Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Mayo 29
- Punong Ministro ng Tsina Wen Jiabao, Punong Ministro ng Hapon Yukio Hatoyama at Pangulo ng Timog Korea Lee Myung-bak nagpulong sa Jeju sa isang tatlong panig na usapan para sa pagpapatibay ng ugnayang pangangalakal at ang insedente ng Cheonan. (Radio Australia) (Korea Times)
- Anim katao ang patay at labingdalawa pa ang sugatan matapos sumabog ang isang sisidlan ng gaas sa lagusan sa ilalim ng lupa sa Rafah. (Xinhua) (AFP)
- Libo-libong katao nilikas ang bulkang Pacaya sa Guwatemala at bulkang Tungurahua sa Ekwador matapos ang pagputok ng mga ito. (BBC) (CBC)
- Pangulong Bingu wa Mutharika ng Malawi pinawalang sala ang mag-asawang bakla naparusahan ng 14 na taong pagkakakulong dahil sa "kalaswaan at mga gawaing hindi natural". (BBC) (CNN) (Hindustan Times) (Xinhua)
- Mga pinuno ng minoryang relihiyon na Ahmadiyya sa Pakistan nanawagan sa pamahalaan na bigyan sila ng mas magandang proteksiyon, habang nililibing nila ang mga namatay sa dobleng pag-atake sa moske sa Lahore kahapon. (Al Jazeera)
- Mga pinunong pampolitika ng Nepal pumayag na pahabain pa ng isang taon ang termino sa ng parlamento para maiwasan ang krisis sa politika. (Al Jazeera) (The Rising Nepal)
- Punong Ministro Viktor Orbán, ang nanalo sa halalan para sa parlamento noong 2010 sa Unggarya, nanumpa na. (Reuters)
- Punong Ministro Abhisit Vejjajiva tinanggal na ang kurpiyo sa kabiserang Bangkok at 23 pang mga lalawigan dahil sa mga protesta subalit pinanatili ang estado ng emerhensiya. (Bernama) (AP) (Bangkok Post)