Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Hulyo 26
- Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020
- Pilipinas sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020, Weightlifting sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020
- Ipinanalo ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang ginto para sa Pilipinas sa 55-kg dibisyon ng weightlifting sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020 na ginanap sa Tokyo, Hapon. (GMA News) (Reuters)
- Pilipinas sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020, Weightlifting sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020
- Batas at krimen
- Pandemya ng COVID-19 sa Pransya
- Inaprubahan ng Parliyamentong Pranses ang isang batas na iniutusan ang lahat ng mga manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan na magpabakuna sa Setyembre 15 at ang adopsyon ng isang "Health Pass" upang makapasok sila sa mga restawran, tren, eroplano at ilang pampublikong lugar. Maisasatupad ang batas hanggang Nobyembre 15 depende sa situwasyon ng COVID-19 at mailalapat sa mga bata edad 12 taon pataas simula Setyembre 30. (France 24)
- Politika at eleksyon
- Ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas ang kanyang ikaanim at kahuli-huliang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa sa bulwagan ng plenaryo ng Batasang Pambansa kung saan may pisikal na dumalo sa mismong bulwagan at mayroon din sa online at ginawa ito dahil sa banta ng COVID-19 partikular ang baryanteng Delta. (Rappler)
- Opisyal na nanumpa si Mary Simon bilang ang ika-30 gobenador heneral ng Canada. Siya ang unang katutubo na naupo sa puwestong ito. (CBC)