Crisostomo Yalung
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Setyembre 2017)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Crisostomo Yalung ay dating Obispong Katoliko mula sa Pilipinas. Siya ang ikalawang obispo ng Diyosesis ng Antipolo, na nagsilbi mula Disyembre 2001 hanggang Oktubre 2002.
The Most Reverend Crisostomo Yalung | |
---|---|
Bishop Emeritus of Antipolo | |
Sede | Antipolo |
Panunungkulan | Disyembre 2001 - Oktubre 2002 |
Hinalinhan | Most Rev. Protacio G. Gungon |
Kahalili | Most Rev. Gabriel Reyes |
Mga detalyeng personal | |
Kapanganakan | Disyembre 3, 1953 Angeles, Pampanga |
Denominasyon | Roman Catholic |
Lumaki sa Pampanga, nagtapos si Yalung ng pilosopiya at teolohiya sa San Carlos Seminary. Naordinahan siya bilang pari para sa Arkidiyosesis ng Manila noong 1979. Naging rektor siya ng parehong seminaryo mula 1991 hanggang 1994. Kinonsagra siya ni Kardinal Jaime Sin bilang obispo ng Manila noong 1994.
Mula 1994 hanggang 2001, Pinamumunuan ni Obispo Yalung ang eklesyastikong distrito ng Makati. Mayroon siyang lisensiya sa Banal na Kasulatan mula sa Pontifical Biblical Institute at PhD sa Banal na Teolohiya mula sa Pontifical Gregorian University sa Roma.
3 Disyembre 2001 nang palitan niya si Lubhang Kgg. Protacio Gungon bilang Obispo ng Antipolo. Subalit naputol ang kanyang panunungkulan nang lumabas ang isang iskandalo noong Oktubre 2002. Di naglao'y nagbitiw siya sa tungkulin.
29 Enero 2003, ang sumunod kay Yalung na si Lubhang Kgg. Gabriel V. Reyes ng Kalibo, Aklan, ay itinalagang bagong Obispo ng Antipolo. Ang lathalaing ito na tungkol sa Obispo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.