Bjørnstjerne Bjørnson
Si Bjørnstjerne Martinius Bjørnson (8 Disyembre 1832 – 26 Abril 1910[3]), binabaybay ding Björnstjerne Martinus Björnson,[3] ay isang Iskandinabyano[3] at Noruwegong manunulat ng maiikling mga kuwento, nobelista, mandudula, direktor ng tanghalan, dramatista,[3] at laureata para sa Gantimpalang Nobel sa Panitikan ng 1903. Itinuturing siya bilang isa sa "Ang Dakilang Apat" na mga manunulat na Noruwego; sina Henrik Ibsen, Jonas Lie, at Alexander Kielland ang iba pa.[4] Ipinagdiriwang si Bjørnson dahil sa kanyang mga liriko para sa Pambansang Awit ng Noruwegang "Ja, vi elsker dette landet".[5]
Bjørnstjerne Bjørnson | |
---|---|
Kapanganakan | 8 Disyembre 1832[1]
|
Kamatayan | 26 Abril 1910[1]
|
Libingan | Vår Frelsers gravlund[2] |
Mamamayan | Noruwega |
Nagtapos | Unibersidad ng Oslo |
Trabaho | makatà,[1] mandudula,[1] manunulat,[1] mamamahayag, prosista, politiko |
Asawa | Karoline Bjørnson (11 Setyembre 1858–26 Abril 1910) |
Anak | Bergliot Ibsen Bjørn Bjørnson Erling Bjørnson |
Magulang |
|
Pirma | |
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Bjørnson sa Kvikne, sa Bulubundukin ng Dovre, ng Noruwega. Anak na lalaki siya ng pastor ng nayon. Pagkaraan ng anim na taon, lumipat ang mag-anak niya papunta sa Naesset (o Nesset) na nasa kanlurang dalampasigan ng Noruwega.[3]
Edukasyon
baguhinNag-aral siya sa paaralan ng balarila sa Molde. Pagkalipas nito, pumasok siya sa Pamantasan ng Christiana, kung saan siya nagsimulang magsulat ng mga berso at mga artikulo para sa pahayagan.[3]
Sa panitikan
baguhinSa Upsala niya napag-alamang may "tawag" siya para sa larangan ng panitikan, noong 1856. Noong 1857, naisulat niya ang kanyang unang obra maestra, ang Synnøve Solbakken (o Synnöve Solbakken), habang nasa Copenhagen. Nasundan ito ng Arne noong 1858, isang kuwentong naglunsad ng baong panahon sa panitikang Noruwego, at naging dahilan din kanyang isa sa mga nangungunang Noruwegong mga manunulat sa kanyang panahon.[3]
Noong 1887, ipinalabas ni Bjørnson ang dramang "The King" ("Ang Hari") na nagkaroon ng epektong pampolitika sa Noruwega, sapagkat isa itong pag-atake sa pinuno ng Noruwega at Sweden, at naging sanhi ng pagtanggap kay Bjørnson bilang pinuno ng bagong kilusang ito ng bawat isang Noruwegong nagnanais na maging isang nagsasariling bansa ang Noruwega.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 https://cs.isabart.org/person/80084; hinango: 1 Abril 2021.
- ↑ http://www.begravdeioslo.no/maler/grav/grave_id/12290; hinango: 27 Oktubre 2017.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Björnstjerne Björnson". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 274.
- ↑ Grøndahl, Carl Henrik; Tjomsland, Nina (1978). The Literary masters of Norway: with samples of their works. Tanum-Norli. ISBN 9788251807272. SBN.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Beyer, Edvard & Moi, Bernt Morten (2007). "Bjørnstjerne Martinius Bjørnson". Store norske leksikon (sa wikang Noruwego). Oslo: Kunnskapsforlaget. Nakuha noong 2009-09-09.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Noruwega at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.