Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2014 Abril 21
- Alitang armado at mga pag-atake
- Kinondena ng Mga Nagkakaisang Bansa ang "Tudlaang Pagpatay" at pagkasugat ng daang-daang sibilyan base sa kanilang pinagmulang pangkat etniko sa bayan ng Bentiu matapos ang paglusob na ginawa ng mga rebeldeng Timog Sudan noong nakaraang linggo. (Al Jazeera)
- Isang pag-atake sa Aleppo, ang ginawa ng Hukbong Panghimpapawid ng Sirya ang ikinasawi ng karamihan; 14 naman ang namatay matapos sumabog ang isang bomba sa bariles sa pamayamanan ng Baeedeen. (Reuters)
- Ayon sa mga militanteng maka-Rusya, nakuha nila ang dalawang bangkay ng kanilang miyembro sa Ilog ng Seversky Donets sa Sloviansk, Ukraine, kung saan ang mga ito ay nagtamo ng maraming saksak. (Sun News)
- 30 hinihinalang miyembro ng militanteng al-Qaeda at 6 na sibilyan ang napatay sa isinagawang pag-atake ng drone ng Estados Unidos sa Yemen. (CNN)
- Isang bomba sa kotse ang sumabog sa Mogadishu, Somalya na ikinasawi ng isang miyembro ng Pederasyon ng Parliyamento ng Somalya at ikinasugat ng iba pa. (BBC)
- Sakuna at aksidente
- Kinundena ng Pangulo ng Timog Korea nasi Park Geun-hye ang aksisyong ginawa ng mga tripulante ng barkong Sewol at ihinalintulad ito sa gawaing pagpatay ng tao. Umabot na sa 87-katao ang nasawi at 238 pa ang nawawala at itinuturing na ring mga patay matapos lumubog ang barkong Sewol noong Abril 16.(Reuters)
- Apat na tripulante ng barko ang inaresto matapos iwanan ang barko habang ito ay palubog. (KDVR)
- Nagsagawa ng biglaang pangangailangang paglapag ang Boeing 737 ng Malaysian Airlines na may lulan na 166 katao matapos pumutok ang pangunahing gulong nito sa harapan.(ABC News)
- Nailigtas sa panganib ang labing-anim na taong gulang na binatang nag-layas at sumakay sa kompartimento ng isang eroplano mula sa Pandaigdigang Paliparan ng San Jose patungo sa Paliparan ng Kahului.(Los Angeles Times)
- Lipad 370 ng Malaysia Airlines
- Naantala ang paghahanap sa Lipad 370 ng Malaysia Airlines dahil sa Bagyong Jack. Kabilang na rin ang submarinong Bluefin-12 ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos sa misyon ng paghahanap ng mga labi ng eroplano na nawala noong Marso 8 na may lulang 238 katao. (Reuters)
- Batas at krimen
- Sinentensiyahan ng hatol ng kamatayan ang 5-katao at ng pagkakakulong ng 37 iba pa para sa kasong pagkakasangkot sa pambobomba sa Riad, Saudi Arabia, noong 2013. (BBC)