Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hulyo 5
- Bansang Iran inakusahan ang Alemanya, Mga Pinag-isang Arabong Emirado at Nagkakaisang Kaharian nang hindi pagbibigay ng gasolina sa kanilang mga pampasaherong eroplano. (BBC News) (Swissinfo) (The National UAE)
- Pambansang pagkilos inilunsad sa Indiya bilang protesta sa pagtaas ng mga presyo ng gasolina kamakailan. (Times of India) (CNN) (New York Times)
- Hindi bababa sa 11 katao patay matapos ang pagbagsak ng eroplano sa Tuzla, Rumanya. (Mediafax)
- Barko-tangke ng mga kemikal hinaydyak sa Dagat na Pula ng mga pirata mula sa Somalya, 18 Pilipino kasama sa mga tripulante. (Reuters Africa) (AP via Google) (Philippine Daily Inquirer)
- Komboy ng isang Pangalawang Punong-bayan ng isang bayan sa Lanao del Sur tinambangan, isa patay, dalawa pa sugatan. (ABS-CBN News) (Mindanao Examiner) (People Daily) (GMA News)
- Bansang Hapon niyanig ng lindol na may kalakhang 6.3. (UKPA) (Xinhua) (Press Trust of India)
- Dalawang suspek sa pambobomba sa himpilan ng isang partido sa Thailand noong nakaraang buwan ibibigay ng Cambodia sa Thailand ngayong Lunes. (Bernama) (Asia One) (Pattaya Daily News)
- Isang aktibista patay sa Aklan, kauna-unahan sa pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino. (ABS-CBN News) (Philippine Star) (GMA News)