Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Setyembre 5
- Bumagsak ang sasakyang panghimpapawid na Lipad 091 ng Mandala Airlines sa isang pamahayang lugar sa Medan, Indonesia na ikinamatay ng hindi bababa sa 100 pasahero. Kabilang sa namatay ang mga dating gobernador ng Sumatra Utara na sina Rizal Nurdin at Raja Inal Siregar. (CNN)
- Nanomina ang huradong si John Roberts ng Pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush bilang ang susunod na Punong Mahistrado ng Estados Unidos. (MSNBC) Inatras ni Bush ang orihinal na nominasyon ni Roberts upang humalili ang magreretirong Kasamang Mahistrado na si Sandra Day O'Connor.
- Inamin ng tatlong babaeng tinedyer ang pagsisimula ng sunog sa Paris noong Setyembre 3 na iniwan ang 16 na tao na patay. (CFRA Canada)
- Pinasok ng Google ang lokal na merkadong Tsino sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanilang ikalimang internasyunal na Local Search Engine sa Google China sa http://bendi.google.com/. (SINA)
- Inihayag ni Ibrahim Rugova, ang Pangulo ng Kosovo, na may kanser siya sa baga subalit hindi siya bababa sa puwesto. (BBC)
- Hidwaan sa Iraq: Dalawang Sundalong Briton ang namatay pagkatapos ng pagsabog ng bombang IED sa Basra, katimugang Iraq. (BBC)