Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 11
- Krisis sa Kyrgyzstan noong 2010:
- Kaguluhan naganap sa lungsod ng Osh, hindi bababa sa 45 katao patay, at ilang daan pa sugatan. Ang kaguluhan ay naganap dalawang buawan matapos ang kaguluhan sa Bishkek na nagpabagsak sa pamahalaan ni Kurmanbek Bakiyev, at ilang araw bago ang kritikal na reperendum sa Saligang-batas. (News Daily) (CNN) (BBC) (The Wall Street Journal)
- Kurpyo pinatupad at estado ng kagipitan idineklara sa Osh ng pansamantalang pamahalaan. (RIA Novosti) (Aljazeera)
- Politika ng Hapon:
- Punong Ministro Naoto Kan nagbabala na nanganganib bumagsak ang ekonomiya ng bansa. (BBC) (The Guardian)
- Shizuka Kamei, ministrong namamahala sa reporma at at serbisyong pinansiyal sa koreo, nagbitiw matapos ang tatlong araw bilang protesta sa deisyon ni Kan na iantala ang batas kaugnay ng pagpapasapribado ng serbisyo ng koreo. (The Australian)
- Apatnapung katao patay at mahigit pa sa apat ang sugatan sa pag-atake ng hindi bababa sa 30 katao sa Chihuahua, Mehiko. (Xinhua) (The AP) (BBC) (Aljazeera) (Toronto Sun)
- Hindi bababa sa labing-isang sibilyan at dalawang sundalong Amerikano patay sa katimugang Apganistan: siyam sa mga sibilyan ang namatay sa pagsabog sa isang minibus sa Kandahar. (Aljazeera)
- Papa Benedicto XVI humingi ng kapatawaran mula sa Diyos at sa mga naabuso noong sila'y bata pa ng mga pari. (The Daily Telegraph) (The New York Times) (RTÉ) (Aljazeera)
- Dalawang motosiklista, mula sa Awstriya at Bagong Selanda, ang namatay sa iisang karera sa Isle of Man TT. (BBC)
- Haring George Tupou V ipinanukala ang paggamit ng Enerhiyang nukleyar sa Tonga. (Canadian Business)
- Pandaigdigang Laro ng Sipaan ng Bola 2010:
- Unang edisyon sa Aprika ng torneyo ng Sipaang bola nagsimula na sa Timog Aprika. (Aljazeera)
- Nelson Mandela kinansela ang pagpapakita sa publiko sa pasinaya dahil sa pagkamatay ng kanyang apo habang pauwi mula sa dinaluhang konsyerto. (BBC) (The Guardian) (RTÉ) (The New York Times)
- Pagsasahimpapawid ng Al Jazeera Sports sa Mga Pinag-isang Arabong Emirado at halos lahat sa mga bansang Arabo naantala dahil sa isyung teknikal. (Gulf News) (The National)