"Ang Apoy-Bibit" o "Ang Sumasayaw na Dalagang Apoy" (Ruso: Огневушка-поскакушка, tr. Ognevushka-poskakushka literal. Ang "ang lumuluksong na babaeng apoy") ay isang maikling kuwento ng kuwentong bibit na isinulat ni Pavel Bazhov, batay sa alamat ng rehiyon ng Ural ng Siberia. Una itong inilathala noong 1940 sa koleksiyon ng mga kuwentong pambata na Morozko na inilabas ng Sverdlovsk Publishing House.[1] Kalaunan ay isinama ito sa koleksyon ng Ang Kahong Malakita.[2] Sa kuwentong-bibit na ito, nakilala ng mga tauhan ang babaeng nilalang mula sa alamat ng Ural na tinatawag na Poskakushka (lit. "ang tumatalon/lumuluksong babae"), na kayang gawin ang mahiwagang sayaw na nagpapakita ng mga deposito ng ginto. Ito ay isa sa mga pinakasikat na kuwento ng koleksiyon.[3][4] Isinalin ito mula sa Ruso sa Ingles ni Alan Moray Williams noong 1944, at ni Eve Manning noong dekada 1950.

Ipinahiwatig ni Pavel Bazhov na ang lahat ng kaniyang mga kuwento ay maaaring hatiin sa dalawang grupo batay sa tono: "tonong pambata" (hal. "Pilak na Kuko") at "tonong pangmatanda" (hal "Ang Batong Bulaklak"). Tinawag niya ang "Ang Apoy-Bibit" bilang isang kuwentong "tonong-pambata".[5] Ang mga ganitong kwento ay may mga simpleng kuwento, mga bata ang pangunahing tauhan, at tinutulungan sila ng mga gawa-gawang nilalang, kadalasang humahantong sa kuwento sa isang masayang pagtatapos.[6]

Paglalathala

baguhin

Noong 1939 si Klavdiya Rozhdestvenskaya, ang punong-patnugot ng Sverdlovsk Publishing House, ay nagtatrabaho sa aklat ng mga bata na Morozko. Nagpasya siyang isama ang kuwentong bibit ni Bazhov na "Pilak na Kuko" dito, na dati nang inilathala sa Uralsky Sovremennik, at sinabi kay Bazhov na kailangan niya ng isa o dalawa pang kuwento. Sumagot si Bazhov na mayroon siyang ideya tungkol sa tauhang Poskakushka, ngunit kailangan niyang bumalik sa pabrika at "i-relive ang mga lumang alaala" sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa ilang mga nagkukuwento. Matapos ang isang maikling paglalakbay sa Polevskoy, tinapos ni Bazhov ang "Ang Apoy-Bibit". Ang kuwentong-bibit ay inilathala sa Morozko at naging isang tanyag na kuwentong pambata.[7]

Mga pinagkuhanan

baguhin

Ang mga kwento ni Bazhov ay batay sa tradisyong pasalita ng mga minero at naghahanap ng ginto.[kailangan ng sanggunian] Sa kanilang mga kuwento, si Poskakushka ay isang sumasayaw na babaeng nagpapakita ng lokasyon ng ginto.[8] Ang tulong ng naturang gawa-gawang nilalang ay magpapaliwanag kung bakit ang ilang mga minero ay mas masuwerte kaysa iba,[kailangan ng sanggunian] at hindi maipaliwanag na mga natural na phenomena tulad ng lokasyon ng ginto.[9] Minsan ay tinatawag siyang anak ni Poloz ang Dakilang Ahas mula sa "Ang Dakilang Ahas".[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Bazhov 1952, p. 246.
  2. "Огневушка-поскакушка" [The Fire-Fairy] (sa wikang Ruso). FantLab. Nakuha noong 7 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Balina 2013, p. 265.
  4. Budur, Natalya (2005). "Bazhov". The Fairy Tale Encyclopedia (sa wikang Ruso). Olma Media Group. pp. 34–35. ISBN 9785224048182.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Bazhov P. P. The Malachite Box" (sa wikang Ruso). Bibliogid. 13 Mayo 2006. Nakuha noong 25 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Litovskaya 2014, p. 247.
  7. Rozhdestvenskaya, Yelena (2005). "Moemu neizmenno okryljajushhemu redaktoru: vspominaja Pavla Petrovicha Bazhova" Моему неизменно окрыляющему редактору: вспоминая Павла Петровича Бажова [To my always inspiring editor: remembering Pavel Petrovich Bazhov]. Ural (sa wikang Ruso). 1.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Blazhes 1983, p. 10.
  9. 9.0 9.1 Bazhov 1952, p. 245.