Baryang dalawampung-piso ng Pilipinas
Pinakamataas na denominasyon ang baryang dalawampung piso (₱20, Ingles: twenty peso coin) ng Pilipinas mula ito nilabas noong taong 2019. Ito ang pangalawang barya ng Pilipinas na gumagamit ng dalawang metal na pinagsama sa isang barya pagkatapos nilabas ang baryang sampung-piso ng Pilipinas noong ika-8 ng Hulyo 2001.
Pilipinas | |
Halaga | 20.00 piso ng Pilipinas |
---|---|
Timbang | 11.50 g |
Diyametro | 30 mm |
Kapal | 2.2 mm |
Gilid | Makinis na mayroong nakalagay na titik na "BSP" sa anim na magkaibang anggulo |
Komposisyon | Bimetal (Bakal na tubog sa tansong-pula sa gitna at bakal na tubog sa nikel sa argola) |
Taon ng paggawa | 2019–kasalukuyan |
Obverse | |
Disenyo | "Republika ng Pilipinas"; mukha ni Manuel Quezon; halaga; maliliit na imprenta ng "Republika ng Pilipinas"; taon ng paggawa; marka ng paggawa |
Reverse | |
Disenyo | Scyphiphora (nilad); logo ng Bangko Sentral ng Pilipinas; Palasyo ng Malakanyang; maliliit na imprenta ng "Bangko Sentral ng Pilipinas" |
Tagadisenyo | Bangko Sentral ng Pilipinas |
Petsa ng pagkadisenyo | 2019 |
Kasaysayan
baguhinSeryeng Bagong Salinlahing Pananalapi: Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Hulyo 2019 na ang salaping papel na ₱20 ay ipapalit sa barya, sapagkat ang bawat piraso ng salaping papel na ₱20 ay tatagal lamang ng isang taon sa sirkulasyon samantalang ang barya naman ay tatagal ng sampu hanggang labinlimang taon. Nakabatay sa pananaliksik ang pasyang ito mula sa Pamantasan ng Pilipinas. Noong Setyembre 2019, naidisenyo na sa wakas ang baryang ₱20, at winika ni Benjamin Diokno na mananatili pa rin sa harapan si Manuel L. Quezon na tulad din ng saraling papel nito[1] at magiging dalawang metal sa isang barya ang komposisyon nito: bakal na tubog sa nikel sa gitna at bakal na tubog sa tansong-pula sa argola at magiging higit na malaki sa baryang sampung-piso ng Pilipinas. Binanggit niya rin na magkakaroon ng higit na maraming tampok upang maging iba sa ibang mga baryang Bagong Salinlahing Pananalapi.[2] Kinumpirma at ipinakilala sa publiko noong ika-17 ng Disyembre 2019 ang larawan ng bagong barya na kasama rin ang pinahusay na limang piso.[3] Unang sinabi na ipapakilala ang baryang iyon noong huling bahagi ng 2019 o sa panimulang bahagi ng 2020,[4] at ang ulat noong ika-17 ng Disyembre, nakasaad na kanilang inilabas sa sirkulasyon ang 500,000 pirasong barya, at dumami pa ang bilang ng mga baryang 20-piso noong 2020.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Lopez, Melissa Luz (26 Hulyo 2019). "Manuel Quezon to remain the face of new ₱20 coins". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hulyo 2019. Nakuha noong 29 Hulyo 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lucas, Daxim L. (15 Oktubre 2019). "BSP to launch in December new P20 coin to replace banknote". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Oktubre 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rodriguez, Bruce T. (17 Disyembre 2019). "Bangko Sentral launches new P20 coin, enhanced P5". ABS-CBN News. Nakuha noong 17 Disyembre 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bangko Sentral to create P20 coin". Rappler. 17 Hulyo 2019. Nakuha noong 29 Hulyo 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zialcita, Sandra (17 Disyembre 2019). "LOOK: Here are the new ₱5, ₱20 coins". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2019. Nakuha noong 20 Disyembre 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)