Alpabetong Penisyo

(Idinirekta mula sa Alpabetong Phoenicio)

Ang alpabetong Penisyo ay isang alpabeto (para mas maging tiyak, isang abyad)[3] na kilala sa modernong panahon sa pamamagitan ng mga inskripsyong Kananita at Arameo na matatagpuan sa buong rehiyon ng Mediteraneo.

Alpabetong Penisyo
UriAbyad
Mga wikaPenisyo, Puniko.
Panahonc. 1050–150 BK[1]
Mga magulang na sistema
Mga anak na sistema
Mga kapatid na sistema
ISO 15924Phnx, 115
DireksyonKanan-kaliwa
Alyas-UnicodePhoenician
Lawak ng UnicodeU+10900–U+1091F
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA.

Ang alpabetong Penisyo ay tinatawag ding Maagang Sulat Linyar o Early Linear script sa Ingles (sa kontekstong Semitiko, hindi konektado sa Minoeng sistema ng pagsulat), dahil isa itong maagang paglinang ng piktograpikong sulat Proto- o Lumang Kananita, patungo sa linyar, paalpabetong sulat, na nagmamarka rin ng paglipat mula sa multi-direksyonal na sistema ng pagsulat, kung saan iba-iba ang direksyon ng pagsusulat, patungo sa kontroladong sulat na pahalang at kanan-pakaliwa.[4] Ang hinalinhan nito, alpabetong Pro-Kananita, Lumang Kananita, o maagang Kanlurang Semitiko,[5][4] na ginamit sa mga huling yugto ng Hulihang Panahon ng Bronse una sa Canaan at pagkatapos sa mga kahariang Sirio-Heteo, ay ang pinakamatandang ganap na alpabeto, na nagmumula talaga sa mga heroglipikong Ehipsiyo.[6]

Ipinansulat ang alpabetong Penisyo ng mga wikang Kananita ng Simulang Panahon ng Bakal, na isinubkategorya ng mga mananalaysay bilang wikang Penisyo, Ebreo, Moabita, Amonita at Edomita, pati Lumang Aramaiko. Humantong ang paggamit nito sa Penisya (Lebante sa tabing-dagat) sa malawakang pagpapakalat nito sa labas ng sakop-Kananita, ipinakalat ng mga Penisyong mangangalakal sa buong Mediteraneo, kung saan hiniram at binago ng maraming iba pang kultura. Naging isa ito sa mga pinakamalaganap na ginagamit na sistema ng pagsulat. Patuloy na ginamit ang alpabetong Penisyo sa Sinaunang Kartago hanggang ika-2 dantaon BK (kilala bilang wikang Puniko), habang sa ibang lugar, nagbunga ito ng mga iba't ibang pambansang alpabeto, kabilang dito ang Aramaiko at Samaritano, iilang sulat Anatolyano, at mga sinaunang alpabetong Griyego. Sa Malapit na Silangan, naging labis na matagumpay ang alpabetong Arameo, na umakay sa parisukating sulat Ebreo at sulat Arabe, bukod sa iba pa.

Binubuo ang "Penisyong tumpak" ng 22 katinig lamang, habang pahiwatig ang mga tunog-patinig, ngunit ginagamit ng mga ilang huling baryante ang matres lectionis para sa mga ilang patinig. Dahil inukit ang mga titik gamit ang panulat, karamihan ng mga titik ay anggular at matuwid, ngunit unti-unting sumikat ang mga kursibang bersyon, na humantong sa alpabetong Neo-Puniko ng Hilagang Aprika sa panahong Romano. Kadalasan, kanan-pakaliwa ang pagsulat ng Penisyo, pero sa mga ilang teksto, nagsasalisi ang direksyon (bustropedon).

Titik Pangalan Kahulugan Numerong halaga Transliterasyon Kaukulan titik sa
Ebreo Arabe Griyego Latin
Aleph ʾāleph kapong baka 1 ʾ א Αα Aa
Beth bēth bahay 2 b ב Ββ Bb
Gimel gīmel panghilagpos/kamelyo 3 g ג Γγ Cc, Gg
Daleth dāleth pinto 4 d ד Δδ Dd
He dungawan 5 h ה Εε Ee
Waw wāw kawit 6 w ו (Ϝ ϝ), Υυ Ff, Uu, Vv, Ww, Yy
Zayin zayin sandata 7 z ז Ζζ Zz
Heth ḥēth bakod 8 ח Ηη Hh
Teth ṭēth gulong 9 ט Θθ
Yodh yōdh bisig/kamay 10 y י Ιι Ii, Jj
Kaph kaph palad 20 k כ Κκ Kk
Lamedh lāmedh patpat 30 l ל Λλ Ll
Mem mēm tubig 40 m מ Μμ Mm
Nun nun ahas 50 n נ Νν Nn
Samekh sāmekh isda 60 s ס Ξξ, Χχ Xx
Ayin ʿayin mata 70 ʿ ע Οο Oo
Pe bibig 80 p פ Ππ Pp
Sade ṣādē papirus 90 צ (Ϻϻ)
Qoph qōph butas ng karayom 100 q ק (Ϙϙ) Qq
Res rēš ulo 200 r ר Ρρ Rr
Sin šin ngipin 300 š ש ش Σσ Ss
Taw tāw sagisag 400 t ת Ττ Tt


Mga sanggunian

baguhin
  1. Karaniwan ang petsang 1050 BK, ang mga pinakamatatandang-kilalang inskripsyon ay mula sa ika-10 dantaon BK; ang mga hinalinhang sulat sa mga kahariang Sirio-Heteo ng mga ika-13 hanggang ika-12 dantaon BK ay inuuri bilang "Proto-Kananita". Humina ang paggamit ng sulat Penisyo noong panahong Helenistiko dahil pinalitan ito ng mga mas makabagong anyo; naging lipas ito sa pagkawasak ng Kartago noong 149 BK.
  2. Himelfarb, Elizabeth J. "First Alphabet Found in Egypt", Archaeology 53, Issue 1 (January/February 2000): 21.
  3. Fischer, Steven Roger (2004). A history of writing [Isang kasaysayan ng pagsusulat] (sa wikang Ingles). Reaktion Books. p. 90.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Cross, Frank Moore (1980). "Newly Found Inscriptions in Old Canaanite and Early Phoenician Scripts" [Mga Bagong Natuklasang Inskripsyon sa mga Sulat Lumang Kananita at Maagang Penisyo]. Bulletin of the American Schools of Oriental Research (sa wikang Ingles). The University of Chicago Press on behalf of The American Schools of Oriental Research. 238 (No. 238 (Spring, 1980)): 1–20. doi:10.2307/1356511. JSTOR 1356511. {{cite journal}}: |issue= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Krahmalkov, Charles R. (2002). Kaltner, John; McKenzie, Steven L. (mga pat.). Beyond Babel: A Handbook for Biblical Hebrew and Related Languages [Higit sa Babel: Isang Hanbuk para sa Ebreong Bibliyahin at mga Kaugnay na Wika] (sa wikang Ingles). ISBN 9780884143840. Ang alpabetong ito, na madalas nagkakamali sa pagsabi, ay hindi inimbento ng mga Penisyo, ngunit, sa halip nito, ay pag-aakma ng alpabetong maagang Kanlurang Semitiko sa mga pangangailangan ng kanilang sariling wika (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Howard, Michael C. (2002). Transnationalism in Ancient and Medieval Societies [Transnasyonalismo sa mga Lipunang Sinauna at Edad Medya] (sa wikang Ingles). p. 23. ISBN 9780786490332.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)