Ang Ladlad
Ang Ladlad ay isa partidong pampolitika ng Pilipinas para sa mga taong ang kasarian ay lesbiyana, bakla, bisekwal, at transgender o isang taong nagpalit ng kanyang kasarian (LGBT). Itinatag ito noong 21 Setyembre 2003, ni Danton Remoto, isang Associate Professor (propesor o guro) ng Wikang Inggles sa Pamantasan ng Ateneo de Manila.[1]
Ang Ladlad | |
---|---|
Pinuno | Danton Remoto |
Tagapangulo | Danton Remoto |
Itinatag | 21 Setyembre 2003 |
Palakuruan | Karapatang pan-LGBT |
Posisyong pampolitika | Gitna, Gitna't kaliwa, Kaliwa |
Opisyal na kulay | Pink |
Website | |
Ang Ladlad website |
Paniniwala ng grupo na isulong ang karapatang pantao sa lahat ng mamamayang Pilipino, LGBT man o hindi.
Kasaysayan
baguhinNinais ng Ang Ladlad na lumahok sa pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2007 ngunit hindi sila pinayagan dahil sa kakulangan umano ng mga miyembro sa buing bansa.[2]
Noong Disyembre 2009, tumutol ulit ang Comelec sa petisyon ng partido para tumakbo sa pangkalahatang halalan sa Pilipinas, 2010 sa baehang "imoralidad",[3] Humiling ang partido sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, kaya't noong 12 Enero 2010, binigyan nito ang partido ng isang temporary restraining order na nagbibigay ng utos na iimprenta sa mga balota ang pangalan ng partido.[4] Ganap na pinayagan ng Kataas-taasang Hukuman na lumahok sa halalan ang partido noon 8 Abril 2010.
Sa halalan, nakatanggap ang party ng 113,187 votes o 0.37%. Ito ay mas mababa sa 2% na kinakailangan upang makakuha ng posisyon sa Kongreso. Noong 2013, nabigo mula ang partido makakuha ng 2% ng boto. Dahil sa pagkatalo, naging diskwalipikado ang partido sa paglahok sa 2016 na halalan. [5]
Programa at platporma
baguhinAng mga sumusunod ay ang mga paniniwala at plataporma ng Ang Ladlad:[1]
- Pagpasa muli ng isang Batas Laban sa Diskriminasyon na nagbibigay ng pantay na oportunidad sa trabaho at pantay na turing sa mga paaralan, mga pagamutan, mga kainan, mga hotel, mga lugar panlibangan, at mga tanggapan ng pamahalaan.
- Pagpasa muli ng batas na nagpapawalangbisa ng Batas Laban sa Bigransiya (Anti-Vagrancy Law) na nagbibigay kapangyarihan sa mga pulis na humuli ng mga LGBT sa anumang rason maliban sa krimen.
- Pagtataguyod ng mga hanapbuhay para sa mga mahihirap at may kapansanag LGBT;
- Pagtatayo ng mga tahanan para sa mga "Golden Gays:, o mga matatanda at napabayaan na'ng LGBTs, pati rin mga kabataang LGBT na pinalayas sa kani-kanilang mga tahanan. rMagbibigay din ang mga tahanang ito ng legal na tulong at pagpapayo, pati rin impormasyon sa mga iyung patungkol sa LGBT, gay ng HIV-AIDS at kalusugan sa pag-aanak. Matatagpuan ang mga tahanang ito sa mga malalaking mga lungsond gaya ng -Baguio, Cebu, Davao, at Maynila.
Hindi kabilang ang pagpapakasal ng mga LGBT (same-sex marriage) sa kanilang adyenda.[6]
Sangguninan
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "About Ang Ladlad". Ang Ladlad. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-04-14. Nakuha noong 18 Marso 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2010-04-14 sa Wayback Machine. - ↑ Aning, Jerome (2007-03-01). "Gay party-list group Ladlad out of the race". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-26. Nakuha noong 2010-01-18.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-26. Nakuha noong 2010-04-11.{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CHR backs Ang Ladlad in Comelec row". ABS-CBN News. 15 Nobyembre 2009. Nakuha noong 10 Disyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Romero, Purple (2009-01-12). "Supreme Court issues TRO for Ang Ladlad". ABS-CBNNews.com/Newsbreak. Nakuha noong 2010-01-15.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Padron:Web
- ↑ Jorge Cariño (9 Disyembre 2009). "Church not anti-gay, says priest". ABS-CBN News. Nakuha noong 10 Disyembre 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)