Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Agosto 29
- Walumpong libong katao naglunsad ng pagkilos sa Hong Kong matapos sa madugong pagbibihag sa Pilipinas noong nakaraang linggo. (Aljazeera) (BBC) (Bangkok Post) (The Independent)
- Isang katao ang patay sa pagsabog ng bulkang Sinabung sa Sumatra na nagbunsod sa paglalagay sa mataas na alerto sa lugar dahil ito ang kauna-unahang beses na sumabog ito sa loob ng 400 taon. (ABC News Online) (AFP via Google News) (DPA via Monsters and Critics)
- Hindi bababa sa 38 katao, kasama ang tsuper, ang namatay sa Ekwador nang malaglag ang isang bus mula sa isang bangin sa kabisera na Quito, matapos umanong makatulog ang tsuper. (Reuters Africa) (Sky News Australia)
- Hindi pa nakikilalang lalaki pinatay si Marco Antonio Leal Garcia, ang punong-bayan ng maliit ng bayan ng Hidalgo sa Tamaulipas, Mehiko. (AFP via Sydney Morning Herald)