Inaasahang tatama sa lupain ng Mehiko ang bagyong Ingrid kung saan katatapos lang magdulot ng malakas na pag-ulan ang Bagyong Manuel sa baybayin ng Pasipiko. Sa kasalukuyan, 21 katao ang naiulat na nasawi dahil sa dalawang bagyo kabilang ang 14 na katao mula sa estado ng Guerrero.(AP via ABC News America)
Tumama sa gitanang Hapon ang Bagyong Man-yi kung saan pinangangambahan ang psibleng pag-tama nito sa Plantang Nukleyar ng Fukushima Daiichi.(The Australian)
Isang pang-kargamentong bapor ng Singapore ang bumangga at nag-palubog sa isang bapor na pangingisda ng Vietnam sa timog ng Vũng Tàu, isa ang nasawi sa trahedya. The Maritime Executive