Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2006 Marso 28
- Pansamantalang pinatigil ng Hukuman ng Pag-aapela ng Pilipinas ang pag-iimbistiga ng Kagawaran ng Katarungan sa tinuguriang stampede o pagsusuguran sa Wowowee sa PhilSports Arena dahil sa diumanong institusyunal na pagkiling laban sa ABS-CBN. (inq7.net)
- Niyanig ng lindol ang Mindoro Occidental sa loob ng 10 segundo sa lakas na 5.1 sa Eskalang Richter. (Philippine Star)
- Higit sa isang milyong nagproprotesta ang lumahok sa malaking mga protesta sa Pransya sa gitna ng mga welga laban sa bagong contrat première embauche, na sinabi ng mga nagproprotesta na mapipinsala ang katatagan ng trabaho para sa mga manggagawa na nasa gulang na mas mababa sa 26. Naiulat ang mga marahas na sagupaan sa mga pulis sa Paris. (Reuters)