Wikang Mëranaw

(Idinirekta mula sa Wikang Mëranao)

Ang Wikang Mëranaw (ibinibigkas na: /ˈmәranaw/) ay isang wikang Awstronesyo na ginagamit ng mga Mëranaw sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur sa Pilipinas, at sa Sabah, Malaysia.

Mëranaw
Katutubo sa Philippines
RehiyonGitnang Mindanao
Mga natibong tagapagsalita
1.15 milyon
Latin (Filipino variant);
Naitalang sinusulat sa Arabo
Opisyal na katayuan
Regional language sa Pilipinas
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2phi
ISO 639-3mrw

Distribusyon

baguhin

Ang Mëranao ay sinasalita sa mga sumusunod na lugar (Ethnologue).

  • halos kabuoan ng Lanao del Sur Province
  • Lanao del Norte Province: timog, hilaga ng Lawang Lanao
  • hilagang kanlurang Maguindanao Province: Matanog, Bariya, Buldon, at mga munisipaliti ng Parang
  • hilagang kanlurang Cotabato at gitnang kanlurang mga lalawigan sa Bukidnon

Ortograpiya

baguhin

Ang Mëranao ay isinusulat noon gamit ang mga titik Arabo na kilalá bílang Batang Arab. Isinusulat na ito ngayon gamit ang mga titik Latino.

A, B, D, Ë, E, G, H, I, K, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y

Ang "Ë", o patuldok na E, ay binibigkas nang may schwa (/ə/).

Ang mga dobleng patinig ay binibigkas nang hiwalay. Halimbawa, ang "kapaar" ay ibinibigkas na /kapaʔaɾ/.

Ginagamit lang ang "H" para sa mga hiram na salitang Málay.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Mga kawing panlabas

baguhin