Xenotransplantasyon

manuel feliciano de jesus jr

Ang xenotransplantastyon (mula sa wikang Griyego na xenos- nangangahulugang "panlabas" [1][2]), o heterologosong paglipat o transplant, ay ang transplanstasyon ng mga buhay na selula, tisyu, o mga organo mula sa isang espesye tungo sa isa pang espesye na karaniwan ay tumutukoy sa tao gaya halimbawa ng paglilipat ng puso ng baboy sa tao.[3] Ang mga gayong organo ay tinatawag na mga xenograft o xenotransplant. Ito ay salungat sa allotransplantasyon (mula sa ibang indibidwal ng parehong espesye), Syngenikong transplantasyon o isotransplantasyon (mga graft na nilipat sa pagitan ng dalawang magkatulad na henetikong indibidwal ng parehong espesye) at autotransplantasyon (mula sa isang baha

Xenotransplantasyon
Mahabang axis na echocardiograpiya. Represenetatibong tanawin ng echocardiogrepiya mga apat na linggo pagkatapos ng isang myocardial infarction (MI), kanan bago ang isang CMPC/placebo infusion. Ang pagnipis at akinesia ng pader na septal apical sanhi ng MI ay mapapansin.
MeSHD014183


Iniulat noong Enero 10, 2022 sa buong mundo ang kaunaunahang matagumpay na paglilipat ng isang henetikong binagong puso ng baboy sa isang 57 anyos na tao sa Unibesidad ng Maryland Medicine sa Estados Unidos. Ayon sa ulat, si David Bennett na mayroong terminal na sakit sa puso ay ito ang tanging kaslukuyang opsiyon para sa kanya at nais pa niyang mabuhay. Ang tatlong mga gene na responsable sa pagtatakwil ng organo ng baboy sa sistemang immuno ng tao ay inalis ng mga siyentipiko at ang isang gene ay inalis upang pigilan ang labis ng paglago ng tisyu ng baboy at ang anim na mga gene na responsable sa pagtanggap ng sistemang imyuno ng tao ay ipinasok sa puso ng baboy.

Ang mga valvula ng baboy ay nailipat sa mga tao sa maraming mga taon. Noong Oktubre 2021, matagumpay na nailipat ang henetikong binagong bato ng baboy sa isang babaeng patay ang utak sa New York.[4]

Kasaysayan

baguhin

Ang mga unang pagtatangka sa xenotransplantasyon na noon ay tinawag na heterotransplantasyon ay lumitaw sa mga panitikang siyentipiko noong 1905 nang ang mga hiwa ng bato ng kuneho ay inilipat sa isang bata na may sakit na kronikong bato.[5] Sa mga unang dekada ng ika-20 siglo ang ilang mga pagtatangka sa paggamit ng mga organo ng mga tupa, mga baboy at mga primado ay inilimbag.

Ang siyentipikong interes sa xenotransplantasyon ay bumaba nang ang mga basehang immunulohikal ng proseso ng pagtakwil ng organo ng hayop sa mga tao ay inilarawan. Ang sumunod na mga daloy ng mga pag-aaral sa paksa ng xenotransplantasyon ay dumating sa pagkakatuklas ng mga drograng immunosuppresibo. Marami pang mga pag-aaral ang sumunod sa unang matagumpay na paglilipat ni Dr. Joseph Murray nooong 1994 at ang mga siyentipiko sa kanilang pagharap sa mga tanong na etikal hinggil sa donasyon ng organo sa unang pagkakataon ay sumidhi sa kanilang pagtatangka sa paghahahanap ng mga alternatibo sa mga organo ng tao.

Noong 1963, ang mga doktor sa Unibersidad ng Tulane ay nagtangkang maglipat ng bato ng mga chimpanzee sa anim na malapit nang mamatay na tao. Pagkatapos nito at ilan pang kalaunang hindi matagumpay na mga pagtatangka sa paggamit ng mga primado bilang mga donor ng mga organo at sa pag-unlad ng isang gumaganang programa ng pagkamit ng organo ng mga bangkay, ang interes sa xenotransplantasyon ay humina. Sa 13 ng mga gayong transplant na ginawa ni Keith Reemtsma, ang isang taong tumanggap ng bato ng chimpanzee ay nabuhay pa ng 9 na buwan. Sa autopsiya nito ay walang nakitang mga tanda ng acute o kronikong pagtakwil ng organo.

Ang isang Amerikanong sanggol na babaeng nagngangalang "Baby Fae" na may hypoplastic left heart syndrome ang unang sanggol na tumanggap ng xenotransplantasyon nang siya ay tumanggap ng puso ng isang baboon noong 1984. Ang operasyon ay isinagawa ni Leonard Lee Bailey ng Loma Linda University Medical Center sa Loma Linda, California. Si Fae ay namatay pagkatapos ng 21 araw sanhi ng isang batay sa humoral na pagtakwil ng graft na pinaniwalaaang malaking isang hindi pagtugma ng uri ng dugong ABO na pinaniniwalaang hindi maiiwasan sanhi ng bihirabg uring O mga baboon. Ang graft ay dapat temporaryo ngunit sa kasamaang palad ay walang angkop na kapalit na allograft na mahanap sa panahong iyon. Bagaman ang operasyon ay hindi sumulong sa pag-unlad ng xenotransplantasyon, ito ay nagbigay linaw sa walang kasapatang mga organo para sa mga sanggol. Ang kwento ay lumago na nagkaroon ng isang malaking epekto sa krisis ng kakulangan ng organo para sa sanggol nang panahong iyon ay bumuti.[6][7]

Ang xenotransplantasyon ng mga selulang tumor ng tao sa immunocompromisadong daga ay isang teknikong pananaliksik na karaniwang ginagamit sa pananaliksik ng onkolohiya.[8] Ito ay ginagamit upang hulaan ang sensitibidad ng mga nilipat na tumor sa mga paggamot sa kanser.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Dooldeniya, M D; Warrens, AN (2003). "Xenotransplantation: where are we today?". Journal of the Royal Society of Medicine. 96 (3): 111–117. doi:10.1177/014107680309600303. PMC 539416. PMID 12612110.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mitchell, C Ben (2000-05-10). "Xenotransplanation and Transgenics: The Need to Discuss Limits". Cbhd. CBHD. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-11-19. Nakuha noong 19 Nobyembre 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Xenotransplantation. Definition by the World Health Organization
  4. https://www.cnn.com/2022/01/10/health/genetically-modified-pig-heart-transplant/index.html
  5. Reemtsma, K (1995). "Xenotransplantation: A Historical Perspective". ILAR Journal. 37 (1): 9–12. doi:10.1093/ilar.37.1.9. PMID 11528018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Bailey, L. L.; Nehlsen-Cannarella, S. L.; Concepcion, W.; Jolley, W. B. (1985). "Baboon-to-human cardiac xenotransplantation in a neonate". JAMA: The Journal of the American Medical Association. 254 (23): 3321–3329. doi:10.1001/jama.1985.03360230053022. PMID 2933538.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Cooper, DK (Enero 2012). "A brief history of cross-species organ transplantation". Proceedings (Baylor University. Medical Center). 25 (1): 49–57. doi:10.1080/08998280.2012.11928783. PMC 3246856. PMID 22275786.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Richmond, A.; Su, Y. (2008). "Mouse xenograft models vs GEM models for human cancer therapeutics". Disease Models and Mechanisms. 1 (2–3): 78–82. doi:10.1242/dmm.000976. PMC 2562196. PMID 19048064.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. JAX® In Vivo Xenograft Services. JAX® NOTES Issue 508, Winter 2008
baguhin
 
Wiktionary
Tingnan ang Xenotransplantasyon sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.