Wikipedia:Mga huling idinagdag/Sinupan 2006
Mula 29 Marso 2006 hanggang 16 Hunyo 2006
Alam ba ninyo...
- …na naglalaman ang paelyang Pilipino ng higit na nakararaming húling-dagat kaysa sa uring Kastila?
- ...na ang Bank of the Philippine Islands ay ang pinakamatandang bangko sa Pilipinas na bukas pa para sa operasyon at ang ikalawang pinakamalaki?
- ...na isa sa mga pinakatanyag na seryeng Hapon na super robot anime sa Pilipinas ang Voltes V, bagaman, nagkaroon ng intriga politikal at kontrobersiya pagkatapos ipagbawal ito ng dating Pangulong Marcos?
- ...na isang nagngangalang Valentin Viola na kaibigan ni Jose Rizal ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang El Filibusterismo noong 22 Setyembre 1891?
- ...na naging tanyag ang pagsuot ng Barong Tagalog sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay ng Pilipinas?
- ...na tinuturing ang gawa ni Dante Alighieri na la Divina Commedia (Ang Banal na Komedya) bilang ang pinakadakilang pangungusap pang-panitikan sa Europa noong Gitnang Panahon, at ang batayan ng makabagong wikang Italyano?
- ...na noong 1999, nagkasama muli ang The Dawn kasama sina Francis Reyes at Atsushi Matsuura sa gitara at nagpatugtog sa 2000 today Global Millennium Day Broadcast ng GMA Network sa Abenida ng Ayala, Lungsod ng Makati, at sa taong din na iyon ni-rekord nila ang Prodigal Sun.
- ...na ang Villeneuve d'Ascq ay lungsod sa pinakahilagang bahagi ng Pransiya, sa département ng Nord, 10 km ang layo mula sa hangganan ng Belhika?
- ...na isa si Bill Gates sa mga sumulat ng larong pang-kompyuter na DONKEY.BAS para sa PC-DOS operating system?