Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 23
- Misyon sa Apganistan ng mga sundalong Awstralyano maaari na umanong matapos sa loob ng dalawa hanggang apat na taon ayon kay Ministro ng Tanggulan John Faulkner. (TVNZ) (AP via Google) (Herald Sun) (AFP via Google)
- Siyam katao ang patay at isa pa ang sugatan sa pagsabog ng isang trak ng LPG sa isang kainan sa Carmona, Kabite. (Philippine Daily Inquirer) (ABS-CBN News) (GMA News) (Philippine Star)
- Bilang ng namatay sa aksidente sa tren kahapon sa Republika ng Konggo umabot na sa 76. (TVNZ)
- Tatlumpong hippopotamus patay sa Uganda dahil sa Anthrax. (The Straits Times)
- Siyam na Iraki patay sa pambobomba, kasama na ang dalawang pinuno ng grupong sinusuportahan ng pamahalaan ng U.S. na mga militanteng Sunni. (TIME)
- Bansang Kenya pinayagang bumoto ang mga bilanggo sa reperendum para sa bagong Saligang batas sa isang desisyon ng korte. (BBC) (Daily Nation) (KBC)
- Dalawampu't pitong katao iniimbestigahan ukol sa pambobomba na kumitil ng limang katao sa Istanbul. (The Straits Times)
- Isang tao ang patay matapos mabagsakan ng isang crane sa Pandaigdigang Paliparan ng Chennai, Chennai, Indiya. (India Times)
- Pandaigdigang Komisyon sa Panghuhuli ng Balyena hindi nagkasundo sa pagsugpo sa panghuhuli ng balyena ng mga bansang Hapon, Noruwega at Islandia sa pagpupulong sa Agadir, Morocco. (AP via San Jose Mercury News)
- Dalawang miyembro ng lingkod ng Amerika patay matapos ang pambobomba sa katimugang Apganistan. (CBS)
- Dalawang Awstralyano ang sugatan matapos magbarilan sa puwit at hita. (The Straits Times)