Armenya

(Idinirekta mula sa Armenyana)

Ang Armenya (Armenyo: Հայաստան; tr. Hayastan), opisyal na Republika ng Armenya, ay bansang transkontinental at walang pampang na nasa pagitan ng Silangang Europa at Kanlurang Asya. Matatagpuan sa Timog Kaukasya, hinahangganan ito ng Turkiya sa kanluran, Heorhiya sa hilaga, Aserbayan at ng koridor Lachin sa silangan, at Iran at ng eksklabong Aseri na Nakhchivan sa timog. Ang kabisera, sentrong pinansyal, at pinakamalaking lungsod nito ay Ereban.

Republika ng Armenya
Հայաստանի
Հանրապետություն
(Armenyo)
Hayastani Hanrapetut’yun
Salawikain: Մեկ Ազգ, Մեկ Մշակույթ
Mek Azg, Mek Mshakuyt
"Isang Bansa, Isang Kalinangan"
Awitin: Մեր Հայրենիք
Mer Hayrenik
"Amang Bayan Natin"
Lokasyon ng Armenya.
Lokasyon ng Armenya.
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Ereban
40°11′N 44°31′E / 40.183°N 44.517°E / 40.183; 44.517
Wikang opisyalArmenyo
KatawaganArmenyo
PamahalaanUnitaryong republikang parlamentaryo
• Pangulo
Vahagn Khachaturyan
Nikol Pashinyan
LehislaturaAsembleyang Pambansa
Pagkakatatag
ika-6 na dantaon BK
190 BK
52–428
885–1045
1198–1375
28 Mayo 1918
2 Disyembre 1920
23 Setyembre 1991
21 Disyembre 1991
2 Marso 1992
5 Hulyo 1995
Lawak
• Kabuuan
29,743 km2 (11,484 mi kuw) (ika-138)
• Katubigan (%)
4.71
Populasyon
• Pagtataya sa Q1 2021
2,963,900 (ika-137)
• Senso ng 2011
3,018,854
• Densidad
101.5/km2 (262.9/mi kuw) (ika-99)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2021
• Kabuuan
$43.550 bilyon
• Bawat kapita
$14,701
KDP (nominal)Pagtataya sa 2021
• Kabuuan
$13.612 bilyon (ika-127)
• Bawat kapita
$4,595 (ika-104)
Gini (2019)29.9[1]
mababa
TKP (2019)Increase 0.776
mataas · ika-81
SalapiDram (֏) (AMD)
Sona ng orasUTC+4 (AMT)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy
Kuryente230V-50Hz
Kodigong pantelepono+374
Internet TLD

Ang unang Armenyong estado ng Urartu ay itinatag noong 860 BK, at noong ika-6 na dantaon BK ito ay pinalitan ng Satrapya ng Armenya. Naabot ng Kaharian ng Armenya ang kataasan nito sa ilalim ni Dakilang Tigranes noong ika-1 dantaon BK at naging ang kauna-unahang estado na ginawa ang Kristiyanismo bilang ang opisyal na relihiyon, na ginawa noong 301. Ang natatanging alpabetong Armenyo ay nilikha ni Mesrop Mashtots noong 405. Ang sinaunang kaharian ng Armenya ay nahati sa pagitan ng Imperyong Bisantino at Sasanida noong unang bahagi ng ika-5 dantaon. Sa ilalim ng halaring Bagratuni, ang Armenyang Bagratida ay naibalik noong ika-9 na dantaon. Humina ito dahil sa mga digmaan laban sa mga Bisantino, at tuluyan itong bumagsak noong 1045. Pagkatapos ay agad itong sinalakay ng mga Selyukidang Turko. Isang Armenyong prinsipado, at sa kalaunan ay ang Kahariang Armenyo ng Silisya ay naroon sa baybayin ng Dagat Mediteraneo sa pagitan ng ika-11 at ika-14 na dantaon.

Sa pagitan ng ika-16 at ika-19 na dantaon, ang tradisyunal na tinubuang-bayan ng Armenya na binuo ng Kanlurang Armenya at Silangang Armenya ay napasailalim ng pamumuno ng Imperyong Otomano at Persa, na paulit-ulit na pinamunuan ng alinman sa dalawa sa paglipas ng mga siglo. Noong ika-19 na dantaon, ang Silangang Armenya ay nasakop ng Imperyong Ruso habang ang karamihan sa mga kanlurang bahagi ng tradisyunal na Armenyong tinubuang-bayan ay nanatili sa ilalim ng pamamahalang Otomano. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, higit 1.5 milyong Armenyo na nanirahan sa kanilang lupaing ninuno sa Imperyong Otomano ay sistematikong nalipol sa henosidyong Armenyo. Noong 1918, kasunod ng Himagsikang Ruso, ang lahat ng mga bansang hindi Ruso ay nagpahayag ng kanilang kalayaan pagkatapos na pagkabuwag ng Imperyong Ruso, na humantong sa pagkatatag ng Unang Republika ng Armenya. Noong 1920, ang estado ay isinama sa Transkaukasyanong Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet, at noong 1922 ay naging isa itong kasaping nagtatag ng Unyong Sobyet. Noong 1936, ang estadong Transkaukasyano ay nilansag at ginawang ganap na mga republika ng Unyon ang mga nasasakupan nitong estado, kabilang na ang Armenyong Republikang Sosyalistang Sobyet. Ang modernong Republika ng Armenya ay naging malaya noong 1991 sa panahon ng pagbuwag ng Unyong Sobyet.

Ang Armenya ay isang demokratikong maraming partidong bansang estado. Isa itong bansang umuunlad, at niranggong ang bansa bilang ang ika-81 sa Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao noong 2018. Pangunahing nakabatay ang ekonomiya nito sa produksyong industriyal at pagkuha ng mga mineral. Habang ang Armenya ay heograpikal na matatagpuan sa Timog Kaukasya, ito ay karaniwang itinuturing na geopolitikong Europeo. Dahil dito, miyembro ang bansa ng iba't-ibang organisasyong Europeo, kabilang ang Konseho ng Europa, Silangang Pakikipagsosyo, Eurokontrol, Kapulungan ng mga Rehiyong Europeo, at Bangko para sa Muling Pagtatayo at Pagpapaunlad ng Europa. Bahagi rin ang Armenya ng mga partikular na grupong rehiyonal sa Eurasya, kabilang ang Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya, Organisasyon ng Tratadong Pangkolektibong Katiwasayan, Unyong Eurasyano, at Bangko sa Pagpapaunlad ng Eurasya. Sinusuportahan ng Armenya ang de factong may kasarinlang Republika ng Artsakh, na naiproklama noong 1991. Kinikilala ng Armenya ang Simbahang Apostolikong Armenyo, ang pinakamatandang pambansang simbahan sa mundo, bilang ang pangunahing relihiyosong establisyemento ng bansa.

Pamahalaan at Politika

baguhin

Paghahating pang-administratibo

baguhin

Ang Armenia ay nahahati sa sampung lalawigan (marzer, kapag isa marz), na ang lungsod (kaghak) ng Yerevan (Երևան) bilang may natatanging kalagayang pang-administratibo dahil sa pagiging kabesera ng bansa.

  1. Lalawigan ng Aragatsotn
  2. Lalawigan ng Ararat
  3. Lalawigan ng Armavir
  4. Lalawigan ng Gegharkunik
  5. Lalawigan ng Kotayk
  6. Lalawigan ng Lori
  7. Lalawigan ng Shirak
  8. Lalawigan ng Syunik
  9. Lalawigan ng Tavush
  10. Lalawigan ng Vayots Dzor
  11. Yerevan

Talababa

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "GINI index (World Bank estimate) - Armenia". World Bank. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Nobyembre 2018. Nakuha noong 17 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  CIS


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Bansa at Armenia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.