Organismong aerobiko
Ang organismong aerobiko (Ingles: aerobic organism, aerobe, o aerobic[1]) ay isang organismo katulad ng mga mikrobyo o bakterya[1] na nabubuhay, naninirahan, namamalagi at lumalaki sa isang kapaligirang oksihenado (may oksiheno o "hangin").[2][1] Ipinakita ni Louis Pasteur na mayroong ibang mga mikrobyo na hindi nabubuhay kapag may hangin, subalit nakukuha nila ang kanilang oksiheno sa pamamagitan ng dekomposisyon (pagkaagnas) ng mga langkapan o tambalan (compound) na kinalilitawan nito. Ang ganitong mga uri ng mga organismong hindi nabubuhay kapag may hangin, upang mapagkaiba, ay tinatawag na mga anaerobiko o anaerobe (katulad ng germ ng tetanus, ang drumstick bacillus.[1]
Mga uri
baguhin- Ang mga obligate aerobe ay kailangan ng oksiheno upang lumaki. Sa prosesong tinatawag na respirasyong selular, ang mga organismong ito ay gumagamit ng oksiheno upang malagyan ng oksiheno (oksidasyon o maoksidahan) ang mga substrata (substrate), katulad ng mga asukal at mga taba at makalikha ng enerhiya.
- Ang mga facultative anaerobe o facultative aerobia[1] (aerobiang pakultatibo) ay gumagamit ng oksiheno kung mayroon, subalit mayroon ding mga metodong anaerobiko para sa produksiyon ng enerhiya, na nakabatay sa partikular na mga kalagayan.[1]
- Ang mga microaerophile ay nangangailangan ng oksiheno para sa produksiyon ng enerhiya, subalit napipinsala ng mga konsentrasyong atmosperiko (pagtitipon sa atmospera) ng oksiheno (21% O2).
- Ang mga Aerotolerant anaerobe (aerotolerante) ay hindi gumagamit ng oksiheno subalit hindi napipinsala ng oksiheno.
Glukosa
baguhinAng isang halimbawa ng paggamit ng oksiheno ay ang oksidasyon ng glukosa (isang monosaccharide) sa respirasyong aerobiko.
Ang oksiheno ay ginagamit habang nagaganap ang oksidasyon ng glukosa at nalilikha ang tubig.
Ang ekwasyong ito ay isang buo ng kung ano talaga ang nagaganap sa tatlong mga serye ng mga reaksiyong biyokemikal: glikolisis (glycolysis), ang siklong Krebs (Krebs cycle), at posporilasyong oksidatibo (oxidative phosphorylation).
Halimbawa
baguhinAng pampaalsa (lebadura) ay isang halimbawa ng anaerobe na pakultatibo. Pinaka mahusay ang paglaki nito sa pagkakaroon ng oksiheno subalit hindi nito talagang kailangan ang oksiheno.