Gitnang Europa

(Idinirekta mula sa Central Europe)

Ang Gitnang Europa (Ingles, Central Europe o kaya Middle Europe) ay isang rehiyon sa kontinente ng Europa na nakahimlay sa pagitan ng may pagkakasamu't saring tiniyak na mga pook ng Silangan at Kanlurang Europa. Ang katawagan at malawakang pagbibigay ng pansin sa rehiyon mismo ay nanumbalik[1] pagsapit ng wakas ng Digmaang Malamig, na pampolitikang naghati sa Europa sa Silangan at Kanluran, na naghati ng Gitnang Europa sa dalawa.[2][3]

Mga estado sa Gitnang Europa at mga lupaing makasaysayan na pana-panahong may kaugnayan sa rehiyon.

Ang diwa ng Gitnang Europa, at ng isang karaniwang pagkakakilanlan, ay tila mailap.[4][5][6] Subalit, pinagdirinan ng mga dalubhasa na maaaring umiiral ang namumukod-tanging kultura ng Gitnang Europa, bagaman kontrobersiyal at pinagtatalunan ang kawariang ito.[7][8] Ibinatay ito sa mga pagkakahalintulad na nagbubuhat mula sa mga katangiang pangkasaysayan, panlipunan, at pangkultura,[7][9] at kinikilala ito bilang isa sa dating naging pinakamayamang napagkukunan ng malikhaing talento sa pagitan ng ika-17 at ika-20 mga daantaon.[10] Binigyang katangian ng Cross Currents: A Yearbook of Central European Culture (maisasalin na "Salungatang-Daloy: Isang Taunang Aklat ng Kultura ng Gitnang Europa") ang Gitnang Europa bilang isang iniwan at pinabayaang Kanluran o isang lugar kung saan nagbabanggaan ang Silangan at Kanluran.[11] Binigyang kahulugan ng Constant Committee for Geographical Names ng Alemanya ang Gitnang Europa kapwa bilang isang namumukod-tanging pook ng kalinangan at isang rehiyong pampolitika.[12][13] Ipinagmamatuwid ni George Schöpflin at ng mga iba pa na ang Gitnang Europa ay binibigyang kahulugan bilang isang bahagi ng Kanluraning Kristiyanismo,[14] habang matatag namang inilagay ni Samuel P. Huntington ang rehiyon sa loob ng kulturang Kanluranin.[15]

Mula sa dekada 2000 at pasulong pa, ang Gitnang Europa ay dumaraan sa isang yugto ng "paggising na may estratehiya",[16] na may pag-agap o inisyatibong katulad ng CEI, Centrope o V4. Habang ang ekonomiya ay nagpapakita ng mga kaibahan hinggil sa kinikita,[17] ang lahat ng mga bansa sa Gitnang Europa ay tinatala ng Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao bilang mga bansang may may napakataas na kaunlaran.[18]

Mga bansa

baguhin

Isang pinagmulan ng tuluyang kontrobersiya ang pag-unawa sa konsepto ng "Gitnang Europa",[19] ngunit kinikilala nang de facto ang mga bansa ng Pangkat Visegrád bilang bahagi ng rehiyon.[20] Gayunpaman, karaniwa'y kinikilala ang Gitnang Europa bilang rehiyong binubuo ng sumusunod na bansa:

Kasama rin sa kahulugan ng "Gitnang Europa" ang ilang teritoryong sakop ng sumusunod na bansa:

Sa tradisyong Aleman, kasama rin ang mga estadong napapaligiran ng Dagat Baltiko (ang Estonya, Latbiya at Litwaniya) sa kahulugan ng "Gitnang Europa", kahit kung mas angkop ang kanilang lokasyong heograpikal sa kahulugan ng Hilagang Europa. Kasama na rin sa tradisyong ito ang mga teritoryong sakop ng sumusunod na bansa:

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Central Europe — The future of the Visegrad group". The Economist. 2005-04-14. Nakuha noong 2009-03-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Regions, Regionalism, Eastern Europe by Steven Cassedy". New Dictionary of the History of Ideas, Charles Scribner's Sons. 2005. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lecture 14: The Origins of the Cold War. Historyguide.org. Nakuha noong 2011-10-29.
  4. Agh 1998, pp. 2–8
  5. "Central European Identity in Politics — Jiří Pehe" (sa wikang Tseko). Conference on Central European Identity, Central European Foundation, Bratislava. 2002. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Europe of Cultures: Cultural Identity of Central Europe". Europe House Zagreb, Culturelink Network/IRMO. 1996-11-24. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Comparative Central European culture. Purdue University Press. 2002. ISBN 9781557532404. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "An Introduction to Central Europe: History, Culture, and Politics – Preparatory Course for Study Abroad Undergraduate Students at CEU" (PDF). Central European University. Budapest. Taglagas 2006. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-06-17. Nakuha noong 2012-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Ben Koschalka – content, Monika Lasota – design and coding. "To Be (or Not To Be) Central European: 20th Century Central and Eastern European Literature". Centre for European Studies of the Jagiellonian University. Inarkibo mula sa orihinal noong 2001-03-03. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Ten Untaught Lessons about Central Europe-Charles Ingrao". HABSBURG Occasional Papers, No. 1. 1996. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Introduction to the electronic version of Cross Currents". Scholarly Publishing Office of the University of Michigan Library. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "StAGN-Empfehlung zur Großgliederung Europas". StAGN.de. Nakuha noong 2011-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "A Subdivision of Europe into Larger Regions by Cultural Criteria". Nakuha noong 2011-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. History of the literary cultures of East-Central Europe: junctures and disjunctures in the 19th and 20th centuries, Volume 2 [1]
  15. When identity becomes an alibi (Institut Ramon Llull) [www.llull.cat/rec_transfer/webt1/transfer01_essa05.pdf]
  16. "The Mice that Roared: Central Europe Is Reshaping Global Politics". Spiegel.de. 26 Pebrero 2006. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Which regions are covered?". European Regional Development Fund. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-04-03. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 2010 Human Development Index Naka-arkibo 2010-11-21 sa Wayback Machine.. (PDF). Nakuha noong 2011-10-29.
  19. "For the Record – The Washington Post – HighBeam Research". Highbeam.com. 1990-05-03. Nakuha noong 2010-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  20. "From Visegrad to Mitteleuropa". The Economist. 14 Abril 2005.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)