Tanyag, Taguig
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Maaaring hindi nakakatugon ang artikulong ito sa pangkalahatang gabay sa katanyagan.
Pakitulungang magbigay ng katunayan ng katanyagan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mapagtitiwalaan, pangalawang mga sanggunian tungkol sa paksa. Kung hindi makapagbigay ng patunay ng katanyagan, malamang na isanib o burahin ang artikulo. |
Ang Barangay Tanyag (PSGC: 137607001) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Ito ay napaliligiran ng sangay ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya sa Bicutan sa hilaga, Daughters of Charity sa Lungsod ng Parañaque sa Timog, Barangay Bagumbayan sa silangan, at South Superhighway sa kanluran.
Barangay Tanyag, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Cecilia C. Teodoro | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1631 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Kasaysayan
baguhinIsa sa pinakamalaking barangay ng Lungsod ng Taguig, ay ang Barangay Bagong Tanyag, Mahigit sa dalawampu't apat na libo (31,000) ang populasyon nito, at may humigit-kumulang labinlimang libong botante. Ito ay binubuo ng tatlong (3) sitio, ang North Daang Hari, Tanyag Proper, at South Daang Hari, kasama ang Perpetual Village.
Ang titulong “Bagong Tanyag”, ay buong karangalang ipinangalan sa barangay na ito, bilang paggunita at pagdakila sa maningning na paglilingkod sa Bayan ng Taguig ng yumao at dating Punong-bayan, Kgg. Mayor Monico Tanyag.
Sa mahigit na dalawampu't apat na libong populasyon ng Bagong Tanyag, nakahihigit sa dami ang mga babae kaysa lalake. Masasabing ang komunidad na ito, ay nasa gitna ang antas ng kinikita, sapagkat higit na nakararami ang mga “factory workers” at mga ‘self employed” kaysa mga propesyonal. Ang barangay ay may anim (6) na doktor, tatlong (3) manananggol, siyam (9) na registradong komadrona, dalawang (2) inhinyero, at tatlong (3) nars.
Ang barangay ay may tatlong (3) bahay-sambahan (kapilya) para sa mga katoliko, at isang kapilya ng protestante. May tatlong paaralang elementarya, bukod pa sa ilang preparatory schools, gaya ng Day Care Center, R.I.C. at isang Non-Government Organization (NGO) kindergarten class na pinamahalaan ni Gng. Lucia Pacayra.
Ang Tanyag Proper, ay pinasok na ng National Housing Authority, upang ang lugar na ito, ay kanilang maipamahagi sa mga naninirahan dito. Kamakailang lamang ay nagkaroon na ng “signing of memorandum of agreement” ang NHA at ng tatlong nagmamay-ari ng mga lupa sa Purok 7 at Purok 8 upang ang mga loteng kinatitirikan ng mga bahay na mga nainirahan sa nasabing mga purok ay kanilang mabili sa mababang halaga. Ang okasyong nabanggit, ay sinaksihan ng Kgg. Cong. Dante O. Tiñga, at ng dating Kgg. na Mayor Rodolfo de Guzman, kasama ang Kapitan ng Barangay, Gng. Preciosa Aliling at pangulo ng Homeowners Assn. (BATAHAI), Gng. Remedios Bico.
Kasalukuyang isinasagawa ang konstruksiyon ng dalawang Barangay Outpost sa Purok 13 ng South Daang Hari, at sa Purok 33 ng North Daang Hari. Pangunahin sa mga balak na proyekto ng Sangguniang Barangay ang pagpapasemento ng mga pathways at paglalagay ng kuryente sa mga lugar na barangay na malayo sa pangunahing kalsada.
Edukasyon
baguhinElementarya
baguhin- Bagong Tanyag Elementary School
- St. Helena Academy at Perpetual Village
Pre-schooler/Kinder (Public/Controlled by DSWD):
baguhin- Bagong Tanyag Day Care Center
- BATAHAI Day Care Center
- TICC Day Care Center
Pamahalaan
baguhinSangguniang Barangay
baguhin- Punong Barangay: CECILIA "CECILE" TEODORO
- Kagawad ng barangay:
- DESSIREE JANE DIZON-KATIGBAK
- SEBASTIAN "JB" BALACANAO
- PEDRO M. GARCIA
- ERHARD FONTANILLA
- PANFILO ARGUTA JR
- REMEDIOS BICO
- EDGARDO MAE "VJ" LIONGCO JR
- Kalihim: FEDIS B. GIRAY
- Ingat-Yaman: JEAN MARIE DE GUZMAN
Tingnan din
baguhinMga panlabas na link
baguhin- Barangay Bagong Tanyag, Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2009-12-15 sa Wayback Machine.