Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Pebrero 23
- Pangulong Omar al-Bashir ng Sudan at pangunahing rebeldeng grupo ng Darfur, ang Justice and Equality Movement, lumagda sa kasunduan ng tigil-putukan. (CNN)(Xinhua) (BBC)
- Nagkakaisang mga Bansa iniulat na mahigit sa kalahati ng mga tao sa mga umuunlad na bansa ang gumagamit ng teleponong selular, umaabot ng 4.6 bilyong kabuuan o dalawang ikatlong bahagi ng populasyon ng mundo. (Digital Trends)(Globe and Mail)
- Mauritania pinauwi ang embahador nila sa Mali matapos pakawalan ng huli ang apat na kasapi ng Al-Qaeda sa Islamikong Maghreb. (BBC)(Reuters South Africa)
- Hindi bababa sa limang katao ang namatay at ilang dosena pa ang nalibing sa pagguho ng lupa malapit sa Bandung sa Kanlurang Java, Indonesya. (BBC)(Jakarta Post)(New Straits Times)
- Isang kotseng may bomba na may bigat na 250 libra ang sumabog sa labas ng isang hukuman sa Newry, Hilagang Irlanda,ang unang bomba na ganoong uri na sumabog sa lugar simula pa noong 2000. (BBC)