Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Enero 13
Kalusugan at kapaligiran
- Pandemya ng COVID-19
- Pandemya ng COVID-19 sa Asya
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas, Pagbabakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas
- Naglabas ang Kagawaran ng Transportasyon ng Pilipinas ng isang sulat-paalala o memorandum na ipinagbabawal ang mga hindi bakunadong indibiduwal na gamitin ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon sa Kalakhang Maynila simula Enero 17. (Philippine Daily Inquirer)
- Naglabas ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas ng kautusang administratibo sa lahat ng mga barangay sa Pilipinas na magsumite ng tala ng mga hindi bakunadong residente upang maiwasan ang pagkilos nila bilang tugon sa kamakailang pagtaas ng mga kaso ng baryanteng Omicron ng SARS_CoV-2. (GMA News)
- Nag-ulat ang Pilipinas ng isang tala ng 34,021 bagong kaso ng COVID-19, na dinadala ang pambansang kabuuan ng kumpirmadong kaso sa 3,092,409. Ito ang pinakamataas na naiulat na bilang na kaso sa loob ng isang araw simula noong nagsimula ang pandemya. (GMA News)
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas, Pagbabakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas
- Pandemya ng COVID-19 sa Asya