Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Setyembre 8
Armadong labanan at atake
- Digmaang sibil sa Siria
Kalusugan at kapiligiran
- Pandemya ng COVID-19
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
- Nirekomenda ng IATF-EID (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na luwagan ang mandato ng pagsusuot ng face mask (o telang pantakip sa mukha) at gawin boluntaryo ang pagsusuot nito sa labas kung saan may magandang bentilasyon, sa kondisyon na bumuti ang pagkuha ng pagpalakas (o booster) laban sa COVID-19. (Manila Times)
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
Batas at krimen
- Umamin na hindi nagkasala ang dating Punong Estratehista at Senyor na Tagapayo sa Pangulo ng Estados Unidos na si Steve Bannon sa isanampang kaso sa New York para sa diumanong pandaraya sa mga tagapagkaloob sa pagtatayo ng isang pader sa katimuganang hangganan ng Estados Unidos. (AP)
Politika at halalan
- Pagkamatay ni Elizabeth II
- Ipinabatid ng Palasyo ng Buckingham na namatay si Reyna Elizabeth II sa gulang na 96 sa Kastilyo ng Balmoral sa Eskosya. Humalili sa kanya bilang monarko ang kanyang anak na si Charles III. (BBC News)
- Bumoto ang parlamento ng Kapuluang Solomon upang iantala ang pangkalahatang halalan sa gitna ng mga pagtutol ng mga partidong oposisyon, na inakusa ang Punong Ministro Manasseh Sogavare ng "pag-agaw ng kapangyarihan". (Reuters)