Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2008 Disyembre 15
- P7.50 minimum na pasahe sa lahat ng pampasaherong jeepney at P9 naman sa mga bus epektibo na ngayon. (PSN)
- Giyera sa Iraq hindi pa tapos ayon sa Pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush. (PSN)
- Presyo ng langis tumaas sa 47 dolyar dahil sa paghahanda ng OPEC sa paglilimita ng produksiyon. (PSN)
- 22 katao namatay at 15 pa nawawala sa paglubog ng isang banka sa Aparri, Cagayan. (PSN)
- Lider ng oposisyon sa Thailand na si Abhisit Vejjajiva ang bagong halal na Punong Ministro ng nasabing bansa. (BBC)