Pamantasang Ateneo de Manila

(Idinirekta mula sa Ateneo De Manila University)

Isang pribadong pamantasang pinatatakbo ng mga Heswita sa Pilipinas ang Pamantasang Ateneo de Manila (Ateneo de Manila University sa wikang Ingles). Matatagpuan sa Lungsod Quezon sa Metro Manila ang pangunahing paaralan nito. Naghahandog ito ng iba't ibang mga programa para sa elementarya, sekondarya, at kolehiyong antas gaya ng sining, humanidades, pangangasiwa, batas, agham panlipunan, teolohiya, purong agham at teknolohiya.

Ateneo de Manila University
Pamantasang Ateneo de Manila
SawikainLux in Domino (Liwanag sa Panginoon)
Mga undergradweyt~7,000
Lokasyon, ,
Kampus1.2 km²
Awit ng paaralanA Song for Mary
KulayAsul at puti           
MaskotBlue Eagle
ApilasyonACUCA, ASEACCU, JCEAO, UAAP, UPEACE, atbp.
Websaytwww.ateneo.edu

Isa sa dalawang pamantasan sa Pilipinas ang Ateneo na nabigyan ng Level IV Accreditation, ang pinakamataas na antas, mula sa Federation of Accrediting Agencies of the Philippines, at ang PAASCU. Ang tanda na ito ay iginagawad sa mga institusyong nagpakilala sa sarili sa iba't ibang mga disiplina ng karunungan na nagbibigay sa Ateneo ng awtoridad at karangyaan na maihahambing sa mga ibang tanyag na pamantasan sa ibang bansa.

Layunin

baguhin

Nakakapit sa tradisyong pang-edukasyon ng Heswita ang mithiin at misyon ng Ateneo. ("The Ateneo has grounded its vision and mission in Jesuit educational tradition"). Malalagom ang paglalahad ng misyon-mithiin ng Ateneo sa sumusunod na talata,

"Nais ng Pamantasang Ateneo ng Manila na paunlarin ang mga lalaki't babae upang siyasatin ng may lalim ang ginagalawan nilang mundo, marating ang kagitingan at kakayahang mamuno upang makabuo ng mga kasagutan sa mga problema ng lipunan, at makapag-ambag sa pag-unlad ng sambayanang Pilipino at ng mundo sa kabuoan."

Nakabuo na ang Ateneo ng ilang salinglahi ng mga pinuno at mga taong may mahalagang bahagi sa pagbuo at pagbago ng pampolitika, pang-ekonomiya at panlipunan na buhay ng bansa gaya nina Jose Rizal, Horacio de la Costa, Claro M. Recto, Raul Manglapus, Soc Rodrigo, at Ninoy Aquino, at ang maraming lalaki't babae sa pamahalaan, pagtuturo, pribadong sektor at civil society.

Kilalang mga nag-aral at mga propesor

baguhin

Mga panlabas na kawing

baguhin

Opisyal na mga web sayt

baguhin

Paaralang Pampropesyonal

baguhin

Silid-aklatan

baguhin

Iba pa

baguhin