Ardipithecus

Patay na genus ng mga hominin
(Idinirekta mula sa Ardipithecus ramidus)

Ang Ardipithecus ay isang fossil ng hominine. Dalawang species ang inilarawan sa panitikan: ang A. ramidus na umiral noong mga 4.4 milyong taon ang nakakalipas sa panahon ng maagang Plioseno, at A. kadabba na umiral noong humigit-kumulang 5.6 milyong taon nakakalipas noong panahong Mioseno.

Ardipithecus
Temporal na saklaw: Pliocene
specimen ng Ardipithecus ramidus na si Ardi
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Tribo:
Sari:
Ardipithecus

White et al., 1995
Species

Ardipithecus kadabba
Ardipithecus ramidus

Ang unang mga fossil ng A. ramidus ay natuklasan noong 1992-1993 ng isang pangkat ng mananaliksik na pinangunahan ni Tim White. Ito ay binubuo ng mga 17 pragmento kabilang ang bungo, panga, mga ngipin at mga buto ng braso na natuklasan sa Depresyong Afar sa ilog lambak na Gitnang Awash ng Ethiopia. Ang marami pang mga pragmento nito ay natuklasan noong 1994 na katumbas ng 45% ng buong kalansay. Ito ay unang inilarawan bilang species ng Australopithecus ngunit kalaunang tinawag ng pangkat ni White sa ilalim ng isang bagong henus na Ardipithecus. Sa pagitan ng 1999 at 2003, natuklasan ng multidisiplinaryong pangkat na pinangunahan ni Sileshi Semaw ang mga buto at mga ngipin ng siyan na indibidwal na A. ramidus sa As Duma sa Kanluraning Marhin ng Gona ng Rehiyong Afar ng Ethiopia.[1] The fossils were dated to between 4.35 and 4.45 million years old.[2]

Ang Ardipithecus ramidus ay nag-aangkin ng isang maliit na utak na may sukat sa pagitan ng 300 at 350 cm3. Ito ay kasing sukat ng modernong bonobo o babaeng karaniwang chimpanzee ngunit higit na mas maliit na utak kesa sa utak ng mga australopithecine tulad ni Lucy (~400 hanggang 550 cm3) at tinatayang 20% ng sukat ng utak ng modernong tao. Tulad ng mga karaniwang chimpanzee, ang A. ramidus ay mas higit na prognatiko kesa sa mga modernong tao.[3] Tulad ng karamihan ng mga hominid ngunit hindi tulad ng lahat ng mga nakaraang kinilalang mga hominin, ito ay nag-aangkin ng sumusunggab na hallux o malaking daliri ng paa na umangkop para sa lokomosyon sa mga puno. Hindi pa nakukumpirma kung gaanong kadami ng ibang mga katangian ng kalansay nito ang sumasalamin sa pag-aangkop sa bipedalismo sa lupain. Tulad ng ibang mga hominin, ang Ardipithecus ay nag-aangkin ng nabawasang ngiping canine.

Noong Oktubre 1, 2009, pormal na inanunsiyo ng mga paleontologo ang pagkakatuklas ng relatibong kumpletong fossil na kalansay ng A. ramidus na unang nahukay noong 1994. Ang fossil ang mga labi ng isang may maliit na utak na 50 kg babaeng tinawag na Ardi na kinabibilangan ng karamihan ng bungo at mga ngipin gayundin ng pelvis, mga kamay at mga paa.[4] Ito ay natuklasan sa malupit na disyertong Afar sa Aramis sa rehiyong Gitnang Awash ng Ethiopia. Ang radiometric dating ng mga patong ng abong bulkaniko na naglalaman ng mga labi ay nagmumungkahing si Ardi ay nabuhay noong 4.4 milyong taong nakakalipas. Ang ilan ay nagmungkahing si Ardi ay dapat petsahan noong 3.9 milyong taong nakakalipas.[5] Si Ardi ay tinawag na isang potensiyal na ninuno ng mga tao na nahuhulog sa pagitan ng isang hindi pa alam na species na karaniwang ninuno ng mga chimpanzee at tao at ni Lucy na kabilang sa henus na Australopithecus.[6] Ang species ni Ardi ay maaaring nagpalitaw sa Australopithecus.[6]

Ang Ardipithecus kadabba ay alam lamang mula sa mga ngipin at mga piraso ng mga kalansay.[4] Siya ay pinaniniwalaang nabuhay noong mga 5.6 milyong taong nakakalipas.[7] Ito ay inilarawan bilang isang malamang na chronospecies(i.e. ninuno) ng Ardipithecus ramidus.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "New Fossil Hominids of Ardipithecus ramidus from Gona, Afar, Ethiopia". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-24. Nakuha noong 2009-01-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-10-04 sa Wayback Machine.
  2. Indiana University News Release. "Anthropologists find 4.5 million-year-old hominid fossils in Ethiopia". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-14. Nakuha noong 2009-01-30. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Suwa, G; Asfaw, B.; Kono, R. T.; Kubo, D.; Lovejoy, C. O.; White, T. D.; atbp. (2 Oktubre 2009). "The Ardipithecus ramidus skull and its implications for hominid origins". Science. 326 (5949): 68, 68e1–68e7. Bibcode:2009Sci...326...68S. doi:10.1126/science.1175825. PMID 19810194. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |first= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Gibbons, Ann (2009). "A New Kind of Ancestor: Ardipithecus Unveiled". Science. 326 (5949): 36–40. Bibcode:2009Sci...326...36G. doi:10.1126/science.326_36. PMID 19797636.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Kappelman, John; Fleagle, John G. (1995). "Age of early hominids". Nature. 376 (6541): 558–559. Bibcode:1995Natur.376..558K. doi:10.1038/376558b0.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-08. Nakuha noong 2013-07-21.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 White, Tim D.; Asfaw, Berhane; Beyene, Yonas; Haile-Selassie, Yohannes; Lovejoy, C. Owen; Suwa, Gen; WoldeGabriel, Giday (2009). "Ardipithecus ramidus and the Paleobiology of Early Hominids". Science. 326 (5949): 75–86. Bibcode:2009Sci...326...64W. doi:10.1126/science.1175802. PMID 19810190.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)