Ika-7 dantaon

(Idinirekta mula sa 626)

Ang ika-7 dantaon ay isang panahong mula 601 hanggang 700 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano sa Karaniwang Panahon. Ang populasyon ng mundo ay lumiit sa mga 208 milyong katao.[1]

Milenyo: ika-1 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  600 dekada 610 dekada 620 dekada 630 dekada 640
dekada 650 dekada 660 dekada 670 dekada 680 dekada 690
Ang Silangang Emisperyo noong simula ng ika-7 dantaon.
Ang Silangang Emisperyo noong dulo ng ika-7 dantaon.

Sa panahong ito, ang pagkalat ng Islam at ang mga pananakop na Muslim ay nagsimula sa pagsama-sama ng Arabia ni Propeta Muhammad simula noong 622. Pagkatapos mamatay ni Muhammad noong 632, lumawak ang Islam lagpas ng Tangway ng Arabia sa ilalim ng Kalipatong Rashidun (632–661) at Kalipatong Umayyad (661–750). Nagdulot ng pagbasak ng Imperyong Sasanida ang pananakop ng Muslim ng Persya noong ika-7 siglo. Nasakop din noong ika-7 dantaon ang Syria, Palestina, Armenia, Ehipto, at Hilagang Aprika.

Patuloy na nagdusa ng mga kabiguan ang Imperyong Bisantino noong mabilisang pagpapalawak ng Imperyong Muslim.

Sa Tangway ng Iberia, ang ika-7 siglo ay ang Siglo de Concilios, ang siglo ng mga konseho, na tumutukoy sa mga Konseho ng Toledo.

Sa Tsina, pinalitan ang dinastiyang Sui ng dinastiyang Tang, na gumawa ng mga base militar mula Korea hanggang Gitnang Asia at sumunod sa mga Umayyad sa kalaunan. Naabot ng Tsina ang rurok nito. Kumampi ang Silla sa dinastiyang Tang, na napasuko ang Baekje at tinalo ang Goguryeo upang mapag-isa ang Tangway ng Korea sa ilalim ng iisang pinuno.

Nanatili ang panahong Asuka sa Hapon sa buong ikapitong siglo.

Ipinag-isa ng Harsha ang Hilagang Indya, na bumalik sa maliliit na mga republika at estado pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Gupta noong ika-6 na dantaon.

Mahahalagang tao

baguhin
 
Si Papa Gregoryo I na dinidikta ang awiting Gregoryano.

Mga imbensyon, tuklas, at pagpapakilala

baguhin
  • Pinakamaagang kilalang rekord o tla ng larong Chaturanga, ang hinalinhan ng Ahedres.
  • Ipinakilala ng matematikong Indiyano na si Brahmagupta ang unang halimbawa ng may hangganang interpolasyong pagkakaiba.
  • 636: Itinayo ang Pagoda ng Xumi sa Zhengding, Tsina.
  • 650: Unang nailabas ang salaping papel sa Tsina.[2]
  • Dekada 650: Pagkatapos maglayag sa Etiyopiya, ipinakilala diumano ni Sa'd ibn Abi Waqqas ang Islam sa Tsina, at itinatatag ang unang moskeng Islamiko ng Tsina sa Guangzhou.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. The good and bad of a population drop (sa Ingles)
  2. Roberts, J: History of the World.. Penguin, 1994. (sa Ingles)
  3. Kamouch, Mohammed (2006). "Jewels of the Muslim Chinese Heritage". Muslim Heritage (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Disyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)