Kawalang trabaho

Jobless
(Idinirekta mula sa Antas ng kawalang trabaho)

Ang kawalang-trabaho (Ingles: unemployment), ayon sa OECD (Organisasyon para sa Ekonomikang Pakikipagtulungan at Kaunlaran), ay kung ang mga taong nakatatanda sa nakatukoy na edad (kadalasan 15)[2] ay hindi binabayaran sa pinaghahanapbuhayan o sariling hanapbuhay ngunit makakapagtrabaho sa tinutukoy na yugto.[3]

Antas ng kawalang-trabaho, 2017[1]

Sinusukat ang kawalang-trabaho ng antas ng kawalang-trabaho, na bilang ng mga tao na walang trabaho bilang bahagdan ng lakas-paggawa (idinagdag ang kabuuang bilang ng tao na may trabaho sa mga walang trabaho).[4]

Marami ang posibleng sanhi ng kawalang-trabaho, tulad ng:

Ang kawalang-trabaho at kalagayan ng ekomnomiya ay maaaring maimpluwensiyahan ng bansa sa pamamagitan ng patakarang pampananalapi, bilang halimbawa. Bukod pa riyan, makaiimpluwensiya ang awtoridad ng salapi ng bansa, tulad ng bangko sentral, sa pagkakaroon at gastos para sa pera sa pamamagitan ng patakarang pang-salapi nito.

Karagdagan sa mga teorya ng kawalang-trabaho, ginagamit ang iilang pagkakakategorya nito para sa mas tumpak na pagmomodelo sa mga epekto nito sa loob ng sistemang pang-ekonomiya. Kabilang sa mga pangunahing uri ng kawalang-trabaho ang istruktural (structural), pakiskis (frictional), siklikal (cyclical), di-boluntaryo (involuntary) at klasikal (classical). Nakatuon ang istruktural sa mga problema sa pundasyon ng ekonomiya at pagkawalang-liksi na likas sa mga merkado ng paggawa, kabilang ang hindi pagtutugma ng pagpupuno at pangangailangan ng mga manggagawa na may kinakailangang mga kasanayan. Nagbibigay-diin ang mga argumentong istruktural sa mga sanhi at solusyon na may kaugnayan sa mga teknolohiyang nakakagambala and globalisasyon. Nakatuon naman ang mga talakayan sa pakiskis sa mga boluntaryong pagpapasya na magtrabaho ayon sa pagpapahalaga ng indibiduwal sa kanyang sariling trabaho at kung paano ito maihahambing sa kasalukuyang antas ng sahod pati sa oras at pagsisikap na kinakailangan para maghanap ng trabaho. Madalas tumutugon ang mga sanhi at kalutasan para sa pakiskis na kawalang-trabaho sa bungad ng pagpasok sa trabaho at mga antas ng sahod.

Ayon sa Pandaigdigang Organisasyon sa Paggawa (ILO) ng UN, 172 milyon katao sa buong mundo (o 5% ng iniulat na pandaigdigang lakas-paggawa) ang walang trabaho noong 2018.[5]

Dahil sa hirap sa pagsusukat ng antas ng kawalang-trabaho sa pamamagitan ng, bilang halimbawa, mga surbey (tulad ng sa Estados Unidos) o nakarehistrong mamamayan na walang trabaho (tulad ng sa ilang bansa sa Europa), baka mas mainam ang mga estadistikal na bilang tulad ng tagway ng may trabaho sa populasyon (employment-to-population ratio) sa pagsusuri ng kalagayan ng lakas-paggawa at ekonomiya kung batay ang mga ito sa mga taong nakarehistro, halimbawa, bilang mga namumuwis.[6]

Mga kahulugan, uri, at teorya

baguhin
 
Kawalang-trabaho sa Mehiko 2009

Ang kalagayan ng pagkawalang trabaho ngunit naghahanap ng trabaho ay kawalang-trabaho. Ipinapakita ng mga ekonomista ang mga pagkakaiba sa mga iba't ibang nagkakasanib na uri at teorya nito, kabilang dito ang siklikal o Keynesiyano, pakiskis, istruktural at klasikal. Kabilang sa ilang karagdagang uri nito na binabanggit paminsan-minsan ang pana-panahon, matatag, at nakatago.

Bagaman nagkaroon ng iilang kahulugan ng kawalang-trabaho na "boluntaryo" at "di-boluntaryo" sa panitikan sa ekonomika, madalas na inilalapat ang isang simpleng kaibhan. Tumutukoy ang boluntaryong uri sa mga desisyon ng indibidwal, ngunit umiiral ang di-boluntaryong uri dahil sa kapaligirang sosyo-ekonomiko (kabilang dito ang istruktura ng merkado, pamamagitan ng goberyo, at antas ng agregatong pangangailangan) kung saan nakagagalaw ang mga indibidwal. Sa ganitong mga termino, karamihan ng pakiskis na uri ay boluntaryo dahil sumasalamin ito sa indibidwal na pag-uugali sa paghahanap. Kabilang sa boluntaryong uri ang mga manggagawa na tumatanggi sa mga trabahong may mababang sahod, ngunit kabilang sa di-boluntaryong uri ang mga manggagawang nasisante dahil sa krisis sa ekonomiya, pagbagsak ng industriya, pagbangkarota ng kumpanya, o muling pagbubuo ng organisasyon.

Sa kabilang dako, halos di-boluntaryo naman ang mga kawalang-trabaho na siklikal, istruktural, at klasikal. Gayunman, maaaring sumalamin ang pag-iiral ng istruktural na uri sa mga pinili ng mga walang trabaho sa nakaraan, at maaaring ikaresulta sa klasikal (natural) na uri ang mga napagdesisyunang pambatasan at pang-ekonomika ng mga unyon ng mga manggagawa o lapian sa pulitika.

Ang mga pinakamalinaw na kaso ng di-boluntaryong kawalang-trabaho ay kung saan may mas kaunting bakanteng trabaho kaysa sa mga walang trabho kahit na nakasasaayos ang sahod at kaya kahit na mapuna man ang lahat ng pagkabakante, magkakaroon pa rin ng mga manggagawa na walang trabaho. Nangyayari ito sa siklikal na uri, dahil pinapangyayari ng mga puwersang makroekonomiko ang mikroekonomikong kawalang-trabaho, na maaaring tumalbog at magpalala sa mga puwersang makroekonomiko na iyon.

Klasikal na kawalang-trabaho

baguhin

Nagaganap ang klasikal na kawalang-trabaho (classical o real-wage unemployment) kapag nakatakda sa itaas ng lebel ng ekilibriyo ang totoong sahod para sa isang trabaho, kaya nakararami ang bilang ng mga naghahanap ng trabaho kaysa sa bilang ng mga pagkabakante. Sa kabilang dako, ikinakatuwiran ng maraming ekonomista na habang bumababa ang sahod sa maikabubuhay, marami ang nagsisialis sa merkado ng paggawa at hindi na naghahanap ng trabaho. Totoo iyon lalo na sa mga bansa kung saan sinusuportahan ang mga pamilyang may mababang kita sa pamamagitan ng mga sistemang pangkapakanan ng publiko. Sa ganoong mga kaso, dapat sapat ang taas ng sahod para maiudyok ang mga tao na magtrabaho kaysa tumanggap mula sa kapakanan ng publiko. Malamang na ang sahod na nakabababa sa maikakabuhay na sahod ay magreresulta sa mas mababang pakikilahok sa merkado ng paggawa sa senaryo na nakabanggit sa itaas. Bilang karagdagan, ang pagkonsumo ng paninda at serbisyo ay ang pangunahing pampataas ng pangangailangan sa manggagawa. Samakatuwid, ipinapataas ng mas mataas na sahod ang pangkalahatang pagkonsumo at dahil dito, tumataas ang pangangailangan sa manggagawa at bumababa ang kawalang-trabaho.

Ikinatuwiran ng maraming ekonomista[sinong nagsabi?] na tumataas din ang kawalang-trabaho habang nadadagdagan ang regulasyon ng gobyerno. Halimbawa, ipinapataas ng batas ukol sa pinakamababang sahod ang gastos ng iilang manggagawa na may mababang kasanayan sa taas ng ekilibriyo ng merkado, na nagreresulta sa pagtaas ng kawalang-trabaho dahil hindi makakapagtrabaho ang mga gustong magtrabaho sa kasalukuyang halaga (dahil mas mataas ang halaga ng bagong sahod kaysa sa halaga ng kanilang paggawa).[7][8] Mas malamang na hindi mag-aarkila sa simula pa lamang kung may mga batas na naghihigpit sa pagtanggal sa trabaho, dahil tumataas ang panganib ng pag-aarkila.[8]

Gayunman, masayadong pinapapayak ng argumento ang relasyon ng antas ng sahod at kawalang-trabaho, dahil hindi binibigyang-pansin ang mga iba pang salik na nagbubunga ng kawalang-trabaho.[9][10][11][12][13] Inimumungkahi ng ilan, tulad ni Murray Rothbard, na kahit ang mga kabawalan sa lipunan ay nakapipigil sa pagbaba ng sahod tungo sa lebel ng ekilibriyo.[14]

Sa Out of Work: Unemployment and Government in the Twentieth-Century America [Walang Trabaho: Kawalang-trabaho at Gobyerno sa Amerika ng Ikadalawampung Siglo], ikinakatuwiran ng mga ekonomistang Richard Vedder at Lowell Gallaway na pinapatunay ng empirikal na rekord ng mga antas ng sahod, produktibidad, at kawalang-trabaho sa Amerika ang klasikong teorya ng kawalang-trabaho. Nagpapakita ang kanilang datos ng matinding kaugnayan sa pagitan ng iniakmang totong sahod at kawalang-trabaho sa Estados Unidos mula 1900 hanggang 1990. Subalit pinaninindigan nila na hindi isinasaalang-alang ang mga pangyayaring eksoheno.[15]

Siklikal na kawalang-trabaho

baguhin

Nagaganap ang siklikal o Keynesianong kawalang-trabaho (cyclical, deficient-demand, o Keynesian unemployment) kapag hindi sapat ang agregatong pangangailangan sa ekonomiya para makapaglaan ng trabaho para sa lahat na gustong magtrabaho. Bumababa ang pangangailangan para sa karamihan ng paninda at serbisyo, mas kaunting produksiyon ang kinakailangan at dahil dito mas kaunting manggagawa ang kinakailangan, ang mga sahod ay madikit at hindi bumababa para umabot sa lebel ng ekilibriyo, na nagbubunga ng kawalang-trabaho.[16] Nagmula ang pangalan nito sa malimit na taas at baba sa siklo ng negosyo, ngunit maaaring magpatuloy rin ang kawalang-trabaho, tulad noong Matinding Depresyon.

Sa sikikal na uri, nakahihigit ang bilang ng walang trabaho sa bilang ng mga bakanteng trabaho at kaya kahit na mapunan ang lahat ng mga trabaho, mananatili pa ring walang trabaho ang mga ilang manggagawa. Iniuugnay ng ilan ang sikikal at pakiskis na kawalang-trabaho dahil ang mga salik na nagiging sanhi ng pagkikiskisan ay bahagyang dahil sa mga baryableng siklika. Halimbawa, ang pabiglang bawas sa panustos ng salapi ay maaaring humadlang bigla sa agregatong pangangailangan at sa gayon humadlang sa pangangailangan sa manggagawa.

Sa kabilang dako, itinuturing ng mga Keynesianong ekonomista na posibleng mailutas ang kakulangan sa panustos ng trabaho sa pamamagitan ng pakikialam ng pamahalaan. Sangkot sa isang iminungkahing pakikialam ang paggastos ng depisit (deficit spending) upang madagdagan ang pangangailangan ng paggawa at paninda. Sangkot naman sa isa pang pakikialam ang patakarang pang-salapi na pampalawak upang lumaki ang panustos ng pera, na magpapababa dapat sa antas ng interes, na, hahantong naman dapat sa pagtaas sa di-pampamahalaang paggastos.[17]

Kawalang-trabaho sa ilalim ng "buong empleo"

baguhin
 
Panandaliang Kurba ni Phillips bago at pagkatapos ng Patakarang Pampalawak kasama ng Pangmatagalang Kurba ni Phillips (NAIRU). Paalala, gayunman, na ang antas ng kawalang-trabaho ay di-tumpak na tagahula ng implasyon sa matagal na panahon.[18][19]

Sa teoryang nakabatay sa pangangailangan, posibleng pawiin ang siklikal na kawalang-trabaho sa pagtataas ng agregatong pangangailangan para sa mga produkto at manggagawa. Gayunman, sa dakong huli, aabot ang ekonomiya sa "hadlang ng implasyon" na ipinapataw ng apat ng mga iba pang uri ng kawalang-trabaho sa lawak ng pag-iral nila. Iminumungkahi ng karanasan buhat sa kasaysayan na nakaaapekto ang mababang kawalang-trabaho sa implasyon sa panandalian ngunit hindi sa pangmatagalang panahon.[18] Sa matagal na panahon, mas nakahuhula ng implasyon ang mga pansukat ng tulin ng panustos ng pera tulad ng tulin ng MZM ("money zero maturity" na kumakatawan sa pera at katumbas na demand deposit) kaysa sa mababang empleo.[19][20]

Nakikita ng ilang ekonomistang makateorya sa pangangailangan ang hadlang ng implasyon bilang katumbas sa likas na antas ng kawalang-trabaho. Ang "likas" na antas ng kawalang-trabaho ay binigyan-kahulugan bilang antas ng kawalang-trabaho na umiiral kapag nasa ekilibriyo ang merkado ng manggagawa, at walang presyon para sa pataas na antas-implasyon o pababa na antas-implasyon. Isa pang alternatibong teknikal na termino para sa antas na iyon ang NAIRU, ("Non-Accelerating Inflation Rate of Unemployment" o "Di-napapabilis na Antas-implasyon ng Kawalang-Trabaho"). Anuman ang pangalan nito, ipinapalagay ng teorya ng pangangailangan na kung "bumaba masyado" ang antas ng kawalang-trabaho, mapapabilis ang implasyon sa pagkawala ng mga kontrol sa sahod at presyo (patakaran sa kita).

Ang isa sa mga pangunahing problema sa teoryang NAIRU ay walang sinuman ang may alam kung ano ang totoong NAIRU, at malinaw na naiiba-iba ito sa paglipas ng panahon.[18] Maaaring napakataas ang palugit ng pagkakamali (margin of error) kaugnay sa totoong antas ng kawalang-trabaho, kaya mahirap gamitin ang NAIRU sa paggawa ng mga patakaran.[19]

Ang isa pang, normatibong, kahulugan ng buong empleo ay maaaring tawagan ay matatawag na ulirang antas ng kawalang-trabaho. Ibinubukod dito ang lahat ng mga uri ng kawalang-trabaho na kumakatawan sa mga anyo ng pagkawalang-liksi. Itong uri ng kawalang-trabaho sa "buong empleo" ay tutugma lamang sa pakiskis na pagkawalang-trabaho (hindi kasama ang bahagi na naghihikayat sa estratehiya ni McJobs sa pamamahala), kaya magiging mababa ito. Gayunman, magiging imposible para makamit itong target na buong empleo kung gagamitin lamang ang maka-pangangailanagang Keynesianong estimulo nang hindi bababa sa NAIRU at nagiging dahilan ng bumibilis na implasyon (mga patakaran sa walang kita). Makatutulong dito ang mga programa sa pagsasanay na naglalayong labanan ang struktural na pagkawala ng trabaho.

Hanggang may umiiral na nakatagong kawalang-trabaho, nagpapahiwatig ito na mahina ang gabay ng mga opisyal na estadistika ng kawalan-trabaho sa anong antas ng kawalan ng trabaho ang tumutugma sa "buong empleo."[18]

Istruktural na kawalang-trabaho

baguhin
 
Ipinapaliwanag ng Batas ni Okun ang kawalang-trabaho bilang punsiyon ng antas ng paglaki ng GDP.

Nagaganap ang istruktural na kawalang-trabaho (structural unemployment) kapag ang merkado ng paggawa ay hindi nakakapagbigay ng trabaho sa lahat ng mga gustong magtrabaho dahil kulang ang pagtutugma ng kasanayan ng mga manggagawa na walang trabaho at ang kasanayan na kinakailangan ng mga mapapasukang trabaho. Mahirap paghiwalayin nang empirikal ang istruktural na kawalang-trabaho mula sa pakikis na kawalang-trabaho maliban lamang sa pagiging mas matagal ng unang ibinanggit. Tulad ng pakiskis na kawalang-trabaho, hindi gagana ang simpleng estimulo sa pangangailangan (demand-side stimulus) upang matanggal nang madali ang ganitong uri ng kawalang-trabaho.

Maaari ring hikayatin na tumaas ang istruktural na kawalang-trabaho ng patuloy na siklikal na kawalang-trabaho: kung nagdurusa ang ekonomiya mula sa pangmatagalang pagkababa ng agregatong pangangailangan, ibig sabihin na nahina ang loob ng karamihan sa mga walang trabaho, at "naluluma" at nagiging lipas na ang kani-kanilang kasanayan (kabilang dito ang kasanayan sa paghahanap ng trabaho). Ang mga problema sa utang ay maaaring humantong sa kawalang-tahanan at pagkahulog sa masamang siklo ng kahirapan.

Ibig sabihin nito na maaaring hindi sila bagay sa mga bakanteng trabaho na ililikha kapag gumaling na ang ekonomiya. Ang implikasyon nito ay ang patuluyang malaking pangangailangan ay maaaring magpababa sa istruktural na kawalang-trabaho. Tinutukoy itong teorya ng pamamalagi sa istruktural ng kawalang-trabaho bilang halimbawa ng pagkadepende sa tinatahak (path dependence) o "histerisis".

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Unemployment rate" [Antas ng kawalang-trabaho]. Our World in Data (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 7, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "OECD Data:Employment rate by age group" [Datos ng OECD:Antas ng pagkakaroon ng trabaho ayon sa pangkat ng edad] (sa wikang Ingles).
  3. "OECD Statistical Glossary: UNEMPLOYED" [Talahulunganang Pang-estadistika ng OECD: KAWALANG-TRABAHO] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-10-16. Nakuha noong 2020-10-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "OECD Statistical Glossary: UNEMPLOYMENT RATE (HARMONISED)" [Talahulunganang Pang-estadistika ng OECD: KAWALANG-TRABAHO (ISINUWATO)] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-02. Nakuha noong 2020-10-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "International Labour Organization: Unemployment rate" [Pandaigdigang Organisasyon sa Paggawa: Antas ng kawalang-trabaho] (sa wikang Ingles).
  6. "OECD TAX IDENTIFICATION NUMBERS" [NUMERO NG PAGKAKAKILANLAN NG BUWIS NG OECD] (sa wikang Ingles).
  7. Hayek, F. A. (1960). The Constitution of Country [Ang Pangangatawan ng Bansa] (sa wikang Ingles). Chicago: University of Chicago Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Anderton, Alain (2006). Economics [Ekonomika] (sa wikang Ingles) (ika-4 (na) edisyon). Ormskirk: Causeway. ISBN 978-1-902796-92-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Garegnani, P. (1970). "Heterogeneous Capital, the Production Function and the Theory of Distribution" [Magkakaibang Kapital, ang Punsiyon ng Paggawa at ang Teorya ng Pamamahagi]. Review of Economic Studies (sa wikang Ingles). 37 (3): 407–436. doi:10.2307/2296729. JSTOR 2296729.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Vienneau, Robert L. (2005). "On Labour Demand and Equilibria of the Firm" [Ukol sa Pangangailangan ng Manggagawa at Ekilibriyo ng Bahay-kalakal]. The Manchester School (sa wikang Ingles). 73 (5): 612–619. doi:10.1111/j.1467-9957.2005.00467.x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Opocher, Arrigo; Steedman, Ian (2009). "Input Price-Input Quantity Relations and the Numéraire" [Relasyon ng Presyo at Dami ng Input at ang Numéraire]. Cambridge Journal of Economics (sa wikang Ingles). 3 (5): 937–948. doi:10.1093/cje/bep005.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Anyadike-Danes, Michael; Godley, Wyne (1989). "Real Wages and Employment: A Skeptical View of Some Recent Empirical Work" [Tunay na Sahod at Empleo: Isang Mapagdudang Pananaw ng Ilang Kamakailang Empirikal na Gawain]. The Manchester School (sa wikang Ingles). 62 (2): 172–187. doi:10.1111/j.1467-9957.1989.tb00809.x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. White, Graham (2001). "The Poverty of Conventional Economic Wisdom and the Search for Alternative Economic and Social Policies" [Ang Karalitaan ng Pangkaraniwang Karunungan sa Ekonomika at ang Paghahanap sa Alternatibong Patakarang Pang-ekonomika at Panlipunan]. The Drawing Board: An Australian Review of Public Affairs (sa wikang Ingles). 2 (2): 67–87.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Rothbard, Murray (1963). America's Great Depression [Ang Matinding Depresyon ng Amerika] (sa wikang Ingles). Princeton: Van Nostrand. p. 45.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Vedder, Richard; Gallaway, Lowell (1997). Out of Work: Unemployment and Government in the Twentieth-Century America [Walang Trabaho: Kawalang-trabaho at Gobyerno sa Amerika ng Ikadalawampung Siglo] (sa wikang Ingles). New York: NYU Press. ISBN 978-0-8147-8792-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Keynes, John Maynard (2007) [1936]. The General Theory of Employment, Interest and Money [Ang Pangkalahatang Teorya ng Empleo, Interes at Salapi] (sa wikang Ingles). Basingstoke, Hampshire: Palgrave Macmillan. ISBN 978-0-230-00476-4. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 16, 2009.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Harris, Seymour E. (2005). The New Economics: Keynes' Influence on Theory and Public Policy [Ang Bagong Ekonomika: Impluwensiya ng Keynes sa Teorya at Patakarang Pampubliko] (sa wikang Ingles). Kessinger Publishing. ISBN 978-1-4191-4534-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 18.2 18.3 Chang, Roberto (1997). "Is Low Unemployment Inflationary?" [Nagpapataas ba ang Mababang Empleo ng Implasyon?] (PDF). Federal Reserve Bank of Atlanta Economic Review (sa wikang Ingles). Blg. 1Q97. pp. 4–13. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Nobyembre 13, 2013.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 19.2 Oliver Hossfeld (2010) "US Money Demand, Monetary Overhang, and Inflation Prediction" [Pangangailangan ng Pera, Pagkasobra ng Pera, at Hula ng Implasyon ng Estados Unidos] (sa Wikang Ingles). International Network for Economic Research working paper no. 2010.4
  20. "MZM velocity" [Katulinan ng MZM] (sa wikang Ingles). Research.stlouisfed.org. Disyembre 20, 2012. Nakuha noong Marso 1, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)