Araling Ingles
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang araling Ingles (Ingles: English studies) ay isang disiplinang pang-akademiya na kinabibilangan ng pag-aaral sa mga panitikan na nasa wikang Ingles (kasama na ang mga panitikan magmula sa Nagkakaisang Kaharian, Mga Nagkakaisang Estado, Republika ng Irlanda, Canada, Australia, New Zealand, Hong Kong, Pilipinas, India, Timog Aprika, at Gitnang Silangan, sa piling ng iba pa), lingguwistikang Ingles (kasama na ang pang-Ingles na ponetika, ponolohiya, morpolohiya, semantika, pragmatika, lingguwistikang korpus, at estilistika), at sosyolingguwistikang Ingles (kasama na ang analisis ng diskurso ng mga tekstong nakasulat at sinasabi sa wikang Ingles, ang kasaysayan ng wikang Ingles, pagkatuto at pagtuturo ng wikang Ingles, at ang pag-aaral ng mga Ingles ng Mundo.
Sa mas malawakan, ang araling Ingles ay gumagalugad sa produksiyon at pagsusuri ng mga tekstong nalikha sa wikang Ingles (o sa mga pook ng mundo na ang Ingles ay isang pangkaraniwang gawi sa pakikipagtalastasan). Pangkaraniwan sa mga kagawarang pang-akademiya ng "Ingles" o "araling Ingles" na ibilang ang mga iskolar ng wikang Ingles, panitikang Ingles (kasama na ang panunuring pampanitikan at teoriyang pampanitikan, lingguwistika, batas, pamamahayag, araling pangkumposisyon, pilosopiya ng wika, karunungang bumasa't sumulat, paglalathala o kasaysayan ng aklat, araling pangkomunikasyon, komunikasyong teknikal, kuwentong bayan, araling pangkultura, malikhaing pagsusulat, teoriyang kritikal, araling pangdisabilidad (araling pangkapansanan), araling makapook (natatangi na ang araling Amerikano), teatro, araling pangkasarian/araling etniko, midyang dihital/paglalathalang elektroniko, araling pampelikula/araling pangmidya, retoriko at pilosopiya/etimolohiya, at sari-saring mga kurso sa sining na liberal at araling pantao, sa piling ng iba pa.
Sa karamihan ng mga bansang nagwiwika ng Ingles, ang mga dimensiyon na pampanitikan at pangkultura ng araling Ingles ay karaniwang isinasagawa sa mga kagawaran ng Ingles ng mga pamantasan, habang ang pag-aaral ng mga tekstong nalikha sa mga wikang hindi Ingles ay nagaganap sa ibang mga departamento, katulad ng mga kagawaran ng wikang dayuhan o panitikang pinaghahambing. Ang lingguwistikang Ingles ay kadalas pinag-aaralan sa nakahiwalay na mga kagawaran ng lingguwistika. Ang kahatiang ito na pang-interdisiplina sa pagitan ng isang nangingibabaw na oryentasyong lingguwistika o pampanitikan ay isang motibasyon para sa paghahati ng Modern Language Association (MLA) ng Hilagang Amerika upang maging dalawang subgrupo o kabahaging mga pangkat. Sa mga pamantasan na nasa mga bansang hindi nagsasalita ng Ingles, ang katulad na kagawaran ay madalas na sumasakop sa lahat ng mga aspekto ng araling Ingles na kabilang ang lingguwistika: ito ay isinasalamin, bilang halimbawa, sa kayarian at mga gawain ng European Society for the Study of English (ESSE).
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Panitikan, Edukasyon at Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.