Wawa, Taguig
Ang Barangay Wawa (PSGC: 137607008) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Barangay Wawa, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Rosaley Buenaflor | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1632 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Kasaysayan
baguhinIsa sa mga mauunlad na baryo sa Taguig ay ang Wawa. Natatagpuan sa silangan nito ang Laguna de Bay, sa timog ay ang baryo ng Hagonoy, sa kanluran ay Bambang, at sa hilaga naman ay ang ilog ng Taguig. Humigit-kumulang sa 140 ektarya ang sukat ng Wawa dahil sa mga bukirin nito. Ang Wawa ay nahahati sa iba’t ibang purok tulad ng Purok 1 – Quezon St., hanggang sa gitna ng kalye papunta sa Tambak; Purok 2 – Tambak; Purok 3 – Horse Shoe o ang Guerrero St., hanggang sa Jones St., at Purok 4 – Puwang (mga bukirin).
Mahigit sa 1,000 pamilya ang sinasakop ng Wawa, ang bilang ng babae ay 4,559 at ang lalaki 4,281 ayon sa Census ng 1990. Noong araw, pangingisda ang ikinabubuhay ng karamihan sa tao rito. Pitumpu’t limang porsiyento ang mga mangingisda sa lugar na ito dahil sa ang kanilang mga bahay ay pawing malalapit sa ilog at sa Lawa ng Laguna. Dalawampu’t limang porsiyento nito lamang ang mga magsasaka. Sa ngayon ay mayroon pa ring mga magsasaka at mangingisda ngunit marami rin ay namamasukan bilang mga empleyado sa iba’t ibang kompanya. Marami na rin dito ang nagtapos ng doktor, abogado, inhinyero, dentista, at iba pa. Mayroon na ring apatnapung porsiyento ang mga dayuhan sa Wawa sa ngayon, hindi lahat ng nakatira rito ay taal na taga-Wawa.
Ang mga tao sa nayong ito ay lumaki at namuhay bilang mga katoliko kaya’t limang porsiyento lamang sa kanila ang napabilang sa ibang relihiyon. Ayon kay Francisco D. San Pedro, isang taga-Wawa, noong kaunti pa ang tao sa Wawa ay puro mangingisda at magsasaka ang mga ito. Halos lahat sila ay magkakakilala, magagalang sa matatanda at masisipag. Bibihira sa mga tao noon ang nakakapag-aral. Ang mga batang may kaya sa buhay na may gulang na siyam hanggang labing-apat ay pinag-aral ng kartilya.
Ang pangalang Wawa ay siya ring pangalan ng baryo noong unang panahon pa. Ito ang lugar na pinagtatagpuan ng mga mangingisda at tindera ng isda.
Ayon sa ibang matatanda, ang salitang Wawa ay galing sa iyak ng sanggol na “ua-ua”, dahil ang baryong ito raw ay mahirap noong araw, kaya kinuha ang pangalan ng baryo sa iyak ng “ua-ua”, na sa katagalan ay nagging Wawa.
Dumating ang mga Amerikano sa Wawa noong 17 Pebrero 1945. Maraming pagbabago ang nangyari buhat noon. Nagkaroon ng patubig sa bukid at mga bagong paraan ng pangingisda ang kanilang natutuhan. Dahil sa mga pagbabagong ito, nagging maunlad ang buhay sa mga taga-Wawa.
Edukasyon
baguhin- Eusebio Santos Elementary School
- Spring Bridge School
- Triumphant Christ Learning Center
Pamahalaan
baguhinSangguniang Barangay
baguhinSangguniang Kabataan
baguhinTingnan rin
baguhinMga Sanggunian
baguhin- Barangay Wawa, Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2008-09-15 sa Wayback Machine.