine Linguistics 2. Studies in Philippine Linguistics, The Elaboration of a Technical Lexicon of Pilipino, pahina 32ff at 44ffAghamsatagalog2011 19:54, 30 Enero 2012 (UTC)Reply
Allow me to respond in English, as it allows me to be more stern in tone, and also because I am becoming increasingly incapable of assuming good faith on your part.
First of all, words like salungpuwit are not found in most dictionaries and are not considered "native" Tagalog words. Stop using those absurd examples as a means of undermining the existing policy: never has it been, and never will be, the intention of the Tagalog Wikipedia to use words invented by GAUF which have seen very limited use (excluding salipawpaw, which I have told you before is used in the Air Force), and never is it the intention of the policy to deliberately befuddle and confuse readers. I have given you sources which proves the point of the policy: that anarchic use of Tagalog is counterintuitive to the idea of an intellectual Tagalog (and I have given you another source below), so I do not see how you think we're not answering your points with sources of our own. It is also NOT a policy of Wikimedia that we use so-called "common, natural language" (this is something determined by the individual projects, and this is exactly what the Tagalog Wikipedia did), and furthermore, it is fallacious to presume that words which exist in the lexicon are not "common, natural language": granted, they are not common, but it does not mean that they are natural. The "common, natural language" you speak of is the language of the street: a language whose vocabulary is but a fraction of the existing rich corpus of words which Tagalog has, and if you want to equate this to Taglish, then it's a standard which is not well-defined and any attempts at defining it are beyond the scope of any Wikimedia project. To prevent people from trusting their dictionaries simply because you have no faith in them, and to undermine the policy by calling it a "convenient excuse" also undermines the fact that this is something that has been discussed before and is continually discussed, and is something that people have agreed upon.
Second, I cannot accept your sweeping generalization that all other editors (as you seem to imply) are opposed to the existing order. Granted, both you and Namayan are very vocal in their opposition to the existing policy, but without any concrete proposals which seek to address the inefficiencies of the existing order outside of Wikipedia (meaning, your "common, natural language" which is akin to the language of the street), the existing corpus of policy is better than no policy at all. I find it extremely difficult to accept that you think Filipinos can be so inutile that they cannot use their dictionaries and look up words which are not used in everyday speech, and you essentially want the Tagalog Wikipedia to dumb down its content just so we can make it more "comprehensible" to them? I find that an affront to the intelligence of the Filipino people, and furthermore, it is an insult to what the national language of the Philippines can become. Wikipedia can become a vital tool in intellectualizing the national language, but to promote anarchy (to repeat Tinio: "Filipinos' use of language is so anarchic that they often forget that language is classified", meaning into informal [street] and formal [academic] speech) goes against that possibility. Don't think that ambivalence equals opposition: it isn't, and while consensus may change, I find it very rich that you have the gall to claim that because you are opposed to the policy, you can claim that we don't have consensus. That's not necessarily the case here, as far as I'm concerned.
Third, it is fallacious for you to claim that the English Wikipedia's policies reign supreme on the Tagalog Wikipedia. They don't. While most of the editors here on the Tagalog Wikipedia are also editors on the English Wikipedia, the policies of both projects are very different: for example, we have differing standards on notability, different standards on what constitutes a featured article, different processes for handling deletion requests, and the like. English Wikipedia policies are interpreted differently by different editors, so it is wrong for you to presume that just because the policy was more rigorously discussed (naturally owing to the larger community there), they should reign supreme over existing local policy. It had been mentioned before that other Wikipedia editions are not obliged (and should not be forced) to adopt the English Wikipedia's policies (read The Wikipedia Revolution by Andrew Lih for more on this), and if we did, you would not see the growth that the Tagalog Wikipedia is enjoying because of its more relaxed environment. I also find it highly insulting and very rich (especially coming from someone like you, who only started editing in September 2011) that you claim there's a cabal on the Tagalog Wikipedia which imposes policy upon the projects: there isn't, there never was, and there never will be such an institution in this project.
Inasmuch as I agree that there's a lot of room for compromise on the matter of what direction the Tagalog Wikipedia should take in the future, I have yet to see anything on your part that would ensure that we fulfill our mission of providing information to readers and ensuring that the Tagalog Wikipedia be a viable medium for the further propagation of Tagalog as a language of effective discourse and intellectual inquiry. There is a reason why we impose a minimum standard as to how people should write: consistency makes articles easier to read, and when there's a word people don't understand, they can look it up in a dictionary or search for what it means on the Internet. This is something that we have to keep in mind: that the language of the street has already been criticized for not doing enough to "intellectualize" Tagalog (see The Metamorphosis of Filipino as National Language by Rubrico), and now you want it here on the Tagalog Wikipedia? I cannot accept that.
While it can be argued that your crusade to make the Tagalog Wikipedia more understandable is noble, I find it increasingly difficult to accept this position if you will continue to school other editors about English Wikipedia policy (especially if we know what the policy is, given that almost everyone who has participated in this discussion joined Wikipedia well before you did) and claim that your sources are superior when others have given competing evidence which goes against your position, insult them by claiming that there's a cabal on the Tagalog Wikipedia which imposes policy for other users to blindly follow, and then claim that consensus is on your side because the English Wikipedia says so, and in the process go ahead with invalidating the Tagalog Wikipedia's policies based on the absurd claim that the English Wikipedia's policies are like the Philippine Constitution: that they are the supreme law of all Wikimedia projects, when in fact they are not (and Jimmy Wales said this when the first non-English Wikipedias were set up).
This is probably the longest I have gone to discuss this issue, and this will probably be my last comment on this matter as I have become increasingly disillusioned with finding an amicable solution in the absence of any assumption of good faith on your part. I will probably continue discussing it if I'm in the mood to do so, but for once, please assume good faith on the part of other editors. I have given you a lot of good faith as it is, and perhaps other editors have done so as well without you reciprocating it. Assuming good faith is not hard to do, and not doing so is an affront to what Wikipedia is: a community. Thanks. --Sky Harbor (usapan) 20:58, 30 Enero 2012 (UTC)Reply
Hindi kita sasagutin sa ingles dahil ito ay nagpapatunay lang ng punto ko na hindi mo magamit ang mga katutubong salita na pinagpipilitan mo rito. Simple lang naman ang hinihingi ko sa inyo para maulutas ang pagkakaiba ng mga opinyon niyo sa akin o kay namayan. Saan ang ebidensiya ng mga eksperto ng linguistika na dapat mas katutubo ang bigyan ng prioridad sa tagalog kesa sa karaniwang salita o dayuhan(gaya ng ingles at kastila)? Hindi rin ako magtataas ng bangko dahil nasa ibang tao ang paghatol sa mga kontribusyon ko. Hindi rin basehan sa pagbibigay ng mas mataas na opinyon rito ang kung sino mas matagal rito sa wp tagalog dahil wala sa patagalan ng panahon ang kredibilidad kundi sa mga nagawa. Kahit ang isang pangulo ay nakaupo ng ilang dekada kung ito ay inutil at walang nagawa ay walang halaga ang bilang ng mga taong iniluklok niya sa posisyong ito. At kahit na magkakaiba tayo ng opinyon dito, napansin ko na pare parehas tayong umaayon na dapat bigyan dito ng prioridad ang mga sanggunian o mga ebidensiya. Sa totoo lang walang mawawala sa akin kung tumigil na ako sa pageedit dito dahil ginagawa ko lang ito bilang hobby sa libreng panahon ko. Kung magagawa niyong magsalin ng buo sa tagalog ng mga teknikal na artikulo sa ingles wp, titigil na ako pero sa nakikita ko dalawang editor lang ang nakagagawa at may kusang gumawa nito: ako(http://tl.wikipedia.org/wiki/Natatangi:Mga_ambag/Aghamsatagalog2011) at si anakngaraw(http://tl.wikipedia.org/wiki/Natatangi:Mga_ambag/AnakngAraw). Kaya rin ako naging obligadong maging regular mula 2011 dahil sa nakikita kong kawalan ng mga artikulong teknikal o matematikal para sa mga kababayan nating hindi naman mahusay sa ingles. Hindi rin ako bago rito dahil matagal na akong nag-aambag rito o sa ingles wp ng anonimo/ibang pangalan kaya hindi masasabing hindi ko alam kung paano ang pagtakbo ng wp tagalog/ingles. Aghamsatagalog2011 21:27, 30 Enero 2012 (UTC)Reply

Mas masaya sana ito kung naglalabas kayo ng sanggunian. Sa totoo lang mas natutuwa akong makipagdebateng intelektual kay Namayan dahil naglalabas siya ng sanggunian at nagkakaroon naman ng negotations at progress, di lang kwento at balikong lohika. Pasensya na kung brutal ako pero kung isa itong thesis defense eh matagal na itong tapos. --Lenticel (usapan) 02:42, 30 Enero 2012 (UTC)Reply

Hindi ko alam kung lohikal ang lohika mong reliable ang paggamit ng mga diksiyonaryo(hindi naman siyentipiko at hindi rin sinulat ng mga biologo) na may iba't ibang salin(uri vs espesye) para maunawaan ang biolohiya. Ikaw rin lang ang nagsasabing baliko ang lohika ko pero hindi mo naman masaad kung anong baliko rito. Mahilig ka ring magbanggit ng mga logical fallacies pero puro en:ad hominem ang ginagawa mo rito at tama ka, tapos na rin sana ang usapan kung hindi ka mahilig gumawa ng mga bagong seksiyon pag hindi nasagot ang mga argumento ng katunggali mo sa nakaraang mga seksiyon.Aghamsatagalog2011 02:51, 30 Enero 2012 (UTC)Reply
Nagpunta pa nga ako sa opisina ng Komisyon sa Wikang Filipino para maghanap ng Suriang Pang-Agham. Wala pala silang tinda ngayong diksyunaryo doon. Minsa'y dadaan ako't bibili sa Diliman. Hayz. - Alternativity 22:46, 30 Enero 2012 (UTC)Reply
Ala pa yung bagong edition Alternativity pero avialable pa rin yung luma IMO. --Lenticel (usapan) 05:39, 16 Pebrero 2012 (UTC)Reply
Ipagpaumanhin niyo ang aking matagal na pagkawala na mukhang magpapatuloy pa hanggang Mayo, dahil sa aking pagtuon sa mga proyekto ng WMPH kasama rito ang binabalangkas na Philippine WikiCongress kasunod ng Taunang Pagpupulong ng samahan.
Ngunit sa puntong ang mga diksiyonaryo ba ay mainam na maging sanggunian? Ang aking pagkakaalam may pinagbabatayan din ang mga may-akda nito mula sa iba't-ibang sektor, maliban na lang kung ito'y tila akda lang ng iisang tao na di man lang kinikilala ng mga institusyon sa batikan sa larangan. Ngunit kahit mismo ang mga diksiyonaryo ay nagkakaiba ng mga terminong ginagamit, kapag ganito ang sitwasyon, mangyaring ilabas ang mga surian at pag-usapan ang pipiliin dito. At kung, may maipapakitang ibang suriang mapagkakatiwalaan ilabas ito at talakayin. Huwag naman sana gaya ng mga artikulo ni Cristy Fermin sa isang usapang agham. Sa Appendix ng Gabby's Practical English-Filipino Dictionary na may Gawad Parangal mula sa KWF, ang "Klasipikasyon ng mga Organismo" ay nasa Ingles: gaya ng Kingdom Protista, Phylum Cynophyta, Class Filicinae, Order Gnetales.
Mairagdag ko lang, may usapan ang WMPH at KWF na bigyan tayo ng soft-copy ng mga diksiyonaryo nila, nabinbin ito dahil walang mag-aasikaso dahil abala na ang mga taong "gumagalaw" sa organisasyon sa mga proyekto. Kung may oras kayo upang maisakatuparan ito, ikakalugod ng organisasyon ang magiging ambag. -- Namayan 12:54, 1 Marso 2012 (UTC)Reply

Protection

baguhin

@AnakngAraw, WayKurat: Same case here. I think 9 years of complete protection from edits is more than enough. --Glennznl (kausapin) 11:20, 13 Mayo 2021 (UTC)Reply

@WayKurat: Could you do the same for this article? Thanks. --Glennznl (kausapin) 10:30, 4 Hunyo 2021 (UTC)Reply
 Y Tapos na. -WayKurat (kausapin) 10:32, 4 Hunyo 2021 (UTC)Reply
Return to "Espesye" page.