Aklat ng Karunungan

(Idinirekta mula sa Ang Karunungan ni Solomon)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ng Karunungan[1] o Ang Karunungan ni Solomon[2] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya, na nasusulat sa wikang Griyego.[2] Dahil nasa Griyego, hindi ito kabilang sa kanon ng mga Hudyo.[1]

May-akda

baguhin

Hindi nakikilala ang kung sino ang sumulat ng Aklat ng Karunungan.[1][2] Ngunit nalalamang kasapi siya sa isang maliit na bansang kinabibilangan ng mga Hudyo sa Alejandria, Ehipto. Paminsan-minsang ginagamit ng may-akda sa kaniyang pagsulat ng akdang ito ang katauhan ni Haring Salomon. Ginawa niya ito para magkaroon ng diin ang kaniyang pangangaral.[1]

Panahon

baguhin

Isinulat ang aklat na ito noong 100 BK.[1]

Katangian

baguhin

Ginamitan ito ng may-akda ng mga kaugalian ng mga Hudyo at ng mga pilosopiya ng mga Griyego. Nagtuturo ang aklat ng pananaw na ang nagbibigay ang Diyos ng gantimpala sa mga matapat sa kaniya.[2] Kinalalangkapan ang aklat ng mga bahaging gamit para sa liturhiya ng Katolikong Iglesya. Isang masinsinang paghahanda sa mga pangaral ni Hesus at ng kaniyang Simbahan ang unang sampung kabanata.[1]

Layunin

baguhin

Isa sa mga layunin ng may-akda ng aklat na ito ang pagtibayin ang kalooban ng kaniyang mga kababayan pagkaraan ng paghihirap at pagkaapi habang nasa Babilonia. Kailangang magkamit ang mga mamamayan ng mga karunungang maka-Diyos na magagamit sa pagtatagumpay ng bayang Ebreo. Ipinakikita rin dito ang pagkabigo ng mga bansang Sodoma, Ehipto, at Canan dahil sa kawalan ng karunungan.[1]

Nilalaman

baguhin

Binubuo ang Aklat ng Karunungan ng limang mga bahagi:[1]

  • Gantimpala ng Katarungan (1,1 - 6,21)
  • Pagpuri ni Salomon (6,22 - 11,1)
  • Tanging Pamamahala ng Diyos sa Pagtakas ng Israel (11,2 - 12,27)
  • Kahangalan at kahiya-hiya ang Pagsamba sa mga diyus-diyosan (13,1 - 15,17)
  • Pamamahala ng Diyos sa Panahon ng Pagtakas (15,18 - 19,22)

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 Abriol, Jose C. (2000). "Karunungan, Aklat ng Karunungan". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Ang Karunungan ni Solomon, mula sa Ang Biblia, AngBiblia.net Ang Karunungan ni Solomon], Ang Biblia, Ang Biblia.net

Panlabas na kawing

baguhin