A1 (banda)
Ang A1 (isinusulat bilang a1) ay isang Britanikong grupong pop na nabuo noong 1998. Binubuo ang grupo nina Christian Ingebrigtsen, Mark Read at Ben Adams. Orihinal na kasapi at nagtatag si Paul Marazzi mula 1998 hanggang sa paglisan nito noong 2002. Si Ingebrigtsen ay orihinal na nagmula sa Oslo, Norway, samantalang nagmula naman ang ibang mga miyembro sa Londres, Inglatera.
A1 | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Londres, Inglatera, Nagkakaisang Kaharian Oslo, Norway |
Genre | Pop, pop rock, dance-pop |
Taong aktibo | 1998-2002, 2009-kasalukuyan |
Label | Universal Norway, BMG, Epic |
Miyembro | Ben Adams Christian Ingebrigtsen Mark Read |
Dating miyembro | Paul Marazzi |
Website | a1official.com |
Ang kanilang lunsarang isahang awit, ang "Be the First to Believe", ay pumasok sa Talaan ng mga Isahang Awit sa UK (UK Singles Chart) sa ikaanim na puwesto noong kalagitnaan ng 1999.[1][2] Naabot nila ang tagumpay sa Nagkakaisang Kaharian at sa iba pang bahagi ng mundo noong huling bahagi ng dekada ng 1990 at unang bahagi ng dekada ng 2000, partikular na sa Timog-Silangang Asya at sa Hapon. Sa UK, nagkaroon sila ng dalawang numero uno at walong nasa nangungunang sampu na mga awitin, pitó rito ay isinulat mismo ng banda. Dagdag pa rito, nanalo rin sila ng Gantimpalang BRIT (BRIT Award) para sa "Pinakamahusay na Bagong Saltáng Britanikong Mang-aawit" (Best British Newcomer) noong 2001.[3][4] Pinamahalaan sila ni Tim Byrne, na siya ring bumuo sa grupong Steps.[4]
Iniwan ni Marazzi ang banda noong 2002, sa kadahilanang personal.[5] Kasunod nito'y nagpasiya ang natitirang tatlong miyembro na magpahinga muna dahil sa labis na kapaguran sa paglilibot sa iba't ibang lugar sa loob ng apat na tuluy-tuloy na taon.[6]
Noong Disyembre 2009, muling binuo nina Ingebrigtsen, Read at Adams ang A1, nang hindi kasama si Marazzi, sa Norway para sa isang serye ng mga konsiyerto sa Teatrong Christiania sa Oslo.[7] Mula nang sila'y nagbalik, naglabas sila ng ilang mga bagong isahang awit maging ng kanilang ikaapat at ikalimang studio album, ang Waiting for Daylight, noong 2010, at Rediscovered, noong 2012.
Noong 2014, lumitaw ang A1 sa isang dokumentaryo ng itv2 na tinawag na The Big Reunion, kasama ang ibang mga banda gaya ng Eternal, Damage, Girl Thing, 3T at ng isang bandang may pangalang 5th Story, na binubuo nina Dane Bowers (mula sa Another Level), Gareth Gates, Kenzie (mula sa Blazin' Squad), Kavana at Adam Rickitt.[8][9]
Kasaysayan
baguhinPagkakabuo, Here We Come, at The A List (1998-2001)
baguhinNagsagawa ng odisyon ang tagapamahalang sina Tim Byrne at Vicky Blood, na kilala dahil sa pagbuo nila ng popular na grupong Steps sa Inglatera, at dinaluhan ng mahigit 3,000 katao.[10] Inabot ng tatlong taon ang mga tagapamahala sa pagbuo ng grupo,[11] at noong 1998 ang komposisyon nina Ben Adams, Mark Read, Christian Ingebrigtsen, at Paul Marazzi ang bumuo sa grupong A1.[12]
Noong Pebrero 1999, lumagda ang A1 sa Columbia Records, at noong Hulyo 1999, inilabas ng banda ang una nilang isahang awit, ang "Be The First to Believe", na umabot sa ikaanim na puwesto sa Talaan ng mga Isahang Awit sa UK (UK Singles Chart).[1][2] Ang B-Side ng CD ng nasabing isahang awit ay ang "Miracle," na pumasok sa ika-34 na puwesto sa Talaan.[2] Muli pang naglabas ang A1 ng mga isahang awit noong taon ding iyon. Ang "Summertime of Our Lives" ay inilabas noong Setyembre 1999 at umabot sa ikalimang puwesto,[1], at ang "Everytime" at "Ready or Not" ay sabay na inilabas noong Nobyembre 1999 at umabot sa ikatlong puwesto.[1] Noong 2 Disyembre 1999, inilabas ang unang album ng A1, ang Here We Come.[13] Noong Pebrero 2000, inilabas naman nila ang huling isahang awit sa kanilang album, ang "Like A Rose", na umabot sa ikaanim na puwesto sa Talaan at nagtagal doon ng 12 linggo.[1]
Noong Enero 2000 sinimulan nang gawin ng banda ang kanilang ikalawang album,[10] at noong Agosto 2000, inilabas nila ang awiting "Take on Me", ang kanilang bersiyon ng awiting inilabas noong 1985 ng grupong A-Ha.[14] Ito ang naging unang awitin ng A1 na nakaabot sa unang puwesto sa Talaan.[14][1] Noong 30 Oktubre 2000 inilabas ng banda ang kanilang ikalawang album, ang The A List.[15] Muling nakamit ng banda ang kanilang ikalawang numero unong isahang awit nang ilabas nila ang awiting "Same Old Brand New You" noong Nobyembre 2000.[1][14]
Noong Pebrero 2001, nagwagi ang A1 sa Gantimpalang BRIT (BRIT Award) para sa kategoryang "Pinakamahusay na Bagong Saltáng Britanikong Mang-aawit" (Best British Newcomer)[3] Noong taon ding iyon, sinimulan na rin ng banda ang kanilang malawakang lakbay-konsiyerto (concert tour) sa mga bansa sa Asya, at ang bidyo-awit ng kanilang ikapitong isahang awit, ang "No More," ay kinunan mula sa Singapore na kanilang isinabay habang sila'y naglalakbay. Pumasok ang nasabing awitin sa Talaan noong Marso 2001 na umabot hanggang sa ikaanim na puwesto at nagtagal ng 13 linggo.[1]
Make It Good, Paglisan ni Marazzi, at Pagkakabuwag (2002)
baguhinNagbalik ang A1 noong 2002 sa pamamagitan ng kanilang ikatlong album, ang Make It Good. Kinakitaan ang nasabing album ng pagbabago sa direksiyon ng kanilang tunog, at sa komento ni Jacqueline Hodges sa websayt ng BBC, naabot na ng A1 ang kanilang kalalagyan kung bigo o tagumpay ang kanilang ikatlong album, at sa usapin ng boyband na tumatawag ng madaliang pagbabago sa direksiyon.[16] Mula sa album na ito'y inilabas ang mga awiting "Caught in the Middle" (na umabot sa ikalawang puwesto sa Talaan) at "Make It Good" (na umabot sa ika-11 puwesto sa Talaan).[1]
Ito ang naging kanilang huling album na magkakasama biang apat sa grupo. Noong 8 Oktubre 2002, iniwan ni Marazzi ang banda, na ayon sa kanya ay "personal" ang mga kadahilanan.[5] Hindi nagtagal, bago nagtapos ang Oktubre, inanunsiyo ng natitirang mga kasapi na sila'y maghihiwa-hiwalay na muna, subalit nangakong sila'y magbabalik.[6]
Pagkatapos ng A1 at mga solong karera (2002-09)
baguhinNoong Enero 2004, isang Best of A1 na album ang inilabas sa Asya; isang compilation na nagtatampok sa lahat ng kanilang mga isahang awit, dalawang di-pa nailalabas na mga rekording mula sa konsiyerto, at tatlong eksklusibong B-Side. Noong 2009, matapos lumitaw si Adams sa Celebrity Big Brother, inilabas ng banda ang kanilang Greatest Hits sa Nagkakaisang Kaharian.[17]
Noong 2005, nagtuloy si Adams at naglabas ng kanyang unang solong isahang awit, ang "Sorry," na umabot hanggang sa ika-18 puwesto sa Talaan ng mga Isahang Awit sa UK.[18] Nakatakda sanang magrekord ng album si Adams subalit humiwalay siya sa kanyang record label. Noong 2009, lumitaw siya bilang kalahok sa Celebrity Big Brother at naging isa sa mga natirang limang kasambahay (housemates).[19] Nakapukaw siya ng atensiyon noong huling bahagi ng katulad na taon nang siya'y nagmodelo nang walang saplot para sa harapan ng magasing Attitude.[20][21]
Noong 2003, nagsimula rin ng kanyang solong karera si Ingebrigtsen, sa kanyang unang solong isahang awit na "In Love With an Angel," na inilabas noong 2004. Nanatili ang isahang awit sa Nangungunang 10 ng Talaan ng mga Isahang Awit sa Norway sa loob ng halos tatlong buwan. Ang awitin ay mabilis na sinundan ng "Things Are Gonna Change," na naging huling solong isahang awit ni Ingebrigtsen bago siya naging abala sa iba pang bahagi ng show business.
Noong 2002, itinuon ni Read ang kanyang pansin sa pagiging kompositor para sa iba pang mga mang-aawit, matapos siyang lumagda sa Metrophonic. Nagsulat si Read para sa mga mang-aawit gaya nina Charlotte Church, Boyzone, Michael Bolton, Robin Gibb, at The Hollies. Naglabas si Read ng kanyang paunang solong isahang awit, ang "Greatest Lady in My Life," noong 2 Marso 2009. Ang kanyang paunang solong album, ang Peace at Last ay inilabas noong Hunyo 2009.
Ilang buwan matapos iwan ang banda, naging punong-abala si Marazzi ng Andy Cole Children's Foundation (ngayon ay All Star Kids) noong 26 Abril 2003 kasama si Jo Good. Tinanggihan niya ang alok na lumitaw sa I'm a Celebrity...Get Me Out of Here! noong 2004. Noong huli ng 2005, bumuo siya ng isang bandang soul/rock sa Sunderland, Hilagang-Silangang Inglatera na tinawag na Snagsby. Iniwan niya ang bandang iyon noong una ng 2009. Matapos ay nagtrabaho si Marazzi sa The George Hotel sa Whitby bilang isang club DJ.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 "a1 singles". Official Charts Company. UK: The Official UK Charts Company. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "Be The First To Believe CD UK Columbia 1999". Amazon. Amazon.com, Inc. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Brit awards winners list 2012: every winner since 1977". The Guardian. UK: Guardian News and Media Limited. 22 Peb 2012. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 McGarry, Lisa (6 Peb 2014). "The Big Reunion: Ben Adams says A1 are aiming for 'average'". UnrealityTV. UK: Unrealitytv.co.uk LLP. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-07. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "A1 'crisis' as Paul quits the band". BBC News. UK: BBC. 9 Okt 2002. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "A1 split, but say they'll be back". BBC News. UK: BBC. 30 Okt 2002. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Balls, David (14 Ago 2009). "Boyband a1 confirm comeback shows". Digital Spy. London. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2010. Nakuha noong 25 Ene 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Big Reunion 2014". ITV Press Centre. UK: ITV. 29 Ene 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hulyo 2014. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Martin, Lara (27 Dis 2013). "Big Reunion series two: Damage, Eternal, A1, 3T Girl Thing, 5th Story". Reveal.co.uk. UK: Hearst Magazines. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 Borden, Timothy (2003). "Contemporary Musicians:A1". Encyclopedia.com. HighBeam™ Research, Inc. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Glorioso, Bot (19 Okt 2001). "Falling in love with a1". philstar.com. Pilipinas: Philstar. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hodgson, Claire (13 Peb 2014). "The Big Reunion 2014: Everything you need to know about this year's bands from A1 to Eternal". Mirror.co.uk. UK: MGN Ltd.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "iTunes Preview: Here We Come (a1)". iTunes. Apple Inc. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 14.2 "A1". last.fm. Last.fm Ltd. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "iTunes Preview:The a List (a1)". iTunes. Apple Inc. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hodges, Jacqueline (2002). "A1 Make It Good Review". BBC Music. UK: BBC. Nakuha noong 7 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A1: Greatest Hits". Amazon.com. Nakuha noong 14 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Celebrity Big Brother: Ben Adams - Top 10 facts you need to you about the former boyband singer". Mirror.co.uk. 7 Ene 2009. Nakuha noong 14 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Celebrity Big Brother: Ben finishes fifth!". What's on TV. 23 Ene 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Enero 2014. Nakuha noong 14 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ATTITUDE GOES NAKED WITH BEN ADAMS". Ethan Says. 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hunyo 2012. Nakuha noong 14 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abunda, Boy (1 Mar 2012). "Ben Adams: Being naked is awesome (but he regrets baring it)". philstar.com. Pilipinas: Philstar. Nakuha noong 14 Peb 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)